Make A Sandwich For Me

49 6 0
                                    

"Mommy! Daddy!" naririnig kong sigaw ni Ara pagkapasok na pagkapasok n'ya pa lang sa bahay.
"Wala sila dito. Kung makasigaw ka parang bahay mo ah." pasigaw ko ring sagot sa kanya.
"Pakialam mo! Eh nandyan lang ang sasakyan nila ah. Mommy! Dadday!" sigaw na naman niya ulit.
"Wala nga sila dito! Ang kulit mo. Bakit mo ba kasi sila hinahanap?"
"I'm hungry." matipid niyang sagot.
"Wala ba kayong pagkain sa inyo at dito ka naghahanap ng makakain? Kinain mo na nga almusal ko kanina eh." mahina kong reklamo sa kanya sa huling sentence hoping hindi niya marinig.
"Meron naman but I want mommy to make me a sandwich."
"Wala ka bang perang baon, Ara? Bumili ka na lang sana. Mang-aabala ka pa."
"Bakit ikaw ang nagrereklamo ha? Eh kapag nagpapagawa ako kay mommy 'di naman siya nagrereklamo. At may pera ako! Paki mo kung gusto ko ang sandwich ni mommy! Mommy!" hanap na naman niya kay mommy.
"Ang kulit! Wala nga sila dito! Sinundo sila ng kaibigan nila at may pupuntahan daw." awww bigla siyang nalungkot sa sinabi ko, narealize niya na siguro na nagsasabi ako ng totoo kasi hindi pa rin sumasagot si mommy sa pagtawag niya. "Kaya umuwi ka na at magpagawa ka sa mommy mo or sa katulong n'yo okay?" sabay tulak ko sa kanya palabas ng bahay kasi aalis na rin ako.

Humarap siya sa akin na nagniningning ang kanyang mga mata at napalunok na lang ako ng laway dahil alam kong may hindi siya magandang binabalak at hindi na naman ako makakatanggi. She linked her arms sa akin, isinandal ang ulo niya sa braso ko at hinimas-hinas pa ang arm ko habang dinadala ako papunta sa kusina.
"What now baby sis?" sabay kurot niya sa tagiliran ko. "Ouch!"
"Hindi ka pa rin ba nadadala Gab? Ara nga kasi or Amara at hindi sis, sister at baby sis o baby sister! Baby pa pwede." pagalit niyang wika pero sweet niyang binigkas ang huling mga kataga na nakangiti pa. "Since wala si mommy," pinaharap niya ako sa kanya "please make a sandwich for me, please? Pretty please?" she was batting her eyes pa at nagpapacute na nakanguso... sabi ko na nga ba eh, how can I refuse this kid when she's this cute?
"But I don't even make my own sandwich, Ara. Just go home already and ask nanay Lita, okay?"
"Pleaseee?" patuloy pa rin siya sa pagpapacute at hinawakan na ang mga kamay ko. I just sighed in defeat, 'di alam ang nararamdaman. I'm like a putty in her hand that I just can't say no to her, kahit feeling ko she's taking advantage na of me kaya naiinis ako but whenever I cave in and see her smile afterwards ay hindi ko ito ipagpapalit sa kahit ano pa man. Her smiles were all worth sa kung ano pa mang paghihirap ang gagawin o dadanasin ko.
"So tell me, what should I put on your sandwich?" sinabi naman niya agad kaya prenipare ko ang mga kakailanganin and she was helping me rin.
"We're like married couple." wika niya while she was back hugging me, her face was against my back at nabigla ako sa sinabi niya kaya dumiretso ang matalim na kutsilyo sa daliri ko when I was peeling the cucumber making a cut on my finger. Napakagat na lang ako sa aking labi sa sakit at sinipsip ko agad ito at buti na lang maliit lang ang hiwa.
"Please get the first aid kit, Ara."
"Huh? Bakit?" pagtataka niya, oblivious sa nangyari sa akin dahil sa sinabi niya kasi nakayakap pa rin siya sa akin.
"I cut my finger."
"Ha, really?" I can sense the worry in her voice at nagmadali na siyang umalis without even waiting for my response. Pagbalik niya ay dala na niya ang kit and I can see the worried look on her face. "Bakit ano bang nangyari? Hindi kasi nag-iingat eh!" napagalitan pa tuloy ako! She put the kit on the counter, wash my bloody finger with soap sa running water at pinatuyo niya ito, she was blowing it, nilagyan ng betadine at pagkatapos ay tinakpan ang sugat ng bandaid. While she was busy tending my wound, ako naman ay busy na kontrolin ang dumadagundong kong puso as she was blowing my finger to dry and to ease the pain. I've never seen her this way before... sobrang seryuso. "Masakit ba?" tumango lang ako at nakatikim pa ako ng mahinang batok! "Hindi kasi nag-iingat!" sabay halik niya sa may bandaid. "D'yan ka na nga lang! Huwag mo ng gawin 'yan, uuwi na ako at magpapagawa na lang kay nanay ng sandwich natin!"
"Hindi na, papasok na ako sa school. Tara na at ilalock ko na itong bahay at gate."
"Ah buti naman at wala pala si nanay. Wait, aren't you gonna clean up your mess?"
"Wala na akong oras Amara!" naiinis na naman ako, ang daming tanong eh!
"Ako na lang ang magsasara dito at ng gate. Mauna ka na at lilinisin ko pa 'tong kalat mo."
"Bahala ka!" at iniwan ko na siya at nagmadaling umalis. Bakit ba ako naiinis? Saan ba ako nainis? Dahil ba hindi ko siya nagawa ng sandwich, dahil marami siyang tanong o dahil late na ako? Kuhang-kuha niya talaga ang inis ko eh! Grrrr.

"Uy, magkasalubong na naman ang kilay mo, Gabrielle? Si baby sis na naman ba?" tanong ni Zach sa akin na nang-aasar na tumatawa.
"May iba pa bang dahilan?" dugtong naman ni Samantha na tumatawa rin na lalong nagpadagdag ng inis ko.
"Ano na naman ang ginawa sa iyo?" sabat naman ni Charmaine na kakarating lang din.
"Ayon, pinagawa lang naman ako ng sandwich." sagot ko sabay pinakita pa ang may bandaid na daliri at napangiti na lang ako ng maalala ang ginawang paggamot ni Ara dito.
"Malala ka na! Baliw!" sabi ni Zack sabay batok pa sa akin. "Dalhin n'yo na nga itong kaibigan n'yo sa mental." dagdag pa niya at nagtawanan naman sila.
"So bakit ka naiinis?" seryosong tanong ni Cha sa akin. Siya lang naman talaga ang nakakausap ng matino sa amin.
"Nasugat ako, 'di na niya pinatapos 'yong sandwich."
"Ah, so naiinis ka kasi nasayang ang effort mo for your beloved baby sister!" pang-aasar na naman ni Zach. Ito ba ang totoong dahilan kung bakit ako naiinis? "Sayang ba hindi mo naibigay ang gusto niya? Nakakain na sana siya ng sandwich ni Chef Gab." humalakhak pa ito ng malakas pagkasabi niya nito sa akin. Pero totoo rin naman, I was really looking forward to make her a sandwich kahit napipilitan ako at makita ang masaya niyang mukha kapag kinain niya ito.
"Tama na nga 'yang pang-aasar mo Zach. Iniinis mo pa lalo eh." saway ni Cha kay Zack.
"Oh, natapos n'yo ba ang assignent natin?" pag-iiba ng usapan ni Sam. Thank goodness! Tinapunan ko muna ng masamang-tingin si Zack bago sumagot at nginitian lang ako nito na mapang-asar pa rin.

Wala kaming pasok sa last subject at nagmadali na akong umuwi na nauwi na naman sa pang-aasar nila sa akin. Nagkayayaan kasi na tumambay muna sa mall pero tumanggi ako dahil gusto ko lang umuwi at magpahinga. Pero iba ang nasa isip nila, kesyo miss ko na daw baby sis ko, na mas mahalaga pa siya kaysa sa kanila pero hindi ko na pinansin at muwi na talaga ako. Nasasagad talaga ni Amara lahat ng positive vibes ko, nadi-drain n'ya talaga ang energy ko. Ginising ako ng maaga, pinagawa ng sandwich tapos 'di naman pala ipapatuloy gawin. Hay!

My Baby SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon