Chapter 40: HOMECOMING HEARTS

82 7 9
                                    

VNYLE

Hindi pa rin ako makapaniwala na makikita ko si Sora kanina na hinihintay ako. Hindi ko nga siya nakilala dahil humaba ang kaniyang buhok.

Isa siya sa mga kaibigan ko na may-ari ng bahay na ito. She's also working in the States. Supposed sa January pa sila uuwi kagaya ng pinag-uusapan namin kaya nabigla talaga ako kanina. Sora, together with ate Kcy, silang dalawa ang nagtatiyaga na tulungan ako na makabangon at maging mabuti ang aking buhay.

Bilib na bilib at idol ko rin si Sora, palagay ko kasi malakas siya, iyong parang lahat ay kaya niyang gawin, hindi natatakot at walang aatrasan.

Magkasingtangkad lang kaming dalawa pero mas matanda siya sa akin na apat na taon. Sa Amerika rin siya lumaki pero kabisado niya ang wikang Filipino.

She is the perfect woman for me, mabait, successful, matulungin, maraming kayang gawin, matalino, maganda... Wala siyang arte sa katawan pero nangingibabaw pa rin ang kaniyang kagandahan sa pagiging simple lamang.

"Parang pumayat ka yata." Sinipat niya ang aking katawan. Nandito na kami sa bahay at papasok na sa loob. I guess, magluluto ako ng pagkaing bahay para sa hapunan namin. Sumigla yata ako nang makita siya.

Ngumiti lang ako. Ayaw kong sabihin sa kaniya ang mga bagay na bumabagabag sa akin. "Busy lang dahil may event sa UCA."

Pagkapasok ko ay bumungad sa akin ang isa pang babae na tumatakbo papalapit sa akin.

"Vnyle! I misss youuu!" Nanlaki ang mga matang tumingin ako kay Sora kung totoo ba ang nakikita ko, ngumiti lang siya at tumabi.

"Khym! Ikaw nga! Paano——"

"Bakit, parang you didn't miss me at all! Hmp!" Nagtatampo kunwari niyang sabi. Ang cute talaga ng accent niya, pilit kasi niyang magsasalita ng Tagalog pero hindi pa siya fluent sa pagbigkas.

Lumaki kasi siya sa Amerika at kaibigan siya nila Sora na naging kaibigan ko rin. Maganda at parang modelo ang kaniyang mukha, mahinhin at mabait.

"Of course not! Nagulat lang ako, bakit di kayo nagsasabi na uuwi kayo!" Natatawang sabi ko napatingin ako sa ibang taong nandoon. Kusa akong natigilan nang makita sila, ang totoo ay di ko alam ang gagawin ngayon, pero pinili ko pa ring maging masaya at bahala na ang mga iisipin pang iba.

"Ate Kcy! Kenzie! Nandito rin kayo?!" Gusto ko nang umiyak dahil naalala ko ang gabing iyon pero mariing pinipigilan ko ito. Ang kaninang nagdadalawang isip nilang mukha na lumapit sa akin ay napawi, lumiwanag ang mukha nila na yinakap din ako.

"Bakit parang ayaw mo?" Kagaya ni Khym, nagtatampo kunwari na anas ni ate Kcy habang yakap ako.

"Anong ayaw! Nakakalungkot kaya mag-isa! Hahaha." Tumatawang ani ko at nakita ko ang malungkot niyang ngiti.

Niyakap rin ako ni Kenzie. "I'm sorry, hindi ko ito nagawa noong huli nating pagkikita. I miss you, V."

"Ano ba, okay lang iyon dahil nasa maling sitwasyon naman para magkumustahan tayo!" Bumungisngis kong saad.

Naging masayang ang gabing iyon, ibinigay nila sa akin ang mga regalo, mga damit at Albums ng mga paborito kong banda. Nagluto rin kami ng mga pagkain dahil na miss daw nila ang pagkaing Pinoy.

Pinagmasdan ko ang makalat na kusina, masaya ako na makitang maingay at magulo ito, pakiramdam ko kasi parang kay tagal nang panahon na naging maingay itong kusina. Masaya ako dahil nakikita ko silang lahat ulit.

"Kainan na!" Alas siete na rin ng gabi at katatapos lang namin magluto ng mga pagkain. Mabuti na nga lang at may maraming groceries pa sa fridge. Pinamili iyon ng mga nauna kong bisita rito na ngayon ay di ko na pala makikita.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 07 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Silver Lining of SolitudeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon