Drop Me Off To School

102 8 0
                                    

I fell in love at first sight. When I was six, when I still didn't even know what love is. But the moment I saw her cute red face, and her tiny little hand that grabbed my finger, ay hindi ko alam ang nararamdaman ko... sigurado lang ako na ayaw ko siyang mawala sa aking paningin.

-Fifteen years later-

"Gabby! Gabby! Malilate na ako!" Gising ni Amara sa akin.
"Ugh! That's ate Gabby, Ara. And why are you here this early in the morning?" naiirita kong wika as I was covering my head with my pillow.
"Ughhhh! I just said I will be late! Are you even listening?" naiirita niya ring sagot sa akin na inaalis ang nakatakip na unan sa mukha ko.
"And so? What does that have to do with me?"
"Mom and dad weren't home, no one's gonna drop me off to school."
"Ahhh!!! I still wanna sleep, Amara! Go book a taxi!" sabay inabot ko sa kanya ang phone ko para gamitin niya pang book sa Grab habang nakatalikod sa kanya na nakatakip pa rin ang ulo ng unan.
"I don't want to!" I am sure na she's sulking na at sa malamang nakapout na ang mga labi. Ayaw ko siyang tingnan dahil ito 'yong way niya if she wants get or get away from something... sobrang cute kasi kaya walang makakatanggi sa kanya.
"Okay, bahala ka, matutulog na ako."
"Gabby!" pasigaw na niyang tawag sa akin sabay dagan niya sa akin at kuha ng unan na mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayapos. "Drop me off to school or isusumbong kita kina mommy at daddy!" sus akala n'ya naman takot ako!
"Fine! But ask nicely and say it with ate." hindi siya sumagot dahil alam kong ayaw na ayaw niya akong tinatawag na ate kahit anim na taon ang pagitan ng edad namin. "Okay, go na at matutulog na ulit ako."
"Fine! Pahatid po ako sa school ate Gabby please." halos hindi ko marinig ang salitang ate dahil mahina niya itong binigkas.
"I didn't hear it clearly, Ara. Please say it again.". Hindi na siya sumagot at naramdaman ko na lang ang kamay niyang pinaghahampas ako  "Ouch! Ouch! Ouch! Araaa!" napabangon ako bigla para pigilan siya sa paghampas sa akin at nakita kong umiiyak na siya. Awww ang cute-cute naman ng baby sis ko but at the same time it also broke my heart. Ayaw ko siyang nakikitang malungkot, nasasaktan at lalong-lalo na ang umiyak. Niyakap ko na lang siya at hinapuhap ang likod niya "Hush na, ihahatid na kita. Tara na.". Tumayo na ako at inalalayan siyang tumayo at hindi na niya binitawan ang kamay ko hanggang sa makarating kami sa sasakyan ko. Wala ng mumog-mumog, hila-hilamus ng mukha  o suklay-suklay ng buhok! Ang batang ito talaga! Grrr.

Tahimik lang siyang nakaupo sa sasakyan na busy sa kanyang phone, hindi ako kinikibo kahit kinakausap ko siya at nakapout lang ito hanggang sa nakarating kami sa paaralan niya.
"We're here na, baba ka na at ingat." hindi pa rin siya nagsalita at hindi naman siya kumilos. "Amara? Hurry up please? I still need to go back to sleep kasi late na akong nakatulog kanina." pagmamakaawa ko sa kanya.
"Open the door for me." mataray niyang utos sa akin kaya inalis ko ang seatbelt ko, sinunod ko namang alisin ang seatbelt niya at inabot ang door handle sa side niya pero pinigilan niya ako. Nauubos na ang pasensya ko sa batang ito! "Do it from the outside.". Is this my punishment from making her cry earlier? Ugh! Nakakapikon na! Gusto ko na lang sabunutan ang buhok ko!
"Amara," I sighed before continuing "wala akong hilamus, 'di nakapagsuklay at nakapajama lang and you want me to go out of the car?"
"So what? Maganda ka pa rin naman!" mabilis niyang sagot sabay pout. There's no winning to this kid! Bumaba na lang ako at pinagbuksan siya ng pinto.
"Happy?" tanong ko pagkabukas ko ng pinto at bumaba naman siya at hinalikan ako sa pisngi na ikinagulat ko.
"Bye, Gab. Drive safely." nakangiti na niyang wika.
"Ate, Ara. Ate!" paulit-ulit ko na lang na paalala sa kanya pero hindi na niya ako pinansin at umalis na patungo sa mga kaibigan niya na naghihintay sa kanya sa gate. Kumaway siya pati mga kasama niya kaya kumaway na rin ako at pumasok na sa kotse at umuwi.

Ang kulit talaga ni Ara, such a spoiled brat but I guess kami rin naman ang masisisi 'coz we allow her to be... lalo na ako. Kahit pa siguro sabihin niyang tumalon ako sa building ay hindi ako magdadalawang isip na sundin siya. Haha. Oh well sana sa amin lang siya ganito, hindi naman kami nagkulang ng pangaral sa kanya lalo na sa pakikipagkapwa tao. Na she should always be kind... pero sa akin lang naman 'ata siya hindi marunong gumalang at rumispeto. Since marunong na siyang mag salita ay tinuruan ko na siyang tawagin akong ate pero Gab at Gabby na talaga ang tawag niya sa akin simulat-simula pa lang. Hindi ko alam kung ikakatuwa ko o ikakainis eh. Sigh. Amara.

"Oh nakabalik ka na agad?" tanong ni mommy sa akin pagkapasok ko sa bahay.
"Yes, mom. Akyat na po ako at matutulog ulit."
"Kumain ka muna bago matulog. May natira pa si Ara d'yan."
"Haha seryoso ka mom? Tira na lang talaga ni Amara 'yong sa akin?" pagtatampo ko.
"Para talaga 'yon sa iyo, eh alam mo naman 'yong batang iyon. Isasabay nga sana kanina ni dad eh ayaw, sa iyo talaga gustong magpahatid."
"Hay ka Amara!" reklamo ko sabay punta sa dining.
"May pa-hay-hay ka pang nalalaman gusto mo rin naman." sabay tawa ni mommy na nang-aasar sa akin. "Kumain ka na at ng makatulog ulit." sabay lagay niya ng pagkain sa plato ko.
"Ilan ba ang kinain ni Amara at isang hotdog na lang at itlog ang natira?" naiinis kong tanong kay mommy.
"Kulang pa ba 'yan at ipagluluto na lang kita. 'Di na ako nagluto baka kasi hindi ka kakain eh. Kung hindi kita niyayang kumain sa malamang tulog ka na.".
"Okay na po ito mom. Thanks po." napilitan na lang akong kainin ang tira ni Ara dahil ayaw ko ng maabala pa si mommy. Damihan ko na lang ng kain ng kanin. Hay Amara!

Inuubos talaga ng batang ito ang pasensya ko. Inabala na nga ang tulog ko, kinain pa ang pagkain ko! Humanda ka talaga sa akin mamayang bata ka!

Hihiga na sana ako ng nakita kong may tumatawag sa naiwan kong phone sa ibabaw ng drawer at si Amara ito. Speak of the little devil. Bakit tumatawag 'to, 'di pa ba nagsisimula ang klase nito?
"Yes baby sister?"
"Ara or Amara!" naiinis niyang sagot agad sa akin sa kabilang linya at sigurado akong nakapout siya at magkasalubong ang mga kilay kaya napangiti na lang akong iniimagine ang cute niyang mukha.
"Bakit napatawag ka baby? 'Di pa ba nag start ang class n'yo?"
"Hindi pa po." biglang naging sweet agad ang boses niya dahil sa tawag ko sa kanya. "We are still waiting for the substitute teacher kasi hindi makakapasok ang teacher namin."
"Okay, so bakit ka napatawag?"
"I miss you." at 'di ko napigilang mapangiti ng malapad sa sinabi niya.
"Kakahatid ko lang sa iyo baby sis ah." pang-aasar ko dahil ayaw kong sabihing miss ko rin siya.
"Ara! Grrr! Nakakainis ka! So what? Can't I miss you?" naiinis na naman niyang saad and emphasizing the name she wanted me to call her. "I even miss you when I am around you." malumanay na parang nahihiya niyang saad. "Oh, our teacher's here na. Bye Gab." sabay end agad niya ng call.
"I miss you too, Amara." nakangiti kong wika sa sarili.

-=-=-=-

So how's the feel of this first part?

My Baby SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon