Chapter 14

190 27 1
                                    




"I can't wait to see your siblings tomorrow, also Tita Deanalyn." I gave Diego my cute smile, he poked my right cheek with his forefinger. Nasa tapat na kami ng kaniyang car na naka-park sa tapat ng bahay namin dahil inihatid ko siya.

"Hindi na rin sila makapag-hintay na makita ka, Rei, kung alam mo lang. They wanted to come with me kanina,"

"Bakit hindi mo sinama? Gosh!" Mahina kong hinampas ang kaniyang braso at lumabi.

He chuckled. "Nakakahiya naman kina Tita at Tito, tama naman si Kalix. I shouldn't be here—"

Nagpa-ikot ikot ang mga mata ko. "Don't listen to him nga! Si Mommy na mismo ang nag-invite sa'yo ngayon kasi nga, ang alam pa nila... tayo pa," Hininaan ko ang boses ko.

He tucked the strand of my hair behind my left ear and smirked. "Ikaw naman kasi, nakipag-hiwalay kapa sa akin. Ayaw mong gi-try ang LDR—"

"Gi-try?" I giggled. "You're not even Bisaya! Stop mocking—"

"I'm not mocking them. And correction, Rei. I'm half Bisaya because of my Dad. Nasanay lang ako kasi palaging gano'n ang naririnig ko sa mga Bisayang pinsan ko, Rei. Kami lang ang lumaki rito sa Manila because of Mommy," Oo nga pala. Nalimutan ko, gosh!

"Taga saan ulit sila?"

"Cagayan de Oro, I badly want to learn how to speak Bisaya. It sounds cool, gi-try." He winked at me.

"You mean expensive? That's what I'm hearing, they sounded so expensive because of the way they talk,"

He smiled. "How was the movie, by the way? Did you enjoy?"

Napawi tuloy ang ngiti ko. "No, ang ingay ni Kalix tapos panay spoil sa next scenes!" Umirap ako kaya mahina siyang natawa.

Pinanood namin 'yung Jeepers Creepers 2 at hindi ko masiyadong na-enjoy ang movie dahil sobrang ingay ni Kalix, he keeps on spoiling what was going to happen next and it annoys me. I scolded him to shut his mouth but he didn't listen to me, kaya nanahimik nalang ako kahit na iritang-irita na ako sa kaniya. I didn't want to scold him too much, pero kung wala lang si Diego ay kanina ko pa pinagsisipa si Kalix at binusalan siya sa bibig.

Nasa gitna rin namin siya ni Diego pero naaasiwa ako sa sobrang lapit niya sa akin, tapos tinatakloban pa niya ng kumot ang mga katawan naming dalawa. Kapag may nakakatakot na part, bigla niyang itataas ang kumot para iharang, upang hindi ko makita 'yung screen ng Macbook ko.

Basta! Iritang-irita ako sa kaniya kanina. Sobrang ingay niya tapos pinagpipilitan pa niya na 'yung 'It's a Boy Girl Thing' nalang ang panoodin namin.

It's not even a Disney movie, at napanood ko na 'yon noon, namin ni Diego.

Napatitig ako sa mga mata ni Diego habang tinitingala ko siya. Dahil sa movie na 'yon, mas nakilala ko ng lubosan si Diego. We weren't friends back then, but he was a close childhood friend of Kalix.

Si Kalix 'yung una kong inayang panoodin 'yon pero ayaw niya dahil busy siya sa paglalaro ng League of Legends with his friends. Diego heard me that time, he was playing with my brother that day.

He added me on Facebook that day, I accepted his friend request. Madalas din siyang pumunta sa bahay pero hindi ko naman siya maka-usap, kasi hindi ako kumportable sa ibang kasama nilang mga lalaki.

Nagulat pa nga akong chinat niya ako bigla, 'yon pala dahil gusto niya rin manood ng movie habang nagpapahinga siya sa paglalaro. Siya ang nag-introduced sa akin ng Discord at 'yon ang araw na naging malapit kami sa isa't isa at naging hobby na namin ang manood ng movie, pero nang makita ni Kalix na friend ko si Diego sa Facebook dahil hiniram niya ang phone ko noong 5th birthday party ni Rora. He had the audacity to block him! Kaya nang aayain ko sana siyang manood ng movie, hindi ko na makita 'yung account niya. Naka-block na pala!

Rebel Kisses (Forbidden Flame Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon