Dahan dahan akong napamulat ng mata. Tanging puting kisame at ang nakakasilaw na ilaw ang bumati saakin. Papungas pungas pako habang marahang kinukusot ang mata ko. Dahan dahang sumambulat saakin ang nakangiti ngunit naiiyak na mukha ni Daddy.
Dahil sa sobrang pagkatuwa ay dali dali akong yumakap sa kanya. Sa mga araw na nangungulila ako sa kanya ay tila napawi ang lahat ng kalungkutan ko ng mga araw na iyon, lalo na't nasa harapan ko na si Daddy. Ang kalungkutan ko at takot ay biglang nawala ng masilayan ko ang maamo at pogi nitong mukha.
"Shhhh sige lang anak, iiyak mo lang yan" sambit ni papa sa basag na boses sapagkat maging siya ay umiiyak na rin.
"Akala ko, hindi na kita makikita. Halos buong pilipinas na ang ginalugad ko mahanap ka lang. Alalang alala kami sayong bata ka. Mabuti nalang at nandito ka na." Ang naiiyak na sambit ni Daddy kaya naman gaya niya ay napaiyak narin ako.
"Hindi na hahayaan ni Daddy na mangyari ulit iyon. Hinding hindi na anak" naiiyak nitong sambit at mabilis akong yinakap ng mahigpit.
Mga ilang minuto kaming ganoon lang, hanggang sa dumating na ang mga kuya ko. Gaya ni Dad ay puro iyakan at dramahan lang ang nangyari. Lalong lalo na si Kuya Aiden na hindi ako tinantanan sa kakayakap. Gaya ngayon ay para itong tuko at nayakap lang saakin.
"Wag kang mag alala bunsoy, hindi na namin hahayaang mangyari sayo to" ang muling naiiyak na sambit ni Kuya Kieth kaya naman tinapik ko na ito.
"Tama na yan, kanina pa tayo nagiiyakan dito. Lakas makateleserye tong iyakan natin" pagpapatawa ko sa kanila, na ikinatawa naman ng mga ulupong.
Mga ilang segundo lang ay dumating ang doktor at mabilis na pinatawag si Daddy. Agad namang gumayak si Daddy at nakipagusap sa doktor. Alam kong pribado ang pinaguusapan nila kaya malakas ang kutob kung marahil ay sinambit na ng doktor ang nangyari panggagahasa saakin.
Mga ilang minuto lang ay dumating si Papa na namamaga na naman ang mga mata. Namumula rin ang kamao nito kaya naman hindi ko mapigilang mag aalala dito.
"Pa anong sabi ng doktor?" Sambit ko ngunit gaya ng inaasahan ay nagsinungaling ito.
"Wala, ang sabi ay matulog ka na para makapag pahinga ka na. Kailangan mong magpalakas para mas mapaaga ang pag alis mo sa ospital" ang nakangiti nitong sambit ngunit bakas sa mukha nito ang lungkot at pagsisisi.
"Nasan si Ethan" isang tinig ang umalingawngaw sa labas ng kwarto. Ang kaninang galit na pasimple kung nakalimutan ay biglang bumalik ng marinig ko ang nakakairita nitong boses.
Agad na tumambad saakin ang nag aalalang mukha ni Mommy na animo'y parang isang ulirang ina. Umiiyak itong yumakap saakin. Gusto ko itong itulak at sampalin ngunit hindi pa ito ang tamang oras. Nagsisimula palang ang laro at ayokong malaman nilang pinapaikot ko sila isa isa sa aking maliit na palad.
Talagang kinareer nito ang pagiging artista sa ganda at husay nito kung umarte. Kung sakaling hindi ko alam na siya ang may pakana ng pangyayari iyon saakin ay talaga namang makukumbinse ang kung sino sa galing niyang umarte.
Ngunit kung magaling siya sa pakikipagplastikan at dramahan ay masyado pa siyang bata at walang wala pa siya sa kalingkingan ko. Mas tinapatan at hinigitan ko ang pagiiyak niya, mabilis kung naipapatak ang luha ko habang kunwaring gustong gusto ko siyang mayakap. Pwe! Maging ako ay nandidire sa kaplastikang taglay ng babaeng ito ngunit ano pa nga ba ang magagawa ko. Kailangan kung magpanggap sapagkat ngayon palang nagsisimula ang plano ko. At ayaw kung masira ang lahat ng pinagpaguran ko lalong lalo na ngayon na nag eenjoy ako.
"Mommy miss na miss kita. Wag niyo nakong iiwan mommy. Hindi ko kaya" umiiyak kung sambit while doing the sinok sinok acting. Talagang ginalingan ko ang pag arte para naman kahit ang malandi kung inainahan ay hindi makahalatang umaarte ako.

BINABASA MO ANG
Familia Ybañez
RomanceLabis labis ang pagpapasalamat ni Ethan sa mag asawang umampon sa kanya. Hindi man niya ito kadugo, ngunit kahit na minsan ay hindi niya naranasang iba ang trato nito sa kanya. Sa pagdaan ng panahon ay mas lalo siyang napamahal sa dalawang mag asawa...