"Omg Dad! Thank you!" Puno ng galak kung sambit at mabilis na hinalik halikan siya sa pisngi. Puro tawa at ngiti lang naman ang naging sukli nito na ikinatawa ko narin.
"Omg Dad, para sakin talaga to?!" Ang hindi ko makapaniwalang sambit habang hawak hawak ang latest version ng pinakasikat na phone sa buong mundo.
"Really?" ang naiiyak kung sambit at mabilis na nagsisitalon sa sobrang kasiyahan.
Kung noon ay iniinggit pa ako nila kuya dahil latest version ang sakanila, ngunit hindi na ngayon. Dahil gaya nila ay meron nakong iphone 14 pro . May kalumaan narin kasi ang phone ko kaya saktong sakto lang ang ibinigay na regalo ni Dad saakin.
"Happy Birthday anak" muling sambit ni Daddy kaya naman nginitian ko ito at yinakap ng mahigpit.
"Thankyou so much dad, my words is not enough to tell you how grateful i am to be your son" nakangiti kung sambit at muli siyang hinalikan sa pisngi.
"Son ba? Or daughter?" Singet ni Kuya Aiden na agad ko namang tinarayan.
"Dad o si kuya, inaasar na naman ako" pagkuha ko ng kampi kay Dad.
"Ayan ka na naman Aiden, tigilan niyo na yang si Ethan. Alam niyo naman na prinsesa natin yan" sambit ni Dad na ginatungan pa ang pang aasar sakin.
"Dad naman eh" naiinis kung sambit at pinalo siya sa balikat.
Samantalang tawa lang nang tawa ang dalawa dahil sa mga pinanggagagawa nila. Umalis nako sa sofa kung nasaan nakaupo si Daddy. Sakto namang kakauwi lang ni Kuya Russel sa campo sapagkat suot suot pa nito ang unipormeng pansundalo.
"Aba aba, andami mo nang regalo ha. Kahapon pa yan" pagsuway ni Kuya na agad na kiusyoso sa usapan namin.
"Eh ewan diyan kay dad, andaming surprises" ang nakangiting sambit nito kaya naman dali dali akong lumapit dito upang halikan sa pisngi.
"How's work kuya?" Sambit ko dito at panabay kaming naglakad papunta sa sofa upang makapag pahinga siya ng kaunti.
"Ayon, puro training" pagod na pagod nitong sambit at mabilis na sumandal sa sofa.
"Yucks kuya yung pawis mo, magpalit ka muna at didikit yan sa sofa" sambit ko na ikinangiti lang ng ulupong.
"Parehong pareho kayo ni Mommy" sambit pa nito at dahan dahang tumayo.
"Malamang, parehong babae" pang aasar ni Kuya Aiden kaya naman nagmamaktol ko siyang kinurot na ikinapalahaw naman nito ngunit hindi parin nawawala ang ngisi nito sa kanyang labi na lalo kung ikinakainis.
Bata palang ay alam na nilang alanganin ako, ngunit kahit na magkaganon ay hindi nila ako hinusgahan. Minahal nila ako at itinuring akong totoong parte ng pamilya. Puro lalake ang anak ni Mommy Helena at Daddy Carlos kaya naman balak nilang mag ampon sana ng babae ngunit nagandahan at nabaitan daw sila saakin kaya kahit na lalake ulit ang aampunin nila ay walang problema.
Hanggang sa dumating ang araw na ako'y nagbinata, mas naging halata ang pagiging mahinhin ko, na ibang iba sa mga kaibigan kung lalake. Mas lumalaki ang kanilang katawan, na kabaligtaran naman ng akin. Maliit ang katawan ko lalong lalo na ang bewang ko ngunit mas lumalaki naman ang balakang at pwet ko na labis kung ipinagtataka. Maliit rin ang mukha ko at pumuti rin ako, marahil narin sa malamig na hangin na pumapalibot sa buong bahay. Hindi rin ako palalabas kaya maaring iyon ang dahilan para maging kakulay ko na ang mga white lady sa sobrang kaputian.
Ngunit ang palagian kung nakukuhang komplemento ay ang maamo at mayumi kung mukha. Kalimitang sinasabi ng iba ay para daw akong anghel na hindi makabasag pinggan, sabayan pa ng awra kung parang anak ng presidente na mahihiya ang sinumang lapitan. Maraming nagsasabing pangbabae daw ang hubog at mukha ko. Kung hindi lang daw panlalake ang haircut ko ay paniguradong babaeng babae na akong tignan.

BINABASA MO ANG
Familia Ybañez
DragosteLabis labis ang pagpapasalamat ni Ethan sa mag asawang umampon sa kanya. Hindi man niya ito kadugo, ngunit kahit na minsan ay hindi niya naranasang iba ang trato nito sa kanya. Sa pagdaan ng panahon ay mas lalo siyang napamahal sa dalawang mag asawa...