CHAPTER 9

26 9 0
                                    

2023

"Nasaan ako?" bulong ni Reign sa kaniyang sarili.

Ang puting kisame ang bumungad sa kaniya pagkadilat ng kaniyang namumungay na mga mata. Dahan-dahan niyang iginala ang kaniyang paningin at nasa puting silid siya nananalagi ngayon, malungkot at walang kabuhay-buhay.

Dumapo ang kaniyang paningin sa sarili. Nakasuot siya ng mahaba at puting damit, hindi iyong damit na huling isinuot niya bago nangyari ang trahedya. May nakatusok din na karayom sa kaliwang kamay nito. Hindi siya nag-iisa sa puting silid bagkus ay may mga kasama siyang ibang pasyente.

Hindi niya tuloy maiwasang tanungin ang sarili kung ano ba ang nangyayari. Wala siyang kaide-ideya.

Biglang bumalik sa kaniyang isipan ang nangyari sa kaniya noong gabing iyon. Tila nanumbalik lahat at tandang-tanda niya pa ang sandaling iyon.

"T-Tulong..." huling sambit niya bago siya nakarinig ng pagbukas ng pinto at ang pagsigaw ng isang pamilyar na boses.

"Reign!"

Kahit nanlalabo na ang kaniyang paningin ay nakilala niya kung sino ang pumasok sa kaniyang apartment.

Mabilis pa sa alas kuwatro ang pagtakbo ni Ray papunta sa nanghihinang si Reign. Kumuha ito ng isa pang upuan at agad na tumuntong roon para wakliin ang makapal na lubid na nakapulupot sa leeg ni Reign. Mahahalata mo talaga ang pagmamadali nito sa kaniyang ginagawa dahil sa mabilis nitong paghinga at sa tagaktak ng pawis nito.

"Fuck!"

Kahit na nahihirapan si Ray ay mas binilisan niya pa ang kaniyang ginagawang pagwawakli sa lubid dahil nanghihina na si Reign. Mataman niyang sinisigurado kung humihinga pa ba si Reign at laking pasasalamat niya dahil humihinga pa naman ito.

Nang matapos siya ay biglang bumagsak si Reign sa kaniyang bisig at muntik pa silang matumba. Mabuti na lang at alerto si Ray kaya nabalanse niya ang kaniyang katawan kahit na hawak niya si Reign.

Dahan-dahan silang bumaba sa tinuntungan nitong upuan at naupo sa malamig na sahig. Magsasalita na sana si Ray nang bigla siyang natigil dahil sa pag-iyak ni Reign.

"Reign..."

"Bakit?! Bakit mo ginawa 'yon?" Kahit na nahihirapan ay nagawa pa ring magsalita ni Reign.

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Bakit mo 'ko pinigilan? I want to end my life! I want to end it! Hindi ko na kaya! Ayoko na!"

Walang pag-alinlangan ay agad na niyakap ni Ray ang umiiyak na si Reign.

Nang maramdaman ni Reign ang pagyakap sa kaniya ni Ray ay lalo siyang humagulgol. Pinagpapalo ni Reign ang matigas na dibdib ni Ray sabay bigkas ng mga katagang:

"Bakit mo 'ko pinigilan?"

"Sana hindi ka na lang dumating!"

"Panira ka sa plano ko!"

Hindi na niya alam ang tumatakbo sa kaniyang isipan ngayon at basta na lang nanumbat. Malaking kabaliktaran ang nangyari sa kaniya mula kanina. Kung kanina ay gusto niyang may dumating na tulong pero nang dumating si Ray para tulungan siya ay saka naman bumaliktad lahat at gusto na lang na mawala siya. Pinagsisihan niyang hindi siya natuluyan.

"I want to end my life, Ray! Bakit mo 'ko pinigilan?" umiiyak na sambit ni Reign.

"Hindi ko hahayaang mangyari 'yon, Reign!" Hindi inaasahan ni Ray ang pagtaas ng kaniyang boses. Nadala lang siya ng kaniyang damdamin.

November Rain (OLD CLASSICS SERIES #2) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon