Chapter 06

522 21 11
                                    

Disclaimer!!

This is a work of fiction.

Names, businesses, characters, places, and events are products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, is purely coincidental.

Warning: Wrong Grammar and Typos Alert!

Please remember to ship responsibly!

A/N: Guys, follow me sa IG @Iraang_




Jhoanna's POV


I'm busy playing with the white sand at umiiwas sa wave ng tubig habang tinatanaw si Stacey kausap si Caleb at Claire.

Hindi ko alam kung para saan ang pinag uusapan nila at ayaw ko ng alamin.

"No work daw sa vacation pero ayan siya kausap mga workmates niya" sabi ko habang sinisipa ang buhangin 

"Chill, it's important and also nandiyan narin naman yung workmates niya kaya anong magagawa?" Natatawang tanong ni Shee na may hawak na camera dahil kung ano ano nanaman ang pinapagawa niya sa'kin.

"Wag ka na tumingin do'n. Pose ka naman ng ganito, kunwari may tinuturo ka sa dagat!" utos niya at game na game naman siya sa pagka photographer niya.

Ginawa ko parin ang sinabi niya pero hindi ko maiwasan ang ilipat ang tingin kung nasaan si Stacey. Naririnig ko kasi ang tawa niya at bawat pag hampas niya sa braso ni Caleb.

"Jho! Focus! Umupo ka naman dito tapos hawakan mo itong juice. Bebe give me the juice" sabi ni Shee kay Gwen na nakaupo lang sa gilid, naka sunglasses habang umiinom ng juice.

Kanina niya pa kami pinapanood pero tahimik parin siya. Kasama naman ng Mikhaiah si Maloi, may binibili yata sila.

Inabot sa'kin ni Shee ang juice at pinaupo sa buhangin.

"Hindi pa ba tapos?" angal ko habang tinatanaw si Stacey na nakikipag tawanan parin kay Caleb

"No! Smile, pakita mo kung sino ka!" natawa ako sa itsura niya dahil halos dumapa na siya sa buhangin para lang makakuha ng magandang angle.

"Ito last na, last na 'to!" sigaw niya at kinuha ang juice sa kamay ko bago ako higitin papunta sa dagat

"Sakto ang ganda ng alon ngayon. Pumunta ka pa sa medyo malayo!" patuloy na utos niya 

"Shee, pagod na ako! Ang init init pa oh!" reklamo ko pero nag pout siya at nag cross arm na parang bata.

"Isa nalang, last na nga e!" 

Wala na akong nagawa dahil todo pa cute siya at alam kong hindi niya ako titigilan kaya ginagawa ko na ang gusto niya.

Bumuntong hinga ako bago nag lakad papunta sa tubig hanggang sa umabot sa waist ko ang lalim.

"Nice shot!" sigaw ni Shee matapos ko mag pose ng kung ano ano para ma satisfy siya sa kung ano man ang gusto niya.

Nakita kong nag lalakad na si Stacey palapit sa'min kaya bumagal ang pag balik ko sa buhangin. Mukhang tapos na siya makipag tawanan sa Caleb niya.

Nagulat ako ng may malakas na alon ang humampas sa likod ko kaya nadapa ako at napunta sa ilalim ng tubig.

I can swim pero na out of balance ako at medyo malakas ang alon kaya nahirapan akong umahon pabalik.

Nakahinga ako ng maluwag ng makatayo ako at inayos ang nagulo kong buhok. 

Agad kong nakita si Sheena na nakahiga na sahig habang tumatawa at si Stacku naman na tumatawa din habang mabilis na nag lalakad palapit sa'kin para tulungan ako.

Lagi (Jhocey Bini Series #3)Where stories live. Discover now