"Gab, magbreakfast ka na rin, sabay ka na sa amin." gising ni mommy sa akin.
"Ten more minutes mom please?" pagmamakaawa ko kasi antok na antok pa talaga ako at buti na lang hindi na ako pinilit ni mommy.
"Gabby!" ughhh! Gising ni Ara sa akin na hinihila na ang kamay ko para tumayo ako. Galit na galit akong bumangon, hindi ko siya kinibo at tinapunan ko siya ng masamang tingin at dumiretso na sa dining kasi 'pag hindi ako bumangon ay hindi rin naman niya ako tatantanan. What Ara wants, Ara gets! Annoying! Grrrr!Kumakain na sila mommy at daddy pag-upo ko.
"Ten minutes pala ha?" gatong pa ni daddy na mas lalong nagpainis pa sa akin as he took a mouthful of bacon na nakangiti pa. Hindi ako sumagot pero tinapunan ko rin siya ng masamang tingin at bago pa makahirit si mommy ay inunahan ko na siyang tiningnan ng masama.
"Oh bakit damay ako d'yan? Lalagyan ko lang ng sinangag ang plato mo."
"Thanks, mom." pagkatapos niyang lagyan ang plato ko ay nilagyan n'ya rin ang plato ng batang asungot.
"Thanks mom." gaya-gaya! "Daddy can you please send me the pictures you've taken earlier?" pakiusap niya na nakangiti namang sinagot ni daddy na may pakindat-kindat pa.
"Sure baby. You will love them!"
"Yay! Thanks dad!" excited na wika ni Ara na nakangiti pa ng malapad. Sarap talagang pag-untugin ng dalawang 'to eh! Parang sila 'yong mag-ama eh! Nagkakasundo talaga silang dalawa. They have the same vibes and mannerism kaya minsan napapatanong na lang ako sa sarili ko kung hindi ba niya anak si Ara.
"Good morning!" sabay na bati ni tita at tito sa aming lahat na kumakain pagkapasok na pagkapasok sa bahay.
"Good morning." halos sabay naman naming bati sa kanila.
"Tamang-tama, sumabay na kayo sa aming kumain." saad ni mommy sa mga best friends niya.
"Huwag na, tapos na kami. Dinaanan lang namin dito si Ara para ihatid sa school." sagot naman ng daddy ni Ara kay mommy. Yes! Makakatulog ulit ako after breakfast! Kung anong saya ko sa narinig ko ay siya namang pagdilim ng mukha ni Ara pagkarinig sa sinabi ng daddy niya.
"No need dad, ate Gab promised na ihatid ako sa school." aughh gusto kong iuntog ang ulo ko sa lamisa.
"Is that right, Gabby?" nakangiti pa nitong wika knowing na wala na kaming magagawa kaya tumango na lang ako. Amaraaaaa! "Okay then, ikaw na ang bahala sa prinsesa namin. Ralph, Amanda, mauna na kami at magpapahinga na muna. Salamat sa pagtingin dito sa makulit na batang 'to." sabay gulo nito sa buhok ng anak niya pagkatapos ay hinalikan ito.
"Bes, Ralph, mauna na kami and thank you. Behave ka Ara ha lalo na kay ate Gabby mo, baka maturn-off yan sa ugali mo, 'di ka tanggapin."
"Mom!" namumula nitong wika at nagtawanan lang ang mga matatanda. Hay! Normal pa ba ito? Mga magulang pa talaga namin ang pinagduduldulan kaming dalawa sa isa't-isa. Maawa!!! Minor pa po ang anak ninyo tito at tita!
"Sige ingat kayo." sabay sabi ni mommy at daddy at umalis na sila tita Leah at tito Vince.
"Bilisan mo na d'yan Ara para pagkahatid ko sa iyo ay makakatulog pa ako. Bakit ba kasi hindi ka na lang nagpahatid sa daddy mo eh 'di sana makakatulog ulit agad ako." naiinis kong wika na agad naman akong sinaway ni daddy dahil nasa harap kami ng pagkain.
"Bakit, sino ba ang nagsuggest na ihatid ako? Diba ikaw?" hindi talaga ako mananalo sa batang ito.
"Oo na, sige na, kaya bilisan mo na ng maihatid na kita. Mom, dad tapos na po ako." tumayo na ako at lumabas na at nagtungo sa kotse para sumunod agad si Ara sa akin."Ang tagal mo naman!" naiinis ko agad na sabi pagkapasok niya sa sasakyan.
"At dahil d'yan, ihahatid mo ako sa mga kaibigan ko hanggang gate." magkasulubong na kilay niyang wika.
"What the! Are you out of your mind? Nakapantulog lang ako!"
"Hmmm parang nangyari na 'to kahapon Gab ah?" grrrr AMARA!
"Nasa labas lang..." 'di ko na tinuloy ang sasabihin ko dahil wala na ring saysay as she puts her earpods at kumakanta na at nagpakabusy sa phone niya kaya pinaandar ko na ang sasakyan at umalis na.Pagkarating sa paaralan niya ay hindi ako kumilos at naghihintay din siya na may gagawin ako.
"Gosh, Gab! Aren't you gonna open the door for me?" maarte niyang wika. And I bang my head ng mahina sa steering wheel para makita niya ang frustration ko. "So are you done? Can you open the door now?" ahhhhhhhhh Amara!!!!!!
I tied my hair into a ponytail para kahit papaano ay magmukha akong tao pagkatapos ay naiinis na bumaba sa sasakyan at padabog na sinira ang pinto sa driver's side at pinagbuksan ko naman siya ng pinto. Pagkababa niya ay inangkla niya ang kamay niya sa braso ko at dinala ako sa mga kaibigan niya na naghihintay sa kanya sa gate. Ughhh ano na naman kaya ang tumatakbo sa utak ng batang ito? I was just wearing a pair of shorts and short-sleeved pajamas at naka slides slippers lang ako.
"Girls, this is Gabby." proud na proud niyang pakilala sa akin sa mga kaibigan niya na may malapad pa na ngiti. "And Gab, they are my girl best friends, Tiffany, Chelsea and Maureen" isa-isang pagpapakilala ni Ara sa kanila and they were all pretty pero syempre walang tatalo sa ganda ng baby sis ko.
"Hi." sabi kong nakangiti sabay wave sa kanila and they looked at me from head to toe and I think they like what they saw naman kasi parang 'di mapakali na nag hi at wave din sa akin at may nag-abot pa talaga ng kamay sa akin para makipagshake hands pero mabilis na pinigilan ito ni Ara.
"Diba ang usapan hanggang tingin lang, Mau?" inirapan pa niya ito at nag peace sign lang ang kaibigan niya na nakangiti.
"Happy ka na? Alis na ako baby sis." saad ko na dahilan kung bakit nakatanggap ako ng kurot sa tagiliran pero tiniis ko ang sakit para hindi halata sa mga kaibigan niya.
"Bye, Gab. Drive safely." sabay halik niya sa pisngi ko at napatili naman sa kilig ang mga kaibigan niya... at ako, pero syempre hindi ko ipinahalata. Pailing-iling kong iniwan sila na hinahaplos ang kinurot ni Ara na nagtungo sa kotse."Ohoy! Ang aga naman ng person?" narinig ko ang nakakairitang boses ni Zach while I was leaning my head sa arms ko na nasa table trying to get some sleep.
"Shhhh boses mo Zach nasa library tayo!" mahina kong saway sa kanya. Nasa tambayan kami namin sa library dahil minessage ko sila sa group chat na sa library ako maghihintay sa kanila dahil matutulog ako. 'Di na ako natulog sa bahay dahil alanganin na ang oras kaya pagkauwi ko ay nagprepare na lang ako para pumasok at iidlip na lang sa library pero ang isang asungot kong kaibigan ay inagahan din 'ata ang pagpunta sa school para asarin ako. "And please, let me sleep dahil antok na antok ako."
"Because of Ara." saad niya as he gently caress my hair at tumahimik na at 'di na nangulit. Thank goodness!Nagising akong may humahaplos sa mukha ko.
"Time for class." malambing na wika ni Cha na nakangiting nakatingin sa akin. "Puyat ha?" tumango lang ako and rubbed my sleepy eyes.
"Here." saad naman ni Zack na may ipinatong na malamig sa ulo ko. "Coffee para magising ka." awww minsan din talaga nag-aasal tao din 'tong asungot na 'to eh. But sobrang thankful ako to have them as my friends for how many years na rin kahit lagi pa nila akong inaasar lalo na si Zach.
"Tara na or we'll be late." saad naman ni Sam na tinulungan akong tumayo.
"Thanks guys." ginulo lang nila ang buhok ko at ngumiti lang sila sa akin at nagtungo na kami sa classroom.'Come pick me up at BGC' an SMS I received from Ara a few minutes back that I just read dahil kakatapos lang ng last class namin.
'Sorry but I can't. Had plans with my friends'
'An excuse?' 'Hurry up already!' 'Don't make me wait for too long' sunod-sunod niyang reply sa akin. What the? Driver ba niya ako? May magulang naman siyang pwedeng sumundo sa kanya o mag grab na lang siya.
'I am not making an excuse and ask your parents to pick you up or I'll book you a taxi. Send me your location.'
"Oh bakit magkasalubong na naman 'yang kilay mo?" tanong ni Sam sa akin.
"Nagpapasundo si Ara eh. Sinabi ko na ngang may lakad tayo."
"Ah si baby sis." sabat naman ni Zach na tumatango-tango pa. "Bakit 'di na lang natin sunduin, ihatid sa kanila tapos tuloy tayo sa plano natin?"
"Ugh hassle na 'yon." wika ni Cha. "Uy hindi ka pwedeng mag raincheck ulit ha wala ka na last time dahil sa batang yan." naiirita niyang wika.'Not gonna. My parents don't know where I am and I will just gonna wait for you.' napabuntong-hininga na lang ako.
"Sorry guys. Susunod na lang ako sa inyo okay?"
"Nope. Not gonna happen. Let's go pick up this brat!" saad naman ni Sam na isa ding spoiled brat sa pamilya nila. I guess that settles everything. Nagtungo na kami sa sasakyan ko pero si Zach ang magmamaniho.'Okay. Send me your location.'

BINABASA MO ANG
My Baby Sister
RomansaI fell in love at first sight. When I was six, when I still didn't even know what love is. But the moment I saw her cute red face, and her tiny little hand that grabbed my finger, ay hindi ko alam ang nararamdaman ko... sigurado lang ako na ayaw ko...