CHAPTER 5

28 6 0
                                    

2022

Nakatayo si Reign sa gilid ng rooftop, nakatitig sa malawak na tanawin sa harap niya. Ang mga ilaw ng lungsod ay parang kumikislap na mga bituin sa lupa, nagbibigay ng kakaibang ganda sa gabi. Dumadampi ang malambot na hangin sa kaniyang mukha, niyayakap siya ng mainit na hangin ng tag-init. Nakapikit siya, hinahayaan ang sarili na damhin ang bawat segundo ng katahimikan, na para bang ito na ang huling pagkakataon na mararamdaman niya ito.

Ilang hakbang na lang ang pagitan niya at ng gilid. Dinadama ng mga paa niya ang malamig na semento habang bahagya siyang yumuyuko upang silipin ang ibaba. Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan niya, na parang may mabigat na bagay sa kaniyang dibdib na gustong kumawala. Parang niyayakap siya ng hangin, inaakit siya, hinahaplos ang kaniyang buhok at balat, na para bang nagsasabing, "Tara na." Saglit niyang tinanaw ang mga bituin, nag-iisip kung gaano kaya kabigat o kagaan ang mararamdaman kapag bumitaw siya. Wala nang takot, kundi isang kakaibang kapayapaan.

Isang hakbang na lang...

Isang hakbang na lang ang kailangan ni Reign upang maramdaman ang paglipad o ang pagbagsak. Tinapik-tapik niya ang dulo ng kaniyang sapatos sa gilid ng rooftop, tinitimbang ang bawat posibilidad sa loob ng kaniyang isipan. Sa ilalim ng kaniyang mga paa, naririnig niya ang mga huni ng mga sasakyan, ang mga busina na parang mga alon sa malayong dagat.

Habang nakatingin siya sa malalim na kawalan, naglaro ang isang pag-iisip sa kaniyang isipan, gaano kaya kabilis ang pagbagsak? Gaano kaya kasakit ang pagdating sa dulo? Pero habang tumatagal ang kaniyang pagtitig sa ibaba, naramdaman niyang may pumipigil sa kaniya, isang hindi maipaliwanag na pwersa na humahawak sa kaniya, na para bang may natitira pa siyang hindi nagagawa, o baka isang boses na bumulong, "Hindi pa tapos."

Dahan-dahan siyang umatras, bumalik sa gitna ng rooftop, bitbit pa rin ang bigat ng kaniyang mga iniisip. Nakasandal siya sa pader, pinipigilan ang mga luha na pilit kumakawala. Tumingala siya sa mga bituin, huminga nang malalim, at sa isang saglit, hinayaan niyang palayain siya ng hangin mula sa nagtatagong lungkot sa kanyang dibdib.

Napatitig na lang siya sa kawalan matapos maalala ang mga nangyari kanina. Hindi niya inakala na kaya niyang gawin iyon. Isang hakbang na lang ay matatapos na ang kaniyang buhay.

Napaupo siya sa sahig at niyakap ang mga tuhod. Pinakawalan niya ang mga luhang kanina pa pilit na lumalabas sa mga mata niya. Hinayaan ang kaniyang sarili sa ganoong position. Dinadama ang malamig ng simoy ng hangin habang dinadama niya rin ang kalungkutan.

Six years have passed and she's now a grown woman. What happend in those six years?

Ang naunang apat na taon na lumipas ay masaya naman siyang namumuhay mag-isa sa apartment niya. Masaya siya sa trabaho niya, maaliwalas ang buhay, malayo sa impyerno niyang buhay noon at higit sa lahat ay malaya.

Masaya siya sa trabaho niya. Nakahanap siya ng maraming kaibigan na akala niya ay hindi na siya magkakaroon. Tumagal siya ng apat na taon doon kaya mahahalata mo talagang masaya siya roon. Kahit na nagkatrabaho na siya ay naisipan niyang hindi na ituloy ang kaniyang pag-aaral. Masaya na ito sa kaniyang trabaho at nawili na rin ito sa kaniyang ginagawa kaya hindi na siya pumasok pa sa kolehiyo. Kaya naman niyang buhayin ang sarili niya kaya ano pa ang saysay ng pag-aaral niya?

Maaliwalas ang buhay niya sa apartment na nirentahan niya. Kahit na mag-isa siya ay masaya naman siyang namumuhay. Nakapag-celebrate siya ng kaarawan niya kasama ang mga kaibigan niya sa trabaho na hindi niya naranasan noon.

Masasabi niya ring malaya na siya dahil malayo na siya sa mala-impyerno niyang buhay sa puder ng tiyahin niya noon. Nagagawa na niya ang mga gusto niya. Wala nang humihigpit sa kaniya at wala nang nagmamalupit sa kaniya.

November Rain (OLD CLASSICS SERIES #2) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon