"We've ordered na for you." saad ni Charmaine pagkaupo na pagkaupo ko pa lang to join them.
"Thanks guys and sorry for the drama kanina... pinagkaisahan n'yo kasi yong bata eh."
"Sige pa, ipagtanggol mo pa." sabat naman ni Zach na naiinis. "Lakas talaga ng tama mo!". 'Di na ako sumagot at bumuntong-hininga na lang.
"Ang lalim ah?" malungkot na nakangiting wika ni Cha.
"Yeah, problema ko na naman ngayon is how to make up with her. Maraming salamat sa inyo ha?" sarkastiko kong wika sa huli.
"Why do you have to make amends with that brat ba? Kasalanan naman niya for ruining our plans ah." naiirita na namang saad ni Sam. She's always like this kapag si Ara ang pinag-uusapan. Siya talaga ang number one hater ni Amara, palibhasa parehong mga spoiled brats.
"Mahal n'ya nga kasi si baby sis." sabat ni Zach at 'di ko na dineny like what I normally do kapag inaasar niya ako dahil wala na akong energy to argue with him dahil hindi mawala sa isip ko ang umiiyak na mukha ni Amara.
"Kung mahal mo pala, what's holding you back?" seryosong tanong ni Cha. Sasagot na sana ako when our order arrived kaya laking pasasalamat ko dahil ayaw ko talaga itong pag-usapan.
"Let's dig in, guys. Gutom na ako." sinubukan kong ngumiti dahil nahawa 'ata sila sa mood ko, ang saya namin kanina before nagpasundo sa akin si Ara eh. Hay Amara!Pagkatapos kong magbayad ay nagtungo na kami sa cinema at masaya na nilang pinag-usapan ang papanoorin naming Hello, Love, Again dahil crush nilang tatlo si Kath. As for me... isa lang talaga ang crush ko kaya hindi ako makarelate sa excitement nila. Kung hindi lang nagpumilit si Zach na manood kami at libre niya ay baka hindi na ako sumama sa simula't-simula pa at natulog na lang sana ako, wala pa sana akong problema.
Habang nanonood ay wala naman sa screen ang lumilipad kong utak. Gusto kong sabunutan ang sarili ko sa inis dahil wala akong maisip na paraan on how to appease Amara's wrath mamaya pagkauwi ko. Ah sumagi na naman sa isip ko ang nagmamakaawa niyang mukha. Gusto ko ng umuwi pero alam kong kapag ginawa ko ito ay mas lalo lang silang maiinis, hindi sa akin kundi kay Amara. What should I buy? Her favorite bubble tea with fries? Chocolate? Should I take her out for a ride? Amara... Amara... my little baby sister...
Naramdaman ko na lang na inaalog ang balikat ko, and when I opened my eyes ay maliwanag na at credits na ang nasa malaking screen at ang nakangiting si Cha na gumigising sa akin. I dozed off?
"Ngayong nakapagpahinga ka na, party-party na!" masayang saad ni Zach na sumasayaw pa. Wa-what?
"Wa-what?" nabigla kong wika sa sinabi niya pero wala na akong nagawa dahil nauna ng tumayo si Sam, tiningnan ako ng masama at hinatak akong tumayo at nagpatiuna na kaming lumabas sa sinehan. Patay!"Wait, wait." awat ko kay Sam and Zach na hinahatak ako sa paglalakad ng natapat kami sa Potato Corner. "Bili lang muna ako ng fries and bubble tea na rin."
"'Di na 'yan masarap mamaya." sagot ni Zach at hinatak na naman ako.
"Wait! Chocolate na lang please?"
"Ugh!" narinig ko from Sam. "Sige na bilisan mo at baka lagyan ko pa ng lason 'yang bibilhin mo for her." 'di na ako sumagot at nagmadali ng kumuha ng chocolates, gummies and candies, pinatimbang ito at binayaran agad at bumalik na sa naghihintay kong mga kaibigan.Kinuha ni Zach ang plastic na ilalagay ko sana sa bag.
"Pahingi." sabi niya at hinablot ko ito sa kamay niya. "Ang damot naman, ang dami kaya n'yan."
"Oh ito." saad ko sabay abot ng isang pirasong candy na nasa ibabaw.
"Wow ha! Salamat po Gab." pikon niyang wika sabay subo naman sa candy. "Sana all, Amara! Tara na nga!" sabay hinatak na naman nila ako at nagtungo na kami sa sasakyan.Sinalubong ako ng malakas na tugtog ng musika at iba't-ibang kulay ng ilaw sa madilim na club. This isn't my scene really, mas gusto ko pang magkulong sa kwarto at manood ng KDrama. But my friends were actually party animals, they love the crowd, the loud music, drinks and dance. Lagi nila akong niyayaya pero bihira lang talaga nila akong mahatak... kagaya ngayon.
"Cheers!" sabay naming sigaw as we toast our bottles habang sumasabay sila ng sayaw sa pinapatugtog ng DJ at ako naman ay nakatayo lang.
"K.J!" sabi ni Zach at hinila ako papunta sa dance floor at sumunod naman sila ni Sam and Cha at nagwala na sila sa dance floor... they're not even drunk yet!Bottles after bottles at nakalimutan ko na ng tuluyan ang oras. My head was on the table na dahil umiikot na ang paningin ko pero ang mga kasama ko ay parang wala lang.
"Uwi na tayo." pagyayaya ko sa kanila.
"Mamaya na, it is still early." sabi na Sam at niyaya pa si Zach pabalik sa dance floor.
"Okay ka lang?" tanong sa akin ni Cha na hinahaplos ang likod ko. "Here, drink this." sabay abot niya sa akin ng baso na puno ng tubig at ininom ko naman agad ito at nakayukong sumandal ulit sa lamisa.
"Thanks, Cha." halos 'di ko na mabigkas ng tama ang sinabi ko.
"You're welcome, Gab. Let's just wait na lang kung kailan magsawa 'yong dalawa tapos uwi na tayo." sagot niya na hinahaplos pa rin ang likod ko, hindi na ako sumagot at ipinikit ko na lang ang aking mga mata dahil umiikot na talaga ang paligid."Gab" "Gabby" narinig kong may mga tumatawag sa akin at tumatapik sa aking balikat.
"Ye-yes?" dahan-dahan kong inangat ang aking ulo at sumandal sa upuan.
"Uuwi na tayo." saad ni Cha na tinutulungan akong tumayo and si Zach naman sa kabila ko.
"O-okay. A-anong ooras na?" walang sumagot sa akin at nagpatuloy lang kami sa paglabas ng club at si Zach na lang ang umaalalay sa akin habang nakatayo sa labas.Pinark ni Cha ang sasakyan niya sa harap namin at bumaba siya, inalalayan si Sam na makapasok sa likod ng sasakyan at pinagtulungan nila ako ni Zach na makasakay rin.
"Sa harap na siya Zach, I'll drop her last."
"Okay." sagot ni Zach kay Cha."Hey, we're here na Gab." pukaw ni Cha sa akin. "How are you feeling?" tanong niya nang tumingin ako sa kanya.
"Okay na? Thanks ha." sinubukan kong buksan ang pinto pero 'di ko ito magawa kaya pinatay na ni Cha ang sasakyan, bumaba at siya na ang nagbukas ng pinto sa side ko. She unbuckled my seatbelt at tinulungan akong bumaba sa sasakyan.
"Where's your key, Gab?" tanong niya sa akin nang nasa harap na kami ng gate na nakasupport ang kamay sa baywang ko at ang isa naman niyang kamay ay nakahawak sa braso ko na nakaakbay sa kanya.
"Bag." hirap na hirap siya sa ginagawa niyang paghahanap ng susi sa bag ko habang nakasupport pa rin sa akin nang bumukas ang gate at bumungad sa akin ang nakasimangot at galit na si Ara.
"My baby sister." sobrang tuwa kong nakita siya at kumawala ako kay Cha para yumakap sa kanya pero hinarang niya ang kamay niya sa mukha ko at inalalayan ulit ako ni Cha para hindi matumba.
"I'll take it from here." mataray na wika ni Ara na nakatinging mabuti kay Cha.
"It's okay, I'll take her to her room and you can go home na kiddo, it's late na. Thanks for opening the gate."
"That's why I can't go home na dahil sa sobrang tagal n'yong umuwi! Please ate Cha, umuwi ka na, late na po diba?" sabay lagay niya sa isa kong braso sa shoulder niya at hinawakan n'ya rin ako sa baywang.
"And who says I will be going home? I'm sleeping her tonight kaya umuwi ka na since ayan lang 'yong bahay ninyo."
"Cha, please stop na, lalong sumasakit ang ulo ko. Please take me to my room." pagmamakawa ko.
"Okay, Gab. Bitaw na bata." wala na akong narinig after noon pero hindi bumitaw si Ara at silang dalawa ang naghiga sa akin sa aking kama.
"Sorry baby sis. Please forgive ate na and please get my peace offering sa bag ko. Sorryyy.""Ako na Ara. Ako na nga!" narinig kong sabi ni Cha na mahina at nagpipigil ang boses para hindi siguro ako magising. "This is my idea so let me do it to her and just eat your candy or whatever." halata sa boses ni Cha ang pagtitimpi at pagkairita, taliwas sa kalmado niyang persona. Wala akong narinig na sagot ni Ara at maya-maya pa ay nakaramdam ako ng basang bimpo na pinunas sa aking kamay at braso.
"Get up, Gab!" narinig ko ang boses ni Ara.
"The hell, Amara! What are you doing? Let her sleep!" goodness these two! Kanina pa silang dalawa nagbabangayan. Nakapikit pa rin ako pero hinihilot ko ang masakit kong ulo. "See what you've done, kiddo? You woke her up!" inis na wika ni Cha.
"Get up, Gabby."
"Ugh" I let out a frustration and slowly opened my eyes at nakita kong hinahawakan ni Cha ang kamay ni Ara. "What's going on?" pagtataka ko.
"Gusto ka niyang gisingin." paliwanag ni Cha sabay bitaw sa kamay ni Ara na siya namang baba sa higaan at tumayo sa gilid ng kama.
"Move here, Gab, and sleep beside me." tinuro niya ang gilid ng kama habang ang mga matang nakatitig sa akin weren't pleading but were commanding. I sighed, tumingin kay Cha and smiled apologetically sa kanya at lumipat sa gilid ng kama. I can see the smug and smirk on Ara's face as she was looking down on Cha. This kid!
"Thanks for taking care of me, Cha. Goodnight and goodnight din baby sis.". Tumagilid na ako at ipinikit ang mata para makatulog na ulit para hindi ko maramdaman ang sakit ng ulo at naramdaman ko ang paghiga ni Amara sa tabi ko.

BINABASA MO ANG
My Baby Sister
Любовные романыI fell in love at first sight. When I was six, when I still didn't even know what love is. But the moment I saw her cute red face, and her tiny little hand that grabbed my finger, ay hindi ko alam ang nararamdaman ko... sigurado lang ako na ayaw ko...