2022
"Nakakapagod," sambit ni Reign nang makauwi siya galing sa trabaho.
Alas nuwebe ng gabi nang makarating siya sa bukana ng apartment building. Hindi na umuulan nang umuwi siya dahil kaninang hapon lang tumila ang ulan.
Habang nasa trabaho siya kanina ay hindi niya maiwasang alalahanin ang nangyari sa kaniya kanina nang papasok pa lamang siya sa trabaho. Palaging pumapasok iyon sa isip niya. Napa-paranoid nga siya na baka biglang pumasok sa coffee shop iyong estrangherong lalaki na nakita niya kanina.
Hindi niya akalain na may taong handang sumulong sa ulan para lang payungan siya.
Naghintay siya ng ilang segundo bago bumukas ang elevator at saka na siya pumasok sa loob. Habang nasa loob siya ay iniisip niya pa rin 'yong lalaki.
Dito lang kaya nakatira 'yon? Tanong niya sa kaniyang isipan.
Sinusubukan niyang huwag isipin ang lalaking iyon pero ayaw naman mawala-wala sa kaniyang isipan. Naiinis tuloy siya sa sarili niya. Napahilamos na lang siya sa mukha niya.
Nang bumukas ang elevator, sinyales na nasa 7th floor na siya, ay lumabas na si Reign. Hindi pa man siya nakakahakbang papunta sa apartment niya ay may namataan na siyang pamilyar na tao.
Sa mahabang pasilyo ng gusaling iyon ay may isang lalaking naglalakad mag-isa. May dala-dala itong isang plastic bag sa kaniyang kaliwang kamay na hindi mawari ni Reign kung ano ang laman. Ang kaniyang mga hakbang ay mabagal, parang naglalakad siya sa sarili niyang mundo, ang tunog ng kaniyang mga tsinelas kumakatok sa sahig na parang musika sa kaniyang tenga. Wala siyang iniintindi kundi ang sariling ritmo ng paglakad, kahit ang simpleng pag-ugoy ng plastic bag ay may sinasabi—wala siyang balak magmadali, at wala ring pakialam kung may nagmamasid. Natigil lang ito sa paglalakad nang nagkatitigan sila ni Reign.
Siya 'yong lalaking pinayungan ako kanina. Sa isip ni Reign.
"Uy! Ikaw 'yong kanina 'di ba? 'Yong lumusong sa ulan?" tanong ng lalaki kay Reign, bahagya pa itong tinuro. Sumilay rin ang ngiti nito habang nakaturo pa rin ang daliri kay Reign.
Walang salitang lumabas mula sa bibig ni Reign dahil nakatitig lang ito sa lalaki kaya naman isang simpleng tango lang ang naging sagot nito.
"Ikaw pala 'yong kapitbahay na tinutukoy ng landlady sa akin kanina," sambit nito nang nakangiti pa rin.
Bakit palagi siyang nakangiti? Sa isip niya.
Tumango lang ulit si Reign at nagsimula nang maglakad papunta sa apartment niya. Napansin niyang hindi pa rin gumagalaw ang lalaki sa hinintuan nitong pwesto pero nang magtapat sila ay nagsalita ulit ang lalaki kaya natigil sa paglalakad si Reign.
"Ako nga pala si Ray," pakilala nito sabay lahad ng kanang kamay. "Nice meeting you... anong pangalan mo?" tanong nito.
"Uh, Reign," mahinang sagot ni Reign sa lalaki.
Nilahad ulit ng lalaki ang kaniyang kamay at gusto nitong makipag-shake hands sa kaharap at hindi naman nabigo si Ray dahil nakipag-shake hands si Reign sa kaniya. Ngumiti ulit si Ray pagkatapos nilang nakipagkamay sa isa't isa. Hindi naman nakapag-react agad si Reign sa nangyayari.
"Nice meeting you, Reign."
Tumango ulit si Reign bilang sagot at hindi na nadagdagan ang kanilang pag-uusap nang nagpaalam na si Reign na pumasok sa loob ng apartment niya.
Akala ni Reign ay roon lang matutuldukan ang kanilang pag-uusap ni Ray pero nagkamali siya dahil habang lumilipas ang mga araw ay napapadalas ang kanilang pagkikita at pag-uusap sa isa't isa. Magkapitbahay lang sila kaya malamang sa malamang ay palagi silang nagkikita.

BINABASA MO ANG
November Rain (OLD CLASSICS SERIES #2) ✓
القصة القصيرةReign x Ray - short story ***** In the cold November rain, a young woman's life is shaped by loss, heartache, and fleeting hope. As she cross through the storm of her existence, she meets someone who might change everything-but in the end, fate has...