Chapter 10

250 20 2
                                    




"She's vivacious today, huh? Hindi ba umaatake ang hormones mo ngayon?" Kleeya teased, smirking. I gave her a side-eye, arching my left brow. Tinatali niya ang kaniyang buhok habang nanunuya ang kaniyang tingin sa akin.

"Bitch?" Pagtataray ko kaya nagtawanan sila.

"Right? And she's glowing too!" Maliyah giggled softly before applying the lip tint she borrowed from me on her lips.

Sinimangutan ko si Aiah. "What? I feel like I'm so ngarag today. I slept late last night," Thinking about it makes me want to sleep so I had to distract myself by doing my eyelashes. I curled them long lashes with the eyelash curler from NYX.

Sa gilid ng mga mata ko ay ngumiti si Blossom aka the leader, the most reliable, the homeroom class President every year, no other than Athena, habang pinagmamasdan niya ang mukha ko.

"Hindi ba puwedeng mag-glow kahit na puyat? Aiah is right, you look like na parang kinikilig ka—"

"No! I'm not kinikilig, ah!" My hand drastically flew to my mouth.

Bumaling tuloy sa amin ang iba naming kaklase dahil sa lakas ng pagkakasabi ko nun. Oh gosh? I'm so defensive! Pero... totoo naman kasi! Kinikilig ako ngayon! Kaya halatang-halata na nila Maliyah dahil sa pamimilog ng mga mata ko at paniguradong kapansin-pansin ang pamumula ng mga pisngi ko.

Sucks to be me who's easy to read and transparent with my feelings. Tsk!

I heaved a sigh and pouted my lips. "Fine... oo, kinikilig ako..."

Maliyah gasped and gently pinched my arm. "Who's the lucky guy then?" She sounded genuinely thrilled to know who's the guy who is making me feel butterflies in my stomach.

Impit akong tumili. I can finally share my thoughts and feelings with the people I am close with, without fretting about my parents. They made it clear this morning that I am allowed to be in a relationship as long as I know my limits.

Hindi ko naman din pababayaan ang studies ko, my relationship with Diego won't be a nuisance. I may not be as smart as Kalix but I do get decent grades. I'm trying my best naman pero kahit anong aral ko, pagdating ng exams, parang hindi nagsi-sink in sa utak ko ang mga ni-review ko kapag nakita ko na ang test paper. Studious lang ang atake ko pero tuwing exams na, biglang nag-lag ang person. And hindi naman ako pine-pressure nila Mommy na maging achiever katulad ni Kalix, they knew that I'm doing my best and it's enough for them.

Buti nga hindi ako pinapagalitan ng mga teachers sa mga scribbles and drawings ko sa test paper. Kapag tapos na kasi ako, hindi ko muna pinapasa. Hinihintay ko na mangalahati ang nagpapasa bago ako. At naging hobby ko na rin 'yon simula pagka-bata, na hindi ko na siguro maaalis sa akin.

"Oooh! May nagugustohan na pala ang pinaka-pihikan, hindi makabasag pinggan, ang pinaka-mahinhin sa ating apat—"

Athena made a face. "Ginawa mo naman siyang si Maria Clara, Eya."

Kleeya rolled her eyes with so much sass and snorted like a pig. "Alam ko naman na may pagka-bitchesa 'tong si Leigh, eh. Duh!"

"'Wag na nga kayong mag-talo, gusto ko na malaman kung sino!" Mahinang hinampas ni Maliyah ang braso ni Kleeya na muling umirap.

Silang tatlo ay naka-tingin na sa akin, inaabangan kung sino ang lalaking... ugh!

"Si Diego..." I muttered. Impit akong tumili at tinakpan ang aking buong mukha. I heard them gasping and giggling.

"Ito naba ang sinasabing crush ako ng crush ko?" Kinikilig na sabi ni Kleeya at mahinang hinigit ang buhok ko, kaya mahina kong tinampal ang kamay niya.

Rebel Kisses (Forbidden Flame Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon