Chapter 5

208 19 1
                                    




Kalix blocked my way, arms spreading out with a frown on his face. Malikot ang mga mata niya at kung saan-saan dumadapo sa mukha ko, as if he's trying to look for any rift in my facial expression other than what my eyes speak.

Tumigil ako sa paglalakad habang tinitingala siya. Kinunotan ko siya ng noo, pabalik na kaming dalawa sa field dahil P.E namin ngayon. Nag-refill lang ako ng tubig sa hydro flask ko kaya sinamahan niya ako sa canteen, bumili ako ng bottled water na malamig at para manatiling malamig, isinalin ko sa hydro flask ko. Humingi na rin ako ng ice cubes sa bantay na babae, inakala kong may bayad pa nung una pero free lang pala.

Kahit na hapon na ay tirik pa rin ang araw kaya init na init ako. Pulang-pula na nga ang balat ko tapos pakiramdam ko, mahihimatay ako. Ayaw ko sanang mag-salita kasi parang hihingalin ako.

"Bakit?"

His chinky eyes squinted at me. "Napapansin ko lang na hindi mo na ako masiyadong tinatarayan? What's wrong?" He then tilted his head to the side.

Oh.

That?

"Why? Gusto mo bang tinatarayan kita? Move," Irap ko bago siya nilagpasan kaya sumunod siya sa akin at
sinabayan ako sa paglalakad.

He chuckled lowly.

"Wala lang, hindi mo na rin ako inaaway kapag inaasar kita like you used to do. I feel like there's something wrong—"

Binalingan ko siya. "Gusto mo bang nag-aaway tayo palagi? Hindi kaba nagsasawa?" Ngiwi ko kaya ngumiti siya at inilagay ang mga kamay sa likod ng kaniyang ulo, nakita ko ang kaniyang kili-kili na may buhok kaya sinundot ko 'yon kaya naibaba niya ang kaniyang mga kamay at bahagyang lumayo sa akin, naalala ko nga palang may kiliti siya sa kili-kili.

Ew, basa!

Pinunas ko ang hintuturo ko sa kaniyang P.E shirt. He chuckled at what I did. Umirap nalang ako at uminom ng tubig sa hydro flask.

"Arte naman nito, wala akong putok, ah? Amoyin mo daliri mo nang malaman mo,"

"So gusto mong amoyin ko pa para mapatunayan mo ngang wala kang putok? You're disgusting."

"Ayaw mo lang aminin na mabango ako, eh. Kahit na ten minutes lang akong naliligo," Ingos niya kaya ngumiti ako.

"If you already know to yourself that you smell good then what's the point of me sniffing my finger?"

Tinaasan niya ako ng kilay. "So you agree? I smell good?" Umangat ang sulok ng kaniyang bibig kaya tumango ako at nagkibit ng balikat bago sumilip sa salamin ng Library nang madaanan namin. Walang masiyadong students sa loob. Probably the least favorite place to go to of the students here, unlike my previous school. Punoan lagi ang Library every hour.

"Ako pa mismo ang lalayo sa'yo kung mabaho ka." I teased and glanced at him. Naabutan ko siyang tinitingnan ang tiyan kong impis, naka-tali sa likod ang shirt ko kaya pinapakita ang baywang at tiyan. I'm not the only one na ganito ang ayos. And hindi rin naman kami sinusuway ni Ma'am Cruz.

"Baba mo nga 'yang shirt mo!" Iritado niyang utos sabay angat ng mga mata sa akin. Sinasabi ko na nga ba na pupunain niya 'yon. Kanina pa akong ganito ang ayos, pero ngayon niya lang napansin? Tsk.

He wrinkled his nose at me when I didn't obey his command. I just gave him a blank stare.

Parang na-trigger no'n na ma-activate ang kaniyang pagiging protective Kuya mode dahil kumibot-kibot na ang kaniyang mga makakapal na kilay.

My lips twisted as I observed his face turning stern and deadly fucking serious. It baffles me! Hindi na ako bata!

"Hindi mo aayosin?"

Rebel Kisses (Forbidden Flame Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon