CHAPTER 8

25 7 0
                                    

2023

"Mananatili ang pag-ulan sa natitirang bahagi ng Luzon sa mga susunod na araw. Panatilihing magdala ng payong at kapote para maging ligtas sa anumang banta ng ulan. Ito si Maynard Cruz, nagbabalita."

Ang buong silid ay madilim, parang nahahaluan ng lungkot, at ang nakabukas na telebisyon lang ang nagsisilbing munting ilaw rito sa apartment ni Reign. Walang emosyong nakatitig si Reign sa telebisyon na kung saan ibinalita ang banta ng sama ng panahon sa mga susunod na araw. Nakakatitig lang siya sa telebisyon at nakikinig sa balita ngunit hindi niya maunawaan ang mga sinasabi. Wala siya sa tamang wisyo at ang tanging gusto niyang gawin ngayon ay ang mawala.

Madilim, makalat, malungkot, at walang kabuhay-buhay. Iyan ang mailalarawan mo sa silid ni Reign. Wala siyang balak na tumayo para linisin ang mga kalat sa sahig at nanatili lamang siyang nakaupo sa maliit na sofa habang nakatitig sa telebisyon.

Ang daming pumapasok sa kaniyang isipan at isa na roon ay ang wakasan ang buhay niya. Iyon lang ang tanging paraan para mawala na itong dinadamdam niya.

Natigil lamang ang kaniyang pag-iisip nang tumunog ang kaniyang cellphone. Umiilaw ito at ang pangalan ni Ray ang nakaimprenta sa screen nito. Tumatawag si Ray sa kaniya. Dinampot niya ito at huminga nang malalim bago sagutin ang tawag.

"Hello?"

Ngayon lang niya ulit narinig ang boses ni Ray. Matagal din siyang hindi nakabalik aa apartment nito.

Bahagyang inayos ni Reign ang kaniyang boses para mahalata ni Ray ang sitwasyon niya ngayon.

"Oh, napatawag ka? Miss mo 'ko 'no?" bungad ni Reign sa katawag. Sinisikap niyang pagsiglahin ang boses niya kahit na kabaliktaran ito ng kalagayan niya ngayon.

"Baka ikaw ang nakaka-miss sa akin." Rinig na rinig ni Reign ang malakas na tawa ni Ray sa kabilang linya.

"Asa ka," bulyaw ni Reign sa kausap.

"Matagal akong hindi nabalik d'yan dahll alam mo na. Ayos ka lang ba riyan?"

Hindi. Iyon sana ang sasabihin ni Reign kaso mas pinili niyang magsinungaling sa kausap.

"O-Oo, a-ayos lang naman ako." Bumuntinghininga siya dahil sa naging palusot nito. "Ikaw ba? Kumusta ang tatay mo?" dagdag niya.

"Ayos na siya."

"Good to hear."

"Kaya ako tumawag sa'yo dahil babalik na ako sa apartment bukas." Nahihimingan ni Reign ang pagkasigla sa boses ni Ray sa kabilang linya.

"Hindi ko naman tinatanong," pabalang na sambit ni Reign.

"Alam ko, baka lang kasi nami-miss mo na ako." Tumawa ulit si Ray.

"Ang lakas naman ng apog mo."

"Nga pala, busy ka ba bukas?"

"Day off ko bukas, bakit?"

"Ayos! May gig kasi sila Sonaya bukas at yayayain sana kitang pumunta roon. Pambawi ko na rin dahil matagal nawala ang paborito niyong customer." She heard him chuckle. "Ano? G?"

"Saan ba 'yan?"

"Malapit lang sa apartment building natin."

Napaisip siya. Magandang pagkakataon iyon para makapagpaalam siya kay Ray. Hindi man maganda ang patutunguhan ng pagpapaalam niya, alam niya sa sarili niya na naging masaya siya kasama si Ray. Sa huling natitirang araw niya sa mundo ay magpapasalamat siya dahil naging bahagi si Ray sa huling araw ng buhay niya.

Nakapagdesisyon na kasi siya at magandang pagkakataon iyon dahil sa huling araw niya bukas ay masaya siya kasama ang kaibigan niya. Iyon lang ang din ang huling araw na magiging masaya siya.

November Rain (OLD CLASSICS SERIES #2) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon