CHAPTER 10

26 9 7
                                    

2023

"Kumusta ang therapy? How are you feeling?"

Sumilay ang ngiti sa labi ni Reign nang marinig niya ang masiglang boses ni Ray. Ngayong araw ang pangalawang session niya sa therapy. Sinamahan ulit ni Ray si Reign sa psychiatrist at hindi na ito pumasok sa loob para maisagawa ng psychiatrist at ni Reign nang maayos ang therapy.

Noong unang beses na nagpunta sila sa psychiatrist ay sinagot ni Ray ang gastusin sa consultation. Napag-alaman din ni Reign na si Ray ang gumastos sa hospital bill niya na agad namang binayaran ni Reign dahil nahihiya siya sa kaibigan. Ayaw sanang tanggapin ni Ray kaso mapilit itong si Reign kaya tinanggap na lang niya para hindi na ito mangulit. Wala lang naman iyon kay Ray eh, gusto niya talagang tulungan si Reign.

"Everything went well, so far." Ngumiti ito sa kausap.

"That's good to hear."

"Ano ba! Nasira tuloy ang buhok ko!" reklamo ni Reign nang guluhin ni Ray ang buhok nito.

"Ayan, bumabalik ka na ulit sa dati," nakangiting sambit ni Ray.

Napailing na lang si Reign.

Tinahak nila ang daan palabas ng ospital at papunta na sila ngayon sa coffee shop, balik trabaho na kasi si Reign. Isang linggo rin siyang nagpahinga at kahapon lang siya bumalik sa trabaho. Mabuti na lang walang nakakaalam ni isa sa kaniyang mga katrabaho ang totoong dahilan kung bakit nawala ito ng isang linggo. Nagdahilan lang kasi ito na tinamaan siya ng flu.

Nanatili sa coffee shop si Ray para doon gawin ang trabaho niya at para na rin matutukan si Reign habang nagtatrabaho ito.

Naging abala sa trabaho si Reign kaya hindi niya masyadong napapansin si Ray. Malaki ang pasasalamat ni Reign kay Ray dahil niligtas siya nito. Kung hindi dumating si Ray noong gabing iyon, makakapagtrabaho pa kaya siya ngayon?

Napagtanto niya rin na hindi maganda ang pagtangkain ang buhay niya. Isa iyon sa natutunan niya sa therapy. Alam niyang naaapektuhan ang mental health niya kaya malaki ang pasasalamat niya sa therapy na ginagawa niya kada linggo.

Simula nang pumasok si Reign sa therapy, nagkaroon siya ng bagong daily routine na unti-unting bumubuo ng kaniyang araw. Bawat umaga, bago bumangon, pinipilit niyang magsimula ng may positibong pag-iisip. Sa halip na hayaan ang madilim na damdamin na lamunin siya, inuuna niyang mag-meditate kahit ilang minuto lang—pinapakinggan ang sarili niyang paghinga at tinatanggal ang mga negatibong iniisip.

Pagkatapos, sinusunod niya ang payo ng psychiatrist na gumawa ng gratitude journal. Isinusulat niya araw-araw ang kahit tatlong bagay na nagpapasalamat siya, gaano man kaliit—tulad ng sikat ng araw, isang mabuting salita mula kay Ray, o ang init ng kape na madalas niyang iniinom. Ito ay para matutunan niyang pahalagahan ang maliliit na positibong bagay sa kaniyang paligid.

Pinipilit niyang maging abala sa mga bagay na makakatulong sa kaniya. Naging bahagi ng kaniyang routine ang pag-eehersisyo, kahit simpleng paglakad lang sa labas, para sa mas maayos na pakiramdam ng katawan at isipan. Sa mga oras ng therapy session, regular siyang pumupunta upang makipag-usap sa psychiatrist.

Kapag gabi naman, bago matulog, tinitiyak niyang maglaan ng oras para sa sarili—kung minsan ay nagbabasa ng libro (na hindi niya gawain dati), o kaya'y nakikinig ng relaxing music. Ito ang oras niya para iwasan ang mga negatibong balita at mga bagay na makakapag-trigger sa kaniya. Bago pumikit, binabalikan niya ang mga simpleng bagay na nagpasaya sa kaniya sa buong araw, kahit gaano pa ito kasimple, para ipaalala sa sarili na kahit sa gitna ng lahat, may liwanag at pag-asa pa rin.

Hindi niya namalayan ang mabilis na pagtakbo ng oras kaya nagulat ito nang nagsisimulang dumilim ang paligid sa labas ng coffee shop at unti-unting naglilitawan ang mga ilaw mula sa christmas lights ng iba't ibang establishimentong katabi nitong coffee shop na pinagtatrabahuan niya. Magpapasko na nga pala.

November Rain (OLD CLASSICS SERIES #2) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon