KALIGTASANJennie POV
Maaga akung nagising para mag handa, ngayong araw din kasi ako pupunta sa company ng pinsan ni rose, pinauwe din muna kasi ako ng mga kaibigan ko dahil pumunta agad ako sa hospital kahapon, kahit hindi pa ako masyadong nakakapag pahinga, paanu kasi ay may tawag ng tawag sakin, pinapatayan ko agad nang makita kung sino ang tumatawag dahil hindi parin mawala ang sakit sakin.
Oo, tama kayo, si Lisa, tumawag sya sakin kahapon nung natutulog na ako, pero hindi ko sinagot ang tawag nya dahil mas gusto kung mag pahinga kisa aksayahin ang oras ko sakanya, ayaw kunang ilapit pa ang sarili ko sakanya, ayaw kunang mapaglaruan ulit.
Winaksi kuna lamang ang isiping iyon, hindi na mahalaga sakin ang nararamdaman ko, si Jordan lang ang mahalaga sakin, hindi ko kakayanin kapag may nangyari sakanyang hindi maganda.
Napalingon nalang ako sa may pinto ng may kumatok, agad kung inayus ang suot ko at tumingin pa muna sa salamin para tignan kung ayus na ba ako, at nang makita kung ayus na ako ay agad kung nilapitan ang pinto para tignan kung sino ang kumakatok.
"Bat ang tagal mong buksan? " tanung ni rose ng pagbuksan ko ito.
"Sorry, nag aayus pa kasi ako ng sarili ko. " paghingi ko naman ng sorry, tumawa lang ito.
"Ayus, nag papaganda kalang sa pinsan ko, don't worry single naman iyon, reto naba kita after this? " kinunutan ko naman ito ng noo.
"Ano bang pinag sasabi mo jan? Anung reto? Gusto kulang maging maayus sa paningin ng pinsan ko, diba ikaw narin ang nag sabi na ayaw ng pinsan mo sa mga babae walang Amor. " sabi ko, at inirapan ito kung anu ano kasi ang sinasabi.
"Hahah, joke lang, ito naman. Asa ka din na magugustuhan ka nun, kahit ata maganda ka ay hindi parin yun papatol sayo, dahil alam kung isa babae lang ang gusto nun." Hindi kuna lamang ito pinansin at lumakad papasok sa kwarto, sumunod din naman ito, kinuha ko naman ang brown envelope na hinanda ko, resumes iyon, para maging formal parin ang pag apply ko kahit sinabe ni rose na hindi naman na daw kailangan.
"Sinong nag hatid sayo dito? " tanung ko dahil asa akin parin kasi ang kotse nya, kahapon kasi nung pumunta agad ako sa hospital ay pinauwi nya din agad ako, dahil sila na lang daw muna ang mag babantay sa anak ko, ayaw ko pa sanang pumayag pero mapilit sila kaya hinayaan kuna, nag pahinga nalang ako kagabi kaya ngayon ay maayus na ako, at hindi na puyat masyado.
"Ahh, nag pahatid lang ako sa boyfriend ko, pero Umalis din agad dahil pupuntahan nya pa daw ang pinsan ko, kaya alam kung andun sya mamaya sa company ng pinsan ko na magiging boss mo." Napatango nalang ako, hindi rin kasi ako makapaniwala na may boyfriend na pala ang kaibigan ko, kinuwento nya rin sakin na nag break daw sila at nagkaayus sila nung nakaraan linggo lang.
Nag pasya nadin agad kaming umalis para maaga akung makapunta sa hospital, miss kuna din agad ang anak ko, sabi ni rose ay wala parin daw malay si Jordan, kaya nag aalala parin ako dahil ilang araw na syang tulog at marami ng pumapasok na what ifs sa utak ko.
"Hey wag kang kabahan, mabait ang pinsan ko. " napatingin naman ako kay rose, sya na ngayon ang nag mamaniho.
"Hindi naman ako kinakabahan sa pinsan mo, iniisip kulang si Jordan." Sabi ko naman, tumingin naman ito sakin saglit.
"Wag kanang mag alala sa anak mo, dahil sigurado ako na after this ay magiging stable na din ang kalagayan nya. " pag papagaan nito sa nararamdaman ko, kahit papano ay gumaan naman ang nararamdaman ko, ang laki din talaga ng pag papasalamat ko sakanya, sakanilang mga kaibigan ko.
"Sana ay gising na sya pagbalik natin mamaya. " umaasang sabi ko, ngumiti naman ito at pinag patuloy na ang pag mamaniho.
Inabot lang kami ng ilang minuto bago kami makarating sa company ng pinsan nya.