CHAPTER 3

31 6 3
                                    

2013

"Reign! Saan ka na naman nanggaling?"

Ang boses ng tiyahin niyang si Rose ang umalingawngaw sa buong bahay nang namataan niya si Reign na kauuwi pa lang.

"Sa bahay po nina Aling Beth. Nakipaglaro lang po ako kay Stacy," sagot naman ng labing limang taong gulang na si Reign.

Pitong taon ang lumipas mula noong namayapa ang mga magulang ni Reign. Ang walong taong gulang na si Reign noon ay mabilis lumaki at labing limang taong gulang na siya ngayon.

Mula nang namayapa ang mga magulang ni Reign ay hindi nagdalawang-isip ang tiyahin niyang si Rose na kupkupin siya. Si Rose lang ang malapit niyang kamag-anak rito sa Maynila dahil nasa probinsiya ang ilan nilang kamag-anak. Kinupkup ito ni Rose dahil wala namang mag-aalalaga kay Reign dahil wala na ang mga magulang nito.

Hindi na nakatira si Reign roon sa munting bahay nila dahil nga kinupkup na siya ni Rose. Hindi rin kalayuan ang dati nilang bahay sa pamamahay ni Rose.

Noong unang dalawang taon ni Reign rito sa pamamahay ni Rose ay alagang-alaga siya ng kaniyang tiyahin. Bukod kay Reign ay may iba ring inaalagaan si Rose. May dalawa siyang anak, isang lalaki na matanda ng limang taon kay Reign at isang babae na kasing edad lang din ni Reign.

Nang sumunod na taon ay napapansin na ni Reign ang kakaibang pakikitungo ng kaniyang Tita Rose at sa dalawa nitong pinsan. Pinagmamalupitan na siya nito sa hindi malamang dahilan. Parang nagbago na lang bigla.

"Dalawang taon ka pa lang dito sa bahay pero namimihasa ka na. Tumulong ka naman sa mga gawaing bahay. Pinatira kita rito hindi para magpakasarap, pinatira kita rito para tumulong."

Nagsimula ang pagmamalupit kay Reign mula nang isumbat sa kaniya ng kaniyang tiyahin ang lahat. Hindi niya maintindihan kung ano ang puno't dulo ng pagmamalupit sa kaniya. Labing isang taong gulang pa lang siya pero ganito na ang trato sa kaniya.

"Kung hindi lang namatay ang mga magulang mo edi wala na akong poproblemahin sa'yo. Dumagdag ka pa sa pakakainin ko," sumbat ng tiyahin nang minsan itong nagluluto sa kusina habang kumakain ng agahan si Reign.

Bukod kay Rose ay nag-iba rin ang pakikitungo sa kaniya ng dalawa niyang pinsan. Tinatarayan na siya nito kahit wala naman siyang ginagawa. Kung ano ang pakikitungo ng ina ay gano'n din sa mga anak niya.

"Tutal nandito ka rin naman, matuto ka nang tumulong sa mga gawaing bahay. Hindi kita kinupkop para hindi ka mapakinabangan."

Araw-araw na lang naririnig ni Reign ang panunumbat ng kaniyang tiyahin. Halos kabisado na niya ang mga linyahan ng tiyahin niya. Konting pagkakamali niya lang ay manunumbat na siya. Nakakasawang pakinggan pero wala siyang magagawa.

Sa murang edad niya ay natuto na siyang magtrabaho. Hindi literal na trabaho, trabaho lang sa bahay ang ginagawa niya. Pinaglalaba, pinagluluto, pinaghuhugas ng pinggan, nagpapakain ng alagang aso—na muntik pa siyang kagatin— at halos siya na ang gumagawa sa mga gawaing bahay rito. Iyong mga pinsan niya ay wala man lang ginagawa at pinapanood lang siyang nahihirapan sa pinapagawa ng ina nila. Imbis na tulungan siya ay wala man lang itong pakialam sa kaniya.

Pinapaaral naman siya ng kaniyang tiyahin at natutuwa pa rin siya dahil naisipan pa ng kaniyang tiyahin na paaralin siya. Gusto niyang mag-aral. Gusto niyang makapagtapos.

Kapalit daw iyon sa pinaggagawa niya sa bahay.

Matalinong bata si Reign. Consistent honor student siya sa paaralan nila. Palagi rin siyang Top 1 sa kaklase kaya maraming humahanga sa kaniya.

Sa kabila ng maraming humahanga kay Reign ay may isa roon na naiinggit sa kaniya. Si Joan, anak ng tiyahin niya. Magkaklase sila ni Joan at palagi siyang naiinggit kay Reign dahil sa katalinuhan nito. Hindi kasi matalino si Joan at kahit anong gawin ni Reign para lang maturuan si Joan ay hindi pa rin ito uubra sa kaniya.

Isa iyon sa dahilan kung bakit tinatarayan na niya ngayon si Reign. Dahil inggit siya.

Sa kabilang banda naman ay si Anjo. Si Anjo ang isa sa anak ni Rose na kapatid ni Joan. Wala namang ginagawang masama si Reign sa kaniya ngunit nagbago ang pakikitungo nito mula nang magdalaga siya. Lumaki kasi itong bulakbol at hindi na nakapagtapos ng pag-aaral dahil naging pabaya ito.

Napapansin ni Reign ang kakaibang tinginan ni Anjo sa tuwing dumadaan siya sa harap ng lalaki. Iyong tingin na parang may binabalak na masama. Iyong tingin na parang hinuhubaran ka na sa isip niya. Ganoon sa kalala.

Hindi na sana papansinin iyon ni Reign ngunit isang araw na wala ang tiyahin niya at si Joan ay pinagtangkaan siyang molestiyahin ni Anjo! Buti na lang ay mabilis nakakilos si Reign at lumayo sa lalaki matapos nitong tangkain na hipoan siya.

"Ano ba! Masama po 'yang ginagawa niyo!" sigaw niya sa pinsan.

Gano'n rin kaya ang ginagawa niya sa kapatid niyang babae? Sa isip niya.

Ngumisi naman ng nakakaloko si Anjo at parang walang pakialam sa sinabi ni Reign sa kaniya.

"Wala namang masama kung hindi ka magsusumbong 'di ba?"

Lumapit pa ito kay Reign at patuloy naman sa pag-atras si Reign. Hanggang sa wala nang maatrasan si Reign ay roon na nagkaroon ng tiyempo si Anjo para gawin ang binabalak niya. Nakalapit na siya kay Reign ngunit agad namang nakatanggap ng malakas na sipa si Anjo dahilan para mamilipit ito sa sakit.

Sa kabilang dako naman ay nakakuha ng magandang tiyempo si Reign na lumabas ng bahay para humingi ng tulong matapos niyang sipain si Anjo sa gitnang bahagi ng katawan nito. Nang makalabas siya ay nadatnan niya ang kaniyang tiyahin kasama si Joan.

"Tita..." humihingal nitong sambit sa tiyahin. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya. Tagaktak ang kaniyang pawis sa noo at humihingal pa ito. Hindi pa man siya nakakapagsalita ulit ay nakarinig na siya ng yapak ng mga paa sa likuran niya.

"Ma, inaway ako ni Reign. Sinipa niya ako rito," pagsumbong ni Anjo sa kaniyang ina nang makalabas ito sa kanilang bahay. Itinuro niya pa ang ang bahagi ng katawan na sinipa ni Reign kanina.

"Ano?" hindi makapaniwalang tanong ni Rose. Hinarap niya si Reign ng puno ng galit sa kaniyang mga mata. Nakakuha siya ng pagkakataon para hablutin ang tainga nito at kinaladkad papasok ng bahay. Napapaaray naman si Reign sa ginagawa ng kaniyang tiyahin.

"Tita, hindi po totoo iyon. Tita, masakit na po," pagmamakaawa niya.

"Wala kang karapatan para saktan ang anak ko! Wala kang respeto sa kuya Anjo mo!"

"Hindi naman po kasi totoo iyon eh," pangatwiran ni Reign sa tiyahin na patuloy pa rin sa pagkakaladkad sa kaniya.

"At ngayon nagsisinungaling ka pa? Sampid ka lang naman dito! Kung makaasta ka parang kung sino!"

Muntik na nga po akong molestiyahin ng anak niyo eh.

Nais niya sana iyon sabihin sa tiyahin niya ngunit mas pinili na lang niyang manahimik dahil hindi naman siya paniniwalaan ng kaniyang Tita Rose.

Ilan lang 'yon sa mga pangyayari na kung saan pinagmalupitan siya ng kaniyang tiyahin at ng kaniyang mga pinsan.

Her miserable life started in the cold November rain.

November Rain (OLD CLASSICS SERIES #2) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon