DOS

1.4K 36 5
                                    

Alas kwatro (4) na nang matapos ang klase. Sasabay sana ako kela kuya ngunit magpapahuli nako. Kailangan ko pa kasing maglibot sa mall upang bumili ng mga art materials. Paubos na kasi ang oil pastel ko at need ko rin ng bagong color pencil. Gusto ko sanang magcommute nalang kaso hindi nila ako pinayagan kaya naman hinatid pa nila ako sa mismong mall kung saan ako bibili.

"Thank you kuya, pakisabi nalang kay mom at dad na mahuhuli ako. I love you" sambit ko at mabilis na sinara ang kotse.

Maraming art materials ang gusto kung bilhin. Malaki laki rin kasi ang natanggap kung pera dahil sa mayayaman kung ninong at ninang. Binigyan rin ako ni Daddy ng pera bilang pang allowance kaya naman treat ko narin ito para sa sarili ko. Dali dali akong pumasok sa mall. Pagkapasok na pagkapasok ko ay tumambad saakin ang national book store kaya naman dali dali akong pumasok. Agad akong kumuha ng push cart upang doon ilagay ang mga pinamili ko. Lahat ng mga nagugustuhan ko ay mabilis kung kinukuha at inilalagay sa cart ko. Maraming art materials ang pinamili ko ngunit marami rin akong librong binili. May kahiligan rin kasi akong magbasa basa, lalong lalo na kung romance at fantasy ang genre ng libro.

Nang matapos sa pamimili ay buong ngiti akong lumabas ng mall, may kabigatan ang dala ko ngunit todo ngiti akong lumabas ng mall. Talagang masayang masaya ako ngayon. Lalong lalo na at nabili ko ang gusto kong mga libro at mga gamit. Talagang libro at art materials lang, masaya nako.

Akmang papara na sana ako ng taxi ng mahagip ko ang pamilyar na mukha na nagpahinto saakin. Agad kung tinignan ang harapan ng mall at motel ito. Ngunit ang ipinagtataka ko ay kung ano ang ginagawa nito sa motel habang kasama ang isang lalake. Bagama't nahihirapan sa dala dala ay mabilis akong tumawid. Pagkatawid ko ay sakto namang lumabas na silang magkayakapan na animo'y parang isang bagong kasal na nagtatawanan pa.

Ngunit ganon nalang ang pagtataka ko ng makita kung naghalikan ang mga ito na animo'y parang walang pakialam sa paligid nila. Dahil sa pagkabigla ay dahan dahan kung nabitawan ang pinamili ko.

"M-mommy?" Ang naiiyak kung tawag sa kanya.

Ganon nalang ang gulat nito ng makita ako sa harapan nito. Para itong binuhusan ng isang drum na tubig at bumalik sa tamang wisyo. Ngunit imbes na magpaliwanag ay dali dali itong lumapit saakin at hinawakan ako ng mahigpit.

"Anong ginagawa mo dito? Hindi ba't sa mga oras na to ay dapat nasa bahay ka na? Sinusundan mo ako no?" Galit na galit nitong sambit. Hindi ko naman mapigilang mapaigik sa higpit ng pagkakahawak nito sa kamay ko.

"Mommy, nasasaktan ako" ang naiiyak kung sambit habang kinukuha ang kamay nito.

"Talagang masasaktan ka kung hindi mo sabihin sakin ang totoo, ano!? Sinusundan mo ako no!? Tama ako diba?! Sinusundan mo ako para masira mo ako sa pamilya ko! Para maagaw mo sakin si Carlos!" Ang namumulagat nitong mga mata ang nagpapasindak saakin. Galit na galit ito na halos sumabog na ang ulo sa pagkapula.

"Ha? Mommy ano ba yang pinagsasabi niyo? Mahal ko kayo ni Daddy at wala akong intensyon na agawin siya sayo. Lalong lalo na ang siraan ka!" Naiiyak kung sambit.

Agad namang napatingin si Mommy sa paligid, mukhang nakakuha na kami ng atensyon ng iba kaya naman dali dali ako nitong hinablot papaloob sa kanyang kotse. Agad ko namang tinignan ang lalakeng kalaguyo niya na nasa labas lang ng kotse.

Buong akala ko ay sasaktan niya ako ngunit kaibahan ito ng ginawa niya. Imbes na saktan ako ay narinig ko sa loob ng kotse ang mahihina niyang hikbi. Hindi ko naman lubusang mahabag kay Mommy.

"Patawarin mo ako Ethan, please wag mo akong isumbong sa Daddy mo. Nagawa ko lang naman yon sapagkat pakiramdam ko ay hindi naako mahal ng Daddy mo" malungkot nitong pagkwento na nagpaluha saakin.

Familia YbañezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon