Pagkalabas ko sa banyo ay nagulat ako na nakaupo sa chair si Ara sa study table ko na abala sa phone niya.
"What are you still doing here? Wala ka bang balak umuwi?"
"I will be sleeping here." she said matter of factly. What?
"At bakit dito ka matutulog? May pasok ka pa bukas ah."
"Didn't mom and dad tell you? Out of town sila ni mommy at daddy and no one's home right now."
"Hmmm, I see. So shoo." sabay pinatayo ko siya, hinawakan ang magkabilang balikat at tinutulak siya palabas sa kwarto ko. "Doon ka sa guest room matulog." huminto siya sabay harap sa akin at tiningnan ako ng masama.
"Nagpaalam na ako kina mommy at daddy na dito ako matutulog. So if you don't want to sleep with me, ikaw ang matulog sa guest room."
"Are you insane, Amara? You're asking me to sleep in the guest room? This is my effing room! Just go home already and sleep in your own room."
"I just gave you options, Gab. Either you'll sleep here with me dahil nagpaalam na ako at pumayag sila or you can sleep in the guest room." sabay kuha niya ng towel na hawak ko at nagtungo na sa banyo.I was fuming! Ang kapal ng mukha to ask me to sleep sa guest room eh kwarto ko 'to. Tingnan lang natin kung sino ang matutulog mamaya sa guest room!
Bumaba ako para uminom ng tubig dahil inis na inis talaga ako sa kapal ng mukha ni Amara.
"Mom, dad bakit naman pumayag kayong sa room ko matutulog si Amara?"
"'Di ko pa po nalinis ang guest room. Kung gusto mo linisin mo ngayon para doon siya matulog." sagot ni mommy.
"At ano naman ang problema kung sa kwarto mo siya matutulog? Dati naman ikaw pa ang nagmamakaawa sa magulang niya na tabi kayong matulog gabi-gabi and even on your nap time." sabat ni daddy. Dati 'yon dad! Kung alam n'yo lang sana ang nangyari kanina at ang mga tumatakbo sa isip ko. Hay.
"Dati po 'yon dad, dati na cute pa siya."
"Cute pa rin naman siya." sabay nilang sagot.
"Oo na po, cute pa rin siya at sa kwarto ko na siya matutulog dahil ayaw kong maglinis ng ganitong oras." sabi ko na lang dahil wala na naman akong magagawa. Binitbit ko na ang baso na pinuno ko ulit ng tubig dahil baka kailanganin ko na namang uminom ng tubig dahil kay Ara. "Goodnight mom, dad." at umakyat na ako.
"Goodnight, love." sabay nilang wika.Jeez! Parang nawalan na ako ng gana to do my research dahil kay Ara. Kung hindi lang hinihingi ang methodology bukas ng research paper namin ay hindi ko na ito gagawin at matutulog na lang ako. I was blankly staring at my laptop, bugnot na bugnot ako kaya hindi ko alam saan magsisimula.
"Gab." malambing na tawag sa akin ni Ara at hindi ko napaghandaan ang nakita ko sa paglingon ko sa kanya. Nakatapis lang siya ng tuwalya ko. O tukso, please layuan mo ako! My throat suddenly felt dry at hindi ito nadala sa paglunok ng laway kaya napainom pa ako ng tubig.
"Ye-yes?" nautal ko pang sabi sa isang word na nga lang dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.
"Can I borrow a loose t-shirt?" wika niya habang dahan-dahang lumalapit sa akin kaya nagmadali akong tumayo at nagtungo sa cabinet to get her a shirt... and a shorts kahit hindi niya sinabi. Mas okay na yon, protection for my mind not to get wild lalo na that she'll be sleeping beside me.
"Here." at inabot ko sa kanya ang mga damit at sinubukan ko talagang magfocus ng mabuti sa research paper ko para hindi kung saan-saan magpunta ang isip ko. I was typing na when she disrupted me.
"Can you get me a glass of milk, Gab?" alipin na lang ba talaga ako sa tingin nitong bata na 'to? Wala mang ka-please-please mag-utos?
"Can't you see I'm busy, Ara. And I am already sleepy so I need to finish this na para makatulog so please get it yourself."
"With this?" sabay tingin ko sa kanya and the t-shirt only covers hanggang sa hita at napalunok na naman ako. Is she tempting me? Or trying to kill me?
"Binigyan kita ng shorts diba? Wear it and go downstairs, get your milk at sigurado akong nandoon pa sila ni mommy at daddy nanonood ng T.V."
"Ayaw ko!" at nagsimula na siyang magpacute by pouting her lips.
"Not my problem." at nagpatuloy na ako sa pagtatype. I hope she'd stop na kasi kaunti na lang ay bibigay na naman ako.
"Gabby!"
"Yes, baby sis?" "Ouch!" bigla na naman akong hinampas, ang bigat pa naman ng kamay! "Bakit na naman?" naiirita kong wika habang hinahaplos ang hinampas niya.
"You just called me baby sis, you know how much I hate when you call me that."
"And you know how much I hate it when you don't respect me by not calling me ate. For Pete's sake, Ara, I am older than you. Show some respect!"
"Don't wanna! I respect you but I don't want to call you ate, Gab."
"And why's that?" hindi siya sumagot at tumalikod lang siya dahil namumula siya.
"Whatever! Please get me some milk, Gabby, please?"
"Maggagatas ka pa eh hindi ka naman na tumatangkad? Kaya huwag ka ng uminom or kumuha ka doon sa baba." hindi siya sumagot but when she faced me again ay nagsusulk na siya... Game Over. Lumapit pa siya sa akin and held my hand.
"Gab, please? Please get me a glass of milk, please?" Awwww. Napanguso na lang din ako at gusto na rin umiyak dahil ayaw ko talaga but how can I refuse her when she's this cute at nagmamakaawa pa? Hay. She really knows how to win me over. Amara.Tumayo na ako at padabog maglakad pababa.
"Done with your research?" tanong ni daddy pagkakita niya sa akin. Rinig na rinig nila siguro ang footsteps ko.
"Hindi! May bata kasing asungot!"
"What did that cute little one do this time?" my dad sounded amused.
"Nagpakuha po ng gatas!"
"And you're just so whipped that you can't say no." natatawang sabi naman ni mommy sa akin.
"Mom!"
"Sige na, huwag mo ng paghintayin ng matagal ang asawa mo." pang-aasar pa ni daddy sa akin.
"Dad!" namumula ko ng wika dahil sa mga pang-aasar nila kaya nagmadali na akong nagtungo sa kusina at kumuha ng gatas.
"Mom, malamig ba o mainit na gatas ang iniinom ni Ara?"
"Warm. Wait, do you even know how to do it?"
"Nope, but can you please show it to me, mom?"
"Aba, ang galing ng anak mo mom ah, gustong matuto. Himala! Pag-ibig nga naman!"
"Dad, please tigilan mo na po ako sa pag-ibig - pag-ibig at love - love na yan. Ang tagal ko ng nakamove on, kayo ni mommy hindi pa." sagot ko kay daddy habang pinagmamasdan naman si mommy sa ginagawa niyang pag-init sa gatas sa microwave.
"Nakamove on na nga ba? Iba kasi ang nakikita namin." ayaw talaga mag patalo dad?
"Jeez, pwede bang kalimutan na po natin iyon? Bata pa po ako n'on, ano ba ang alam ko that time sa pag-ibig at kasal?" 'di na sila pareho sumagot pero nakakaloko naman ang tawa nilang dalawa. Ughhh!"Gab?" narinig naming tawag ni Ara sa kwarto ko.
"Ayan na, tawag ka na ng asawa mo. Miss ka na 'ata." ang laking bully talaga ni daddy, bakit parang sa kanya nagmana si Ara? Sarap pag-untugin nilang dalawa! Hmp!
"Ito na." inabot ni mommy ang baso na may gatas na nakapatong na sa saucer. "Dahan-dahan at mainit."
"Thanks mom and goodnight again." at umakyat na ako.
"Goodnight, love."
"How about me? Where's my goodnight?" nagtatampo kunwaring sabi ni daddy. Hay!
"Night dad!" narinig ko na lang ang mahinang tawa ni daddy at sinaway naman siya ni mommy sa pang-aasar sa akin."Here's your milk, princess." nag bow pa talaga ako.
"Thanks, Gab." inabot niya ito sabay ngiti ng matamis na parang lalanggamin ako sa sobrang tamis. Ahhh I got my reward! Yes!
"You're welcome, baby sis." nakangiti ko ring saad but as I said it ay hinanda ko na ang sarili ko for another hit from her pero wala akong natanggap. And wala ring rebut? Awww masaya lang siguro siya to let it slide as she was enjoying her milk. Sana ganito palagi. Hinayaan ko na siya at bumalik na ako sa study table ko para matapos na ang ginagawa ko. Sana hindi na niya ako aabalahin.
BINABASA MO ANG
My Baby Sister
RomanceI fell in love at first sight. When I was six, when I still didn't even know what love is. But the moment I saw her cute red face, and her tiny little hand that grabbed my finger, ay hindi ko alam ang nararamdaman ko... sigurado lang ako na ayaw ko...