Chapter 7: Smile

281 9 0
                                    

A’ishah's POV

1 week later.

It's Monday morning again, and today is the day. First day of class na namin.

Makikita ko na ulit si Maxi at ang mga kabigan nila ni Nicole.

Yes, one week na ulit nang huli kong makita si Maxi. Nang magising kasi siya nung gabing iyon ay kaagad din siyang umuwi.

Hindi na nga rin siya sumabay mag dinner sa amin ni Nicole eh. Hinintay ko pa naman siya.

Pero anyway, I wasn't mad at all. Nicole was there to accompany me naman. Although she already ate her dinner, nagdecide siyang kumain ng snacks para lang masabayan akong kumain.

I never received any text message from Maxi the entire week. Ang huling text namin ay yung nung pumunta siya dito sa bahay nila Nicole para makisabay maglunch.

Tinext ko siya na mag-ingat noong gabing umuwi siya pero hindi naman ako nireplyan.

Medyo nakakatampo, pero okay lang. Baka busy lang siya sa internship niya. Ayoko naman makadagdag pa ako sa iisipin niya.

Ayoko ding isipin niya na masyado akong clingy eh hindi naman kami ganon ka-close.

“All set?” Nicole greeted me with a smile. Tapos na siyang mag-ayos at ako nalang ang hinihintay niya para makaalis na kami.

“Grabe! Bakit ang sexy mo sa uniform natin??” Genuine shock is written all over her face.

Nahihiya naman ako sa compliment niya. Pero she's right. Mas kapansin-pansin nga ang kurba ng katawan ko sa suot kong uniform ngayon.

“Naku! Malamang sa malamang marami nanamang magkakagusto sayo niyan.” Dagdag pa niya. Tuwang tuwa naman ako sa pambobola niya kaya heto at todo ngiti ang Ate niyo.

“Sus, ikaw talaga. Baka ikaw nga ang pagtinginan nila eh,” I replied, trying to deflect the attention away from me. Kasi ang attractive din ni Nicole.

Nicole rolled her eyes playfully. “Ay nako, wag na akong idamay. Ikaw lang talaga ang mukhang model satin.”

I laughed softly and shook my head. “Tara na nga. Baka malate pa tayo kakapuri mo diyan.”

She grabbed her bag, still smiling. “Let’s go, Miss Campus Crush.”

Hindi ko alam kung anong nasinghot nitong babaeng to ngayon. Kung makapuri siya ngayon parang walang bukas eh. Halata rin na good mood siya today.

Baka excited siya sa first day of class kaya ganiyan siya ka-hyper. Si Joy siguro yung napindot niya.

We started walking out of the house, and I couldn't help but feel a mix of excitement and nervousness. Nicole always knew how to make me feel more confident, even if sometimes I wasn’t sure how to handle all the attention. But with her by my side, everything felt a little less overwhelming.

As we reached the school gate, I noticed a few students glancing our way. Nicole nudged me and whispered, “Oh ayan, tingnan mo. Nagsisimula na sila.”

I sighed, but a small smile tugged at my lips. “Hayaan mo na lang sila. Magfocus nalang tayo today.”

Nicole nodded. “Sure, sure. Pero wala namang masama kung may humanga, di ba?”

I gave her a knowing look. “Ikaw talaga, ang hilig mo sa ganiyan.”

She winked at me as we walked into the campus together, ready to face whatever the day had in store.

And as we expected, classmates kami ni Nicole. Napaaga pa nga yata kami kahit na nagtagal ako sa pag-aayos kanina kasi dalawa palang ang mga nasa classroom na inabutan namin ni Nicole.

Love on TrialWhere stories live. Discover now