PROLOGO

3.6K 62 2
                                    

Sa murang edad ni Ethan ay sumambulat na sa kanyang kamusmusan kung gaano kahirap ang mundo sa tulad niyang pinagkaitan ng karangyaan. Isang anak ng bayarang babae si Ethan, lumaki siyang nakikita ang sariling ina na nagpapakasasa sa iba't ibang lalake na minsa'y idinadala pa ng kanyang nanay sa kanilang tahanan.

Kalat rin sa buong baranggay nila na anak siya ng isang amerikanong naging customer ng kanyang nanay. Ayaw man niyang paniwalaan ang chismis na naririnig niya ngunit malaki ang posibilidad na totoo ang sabi sabi ng mga chismosa. Maputi at mestisohin ang kanyang itsura, kulay bughaw din ang kanyang mga mata kaya hindi maipagkakailang anak siya ng isang banyaga. Ngunit magkaganon man ay ayaw niyang magpaapekto sa sabi sabi ng iba.

Napakahirap ng buhay ni Ethan, sapagkat hindi siya inaalagaan ng kanyang nanay. Sa edad na lima (5) ay namulat na siya sa mga gawaing bahay. Natuto siyang magbanat ng buto para mapakain ang sarili. Mahirap iyon, lalong lalo na sa mura niyang edad sapagkat malimit lang ang kanyang nanay na manitili sa kanilang bahay, sapagkat umuuwi lang ito upang gawing bahay aliwan ang kanilang tahanan.

Sa edad na nwebe ay napagpasiyahan niyang maglayas at iwan ang kanyang ina. Gaya ng kanyang inaasahan ay wala itong pake sa kanya at hindi manlang ito nagatubiling hanapin siya. Nagkusa siyang pumunta sa ahensya ng DSWD upang magpatulong sa mga ito. Sa kabutihang palad ay natulungan naman siya ng ahensiya kaya naman ipinadala siya sa isang bahay ampunan. Hindi gaya ng malungkot niyang buhay kasama ang kanyang ina, ay masayang masaya siya sa bagong pahinang tinahak niya sa kanyang buhay. Marami siyang nakakalarong mga bata na labis niyang ikinakakasiya. Pakiramdam niya ay naranasan niyang maging bata. Yung tipong paglalaro lang ang iyong aalahanin at hindi mo iniisip ang iyong kakainin. Talagang lubos lubos ang pasasalamat niya sa panginoon sapagkat sa bahay ampunan niya lang naramdaman ang tunay na kasiyahan.

Isang buwan na ang nakakalipas, simula ng manatili siya sa bahay ampunan. Sa mga araw na lumipas ay marami siyang naging kaibigan. Mababait din ang mga madreng halos tumayong magulang na nila. Ngunit gaya ng pangkaraniwang nangyayari sa bahay ampunan ay dumating ang panahon na labis niyang ikinalulungkot.

"Sila ang bago mo nang magulang hijo" ang nakangiting sambit ni Sister Menerva saakin habang iginagaya ako sa dalawang taong nasa harapan ko. Nahihiya man ay dali dali akong lumapit sa mag asawa at ngumite ng payak.

"Nako ang kyut kyut mo naman" sambit ng babae sa kanya na ikinangiti niya. Agad agad niya itong yinakap ng mahigpit sapagkat alam niyang mabait itong tao. Ramdam na ramdam ni Ethan ang sensiridad at galak nito na natural at hindi pineke.

"Kami na ang bagong magulang mo" sambit ng isang baritonong boses. Agad naman akong napabitiw sa pagkakayakap sa ginang upang tignan kung sino ang may ari ng boses na iyon.

Ganon nalang ang aking pagkamangha ng makita ko ang poging mukha ng isang lalake. Para itong kapre sa laki, samahan pa ng malaki nitong katawan.

"Ako na ang bagong papa mo at siya naman ang bagong mama mo" sambit nito habang nakangiti saakin.

"Kaya mula ngayon ay ikaw na ang bunso namin" puno ng galak na sambit ng ginang na ikinangiti ko ng malawak.

"Kakain po ba tayo ng fried chicken?" Ang natutuwang ani ni Ethan na ikinagiti lang ng dalawang mag asawa.

"Oo, kakain tayo ng marami" ang natatawang sambit ng lalake sa kanya.

Sa mga oras na iyon ay doon na magbabago ang simpleng buhay ni Ethan. Ang natamasa niyang kahirapan ay mapapalitan ng kasiyahan at karangyaan. Karangyaan na matagal na niyang inaasam, kasama ang bagong pamilyang itinuturing niyang kayamanan.

Familia YbañezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon