"Dahan dahan lang" ang nakangiting sambit ni Daddy nang muli akong makabalik sa bahay.
Hindi mapagsidlan ng saya at tuwa ang aking puso lalo na't sa muling pagkakataon ay nakauwi narin ako sa wakas. Kay tagal kong inasam asam na muling makatapak sa bahay na'to, at hindi ako makapaniwala na nandito na nga ako ulit.
Buong akala ko ay tuluyan na akong mabubulok sa lumang bahay nila Oscar, at don narin ako mamamatay. Ngunit tignan mo at heto nako! Malaya at masaya.
"Hindi muna makakabalik ang Mama ninyo, at nandon sa Japan dahil may mahalang conference na dadaluhan. Walang specific na araw kung kailan siya babalik lalo na't pihadong magtatagal sila doon" ang sambit ni Papa na ikinarolyo ko lang ng mata.
"If i know, ay nandon na naman siya sa kabit niya" ang mahinang bulalas ko na ikinatingin sakin ni Daddy.
"May sinasabi ka Anak?" Ang takang tanong nito na ikinangiti ko naman.
"Wala dad" ang nasabi ko nalang sa'kanya.
Gustuhin ko mang sabihin sa kanya ang lahat ng alam ko patungkol sa pangangaliwa ni Helena ay mas mabuting sa pribadong lugar ko sabihin. Masyadong delikado lalo na't nandito ang mga kasamabahay.
"Tara na sa taas, para makita mo na ang kwarto mo" ang nakangiting sambit ni Papa habang hawak hawak ako sa bewang at inaalalayang maglakad.
__CARLOS
Maingat kung tinutulungan sa bawat paghakbang ang anak kong si Ethan, na nakahawak naman saking kamay.
Kahit na wala siyang nararamdaman na kahit ano, ay gusto ko lang siyang gabayan lalo na't hanggang ngayon ay nagsisisi parin ako na wala ako sa tabi niya nung siya'y madukot ng mga hayop na lalakeng yon.
Gusto kong gumanti, ngunit alam kong mali ang naiisip kong paraan lalo na't dudungisan ko ang sarili kong kamay kapalit ng kapayapaan at hustisya para sa anak ko.
Hindi ko mawari ngunit para kong tunay na anak si Ethan, at kailanman ay hindi ko tinuring na iba siya sa mga kapatid niya. Sa katunayan nga ay siya pa ang mas paborito ko lalo na't masunurin at mabait na bata, walang wala sa mga pasaway niyang kuya.
"Dad, may ipagtatapat po ako sa inyo" ang biglang pagbukas ni Ethan sa usapan, nang makarating kami sa kanyang kwarto.
Bago magsalita ay mabilis niyang sinara ang pintuan, at nang masara na ito malungkot siyang tumingin sakin na animo'y parang maiiyak. Dali dali naman akong lumapit sakanya para aluhin at itanong kong bakit siya nagkakaganyan.
"Ohhh bat ka umiiyak?" Ang naawa kong sambit sabay punas ng kanyang luha gamit ang aking hinlalaki.
"Ayoko sanang sabihin sa inyo lalo na't alam kong ikagagalit niyo ngunit sa tingin ko ay ito na ang tamang panahon para malaman niyo" ang panimula nito na bahagya kong ikinakunot ng noo ko.
"Ha? Hindi kita maintindihan anak? Ano bang ibig mong sabihin" ang naguguluhan kong sambit.
"Bago ho ako madukot, nakita ko hong nakikipaglampungan si Mommy sa isang lalake sa tapat ng La Alegria Motel. Akala ko namamalikmata lang ako pero hindi, lalo na't linapitan ko sila at kinausap ko si Mommy. Kinaladkad niya pa nga ako sa kotse para sabihin saking wag mag sumbong sa nakita ko. Pumayag ho ako kasi akala ko ay pagkauwi namin ay maayos at sasabihin niya sayo. Buong akala ko pa naman ay makakauwi ako, ngunit sa araw ding iyon ay nadukot ako.
At sa inaasta at galaw ninyo ay pihadong hindi pa sinasabi ni Mommy ang sekreto niya na may iba siyang lalake. Sorry dad at hindi ko kaagad nasabi sayo, natatakot kasi ako na baka ito pa ang maging dahilan para maghiwalay kayong dalawa" ang mahaba nitong salaysay na ikinapikit ko lang sa sobrang prustrasyon.
BINABASA MO ANG
Familia Ybañez
Storie d'amoreLabis labis ang pagpapasalamat ni Ethan sa mag asawang umampon sa kanya. Hindi man niya ito kadugo, ngunit kahit na minsan ay hindi niya naranasang iba ang trato nito sa kanya. Sa pagdaan ng panahon ay mas lalo siyang napamahal sa dalawang mag asawa...