Stay With Me

48 6 0
                                    

Lumapit agad si Ara at ang mga kaibigan niya pagkakita niyang papalapit na ang sasakyan ko at pagkahinto nito ay madali niyang binuksan ang pinto sa harapan na mas lalong nagpakunot ng noo niya at salubong ng kilay when she saw me na nasa passenger's seat at kasama ko ang mga kaibigan ko. Bumaba si Sam para sa gitna uupo si Amara at isinara na rin niya ang pinto sa side ko.
"Pasok na bata at nagmamadali kami." naiiritang wika ni Sam pero hindi kumilos si Ara. "Okay fine, if ayaw mo eh 'di aalis na kami, basta sinundo ka na namin at ayaw mong sumama.". Papasok na sana ulit si Sam nang nagmadaling magpaalam si Ara sa mga kaibigan niya na halata ang pagkadismaya at pumasok na sa sasakyan at sumunod na rin si Sam sa kanya.
"Bakit kasama mo sila?" naiinis niyang tanong sa akin and I can sense na she was trying to control herself dahil may mga kasama kami at alam ma alam kong sobrang inis na inis siya.
"Sabi ko naman diba may lakad kami but you insisted kaya sinundo ka na namin at ihahatid na sa inyo." mahinahon kong sagot sa kanya. "Tsaka gumala ka ng walang paalam kina tita at tito? Sana hindi na ito mauulit pa ha kundi isusumbong na kita. It's not good baby sis." saad ko as I was looking at her sa rear view mirror at mas lalo pa siyang nainis sa tawag ko sa kanya.
"Nagpaalam na ako kina mommy at daddy na I'm with you kaya dapat sabay tayong uuwi."
"No baby sis, that's not happening." sabat ni Zach. "Ayaw naming maging babysitter."
"And who says you're going to babysit me kuya Zach? I am no longer a baby and I can definitely take care of myself." palaban naman niyang sagot, halata sa ugali niya na hindi talaga nagpapatalo.
"Oh really baby sis?" sabat naman ni Sam na nang-iinis pa ang boses. "But it doesn't seem that way, right babe?" sabay yumakap pa ito sa akin that her cheek was against mine. I don't like where this is heading to, they are ganging up Ara and kumikirot ang puso kong nakatingin sa kanya na lumalaban at pinipigilang maiyak kaya I butt in na.
"We'll just drop you off, Ara, okay?" malambing kong wika and I was careful with how I address her kasi baka mas lalo pang magalit kung tatawagin ko pa siyang baby sis.
"Ughhh bakit ba ang kulit ninyo? Ayaw ko nga diba? At nakapagpaalam na ako.". Jeez she doesn't really know how to back down.
"Sige na, hayaan na nating sumama si baby sis since nandito na 'yan." sabi ni Cha in a calm voice para tumigil na ang alitan pero nakita kong kumindat ito kay Sam. Ugh what are these two planning? I have a bad feeling about this at ako na naman ang maiiipit nito sigurado.
"Amara please? Uwi ka na lang? Babawi na lang ako sa iyo next time. I will treat you bukas since walang pasok." pagmamakaawa ko sa kanya pero hindi siya ang sumagot sa akin.
"It's fine babe." sagot ni Sam sa akin and I know she's already starting on whatever they are plotting kasi she never calls me babe. "Let her join us if that's what she wants. Besides baka gabihin na rin tayo if ihahatid pa natin siya. Diba baby sis? Oh by the way, do you have money ba to pay for a fine dining?". Hindi na kumibo si Ara at tahimik lang nitong sinasalubong ng masama ang tingin ko sa mirror and my heart ache by the way she looks. Nagtitimpi lang talaga siya. Dapat matutuwa ako dahil nakahanap din siya ng katapat pero I just wanna hug and comfort her at ilayo sa mga mapang-asar kong kaibigan.
"It's fine, Sam. I'll pay for her."
"That's great babe! Since you'll be paying for your baby sis then you should pay for us na rin. Right guys?".
"Okay, fine. Since I am the one paying, can we change the resto?"
"Nope. Won't do." saad naman ni Zach.
"Fineee! May araw din kayo sa akin." pahamak talaga itong si Amara kahit kailan!

Pagkahinto ng sasakyan ay nagmadaling pinatay ni Zach ang sasakyan, lumabas at pinagbuksan ako ng pinto. What the! Kasabwat din itong mukong na 'to?
"Let's go babe." lahad pa niya ng kamay niya pagkasabi nito.
"Thanks, Zach!" sarkastiko ko kong saad dahil alam ko na what they are trying to do. Since hindi ko inabot ang kamay niya ay kusa niyang kinuha ang kamay ko at inilagay ito sa kamay niya at tinulungan akong bumaba sa sasakyan tapos binitbit ang bag ko at inakbayan pa ako then bumaba na rin ang tatlo. Sam and Cha linked arms with Ara like she's their hostage.
"Aw how nice it is to be in love. Right baby sis?" Narinig kong sabi ni Sam dahil nakasunod sila sa amin na nakaakbay pa rin sa akin si Zack na mahigpit naman ang pagkakahawak sa kamay ko not letting my hand go kahit anong pagpupumilit kong kumawala sa hawak niya.
"KJ mo naman babe. Sakay ka na lang para makaganti ka sa batang iyan." bulong ni Zach sa akin para hindi marinig ng mga nakasunod sa amin at hinalikan pa ako sa ulo pagkatapos niyang sabihin iyon kaya kinurot ko siya sa tagiliran na nagpatawa naman sa kanya. Alam kong fake ang tawang iyon para pagselosin si Ara kasi masakit 'yong pagkakakurot ko sa kanya.
"Okay ba babe?" tumatawa pa rin niyang tanong sa akin.

"Sila ba ni kuya Zach and Gab?" narinig kong tanong ni Ara.
"Yup. And kami naman ni ate mo Charmaine. We're on a double date kaya ayaw ka sana naming isama pero makulit ka kaya scorer ka namin. Are you okay with it baby sis?"
"I wanna go home na." saad niya sa dalawa.
"Oh? 'Di pa nga tayo nakakain baby sis eh." sagot naman ni Cha sa kanya. I guess sumobra na ang pang-aasar nila kaya gusto ng umuwi ng bata.
"I wanna go home na." medyo pasigaw na niyang wika kaya napalingon kami sa kanila sabay kumawala siya sa braso nila Cha and Sam at mabilis na tumakbo palayo sa amin while nakatayo pa rin kami in shock sa ginawa niya at awtomatiko akong tumakbong kinakabahan na sinundan siya ng walang paalam sa mga kaibigan ko. Ah ang bata talagang 'toh!

Naabutan ko siyang nag-aabang ng taxi na umiiyak.
"Hey." saad ko sa kanya ay I nudged her shoulder lightly pero hindi niya ako inimik. "Let's go home.". Tumingin siya sa akin sabay punas ng kanyang mga mata at tumango. And that's the cue na kailangan ko kaya nagmadali akong nagmessage sa mga kaibigan ko.
'Sorry, change venue, 'yong malapit lang sa bahay para makasunod agad ako. Ihahatid ko lang 'tong batang pinaiyak ninyo." at nag react lang sila ng like and heart sa chat ko.

Tahimik lang kaming nakaupo sa taxi, she was leaning on my shoulder and pinag-interlocked niya ang mga daliri namin habang pinagitnaan ang kamay ko ng mga kamay niya. I didn't dare say a word dahil hindi ko alam how to comfort her and I don't even want to deny din kung ano ang sinabi ni Sam sa kanya because I think it's for the best kaya hinayaan ko lang siyang umiyak.
"Akin ka lang please? Please break up with him." pagmamakaawa niya in between sobs na wala akong naisagot. How will I break up with someone na in the first place ay hindi naman naging kami, and of course I don't want to admit it sa kanya kaya I stayed quiet.

Pagkahinto ng sasakyan sa tapat ng bahay ay pinaghintay ko ang taxi driver dahil ihahatid ko lang sa loob si Ara.
"Sa kwarto ko na lang muna ikaw mag stay okay? I don't want your parents to see you like this." sabay alalay ko sa kanya papasok sa amin at dumiretso na kami sa kwarto ko trying to avoid my mom to see us. "Hintayin mo ako dito at babalikan ko lang ang mga kaibigan ko."
"Please stay with me." pagmamakaawa ulit niya that it breaks my heart because I am not used to seeing her begging but I needed to spend time din with my friends.
"Babalik lang din agad ako Ara and please try to understand me."
"Understand you na iiwan mo akong ganito habang makikipagdate ka lang?" sarkastiko niyang wika na umiiyak pa rin.
"I really need to go, Ara." hindi ko na sinagot ang tanong niya at nginitian ko lang siya apologetically at nagmadali ng umalis sa kwarto ko at pinagbilin siya kay mommy na bantayan at huwag paalisin ng bahay na nag-iwan naman ng katanungan sa mukha ni mommy and I am sure na tatadtarin niya ako ng tanong pagkabalik ko.

My Baby SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon