CHAPTER 1

212 6 0
                                    


PANGUNGULILA







Jennie POV.

"Mommy!!! " masayang salubong sakin ng anak ko ng sunduin ko ito sa school na pinapasokan nya, I spread my arms, waiting for him to be in my arms, at ganun nalang ang pag pikit ko ng mayakap ko ang anak ko.

"How's school baby?" I ask ng kumawala sya sa yakap.

"I got 3 star mommy, kasi sinasagot ko ang bawat tanung ni teacher. " masiglang sabi nya, napangiti naman ako dahil sa kabibohan nya.

"Very good talaga ang baby ko, at dahil jan bibilhan ka ni mommy ng jollibee. " sabi ko at hinalikan ito sa pisngi, agad na nag liwanag ang mukha nya sa narinig ang sinabe ko.

"Really po? " masayang sabi nya kaya tumango ako.

"Opo, pero kailangan muna nating bumalik sa trabaho ni mommy para makabili tayo ng jollibee. " sabi ko at agad na hinawakan ang kamay nya, nag paalam lang ako sa amo ko na susunduin ko ang anak ko, at pinayagan naman ako nito dahil alam na nya na ginagawa ko talaga iyon sa araw araw, sa isang kainan ako nag tatrabaho, maliit lang ang sweldo pero kasya naman samin ng anak ko at nakakaraos naman kami sa araw araw dahil sa trabaho ko sa kainan.

Agad kaming nag gayak ng anak ko pabalik sa trabaho ko, malapit lang naman iyon kaya nilakad nalang namin, dahil gustong gusto rin ng anak ko na mag lakad kami kapag sinusundo ko sya.

"Dito ka muna anak ha, wag malikot, sabihin mo agad kay mommy kapag may problema ok. " sabi ko sa anak ko ng makarating na kami sa kainan na pinapasokan ko, pinaupo ko naman ito sa palagi nyang inuupan dito sa may gilid para hindi makaabala sa ibang customer.

"Yes po mommy, behave lang po ako. " sabi nya kaya napangiti ako at hinalikan ito sa pisnge nya, bago ako bumalik sa trabaho ko, agad kung tinulungan si Cindy ng maisuot ko na ulit nag apron ko, marami ang kumakain sa kainan na ito, minsan nga ay inaabot kami ng madaling araw lalo na kapag may okasyon oh ganap sa lugar na ito, masaya ako kahit ito lang ang trabaho ko dahil marami akung naging kaibigan dito, nalalapitan ko  din sila kapag kailangan na kailangan ko talaga ng tulong, lalo na ang may ari ng kainan na si nay sul, subrang bait nya samin na mga trabahanti nya, kaya hindi ako nga sisisi na nag apply ako dito.

Hindi rin naman kasi ako tinatanggap sa mga amall pinag applyan ko dito sa bicol dahil kailangan daw ay may experience at tapos sa pag aaral, at hindi naman ako nakapagtapos dahil mas inuna kung alagaan ang anak ko, kaya pinili ko nalang na dito mag apply at walang pag dadalawang isip akung tinanggap ni Nay sul.

"Pakainin mo muna ang anak mo, baka gutom na. " sabi sakin ni Ed, na katrabaho ko, tanghali na at medyo marami marami pa ang kumakain, half day lang ang pasok ng anak ko dahil kinder pa lamang ito, hindi ko rin maiwan sa bahay dahil walang mag babantay.

Pinag masdan ko naman ang anak ko na nag mamasid lang sa mga kumakain, agad akung tumango kay Ed, bago pumunta sa kusina para ipaghanda ng makakain ang anak ko, sabi ko naman kay nay sul na ibawas nya nalang sa magiging sweldo ko ang kinakain ng anak ko dito, pero sabi nya ay ayus lang daw iyon.

Agad muna akung nag paalam sakanila para puntahan ang anak ko, mukhang gutom na nga sya dahil nakahawak na ito sa kanyang tyan.

"Gutom na ba ang baby ko? " tanung ko sa anak ko ng makalapit ako dito, nahihiyang tumango ito, pinisil ko ang pisngi nya, bago nilahad sa harap nya ang dala kung pagkain.

"Kain kana, baka pumayat ang baby ko" sabi ko at sumimangot naman ito.

"Panu po ikaw mommy? Kain kana rin po, sabay na po tayo. " pakiusap nya.

"Hindi pa pwede si mommy na kumain dahil mag trabaho pa si mommy, look oh ang dami pang kumakain. " sabi ko, kahit na gusto kung sabayan ang anak ko sa pagkain ay hindi pwede dahil alam kung marami pang papasok na kakain dito, at kailangan kung tumulong sa pag asikaso dahil trabaho ko iyon.

ONE NIGHT TO FOREVERWhere stories live. Discover now