Chapter 48: Make It Right

8.5K 224 40
                                    

STACEY'S POV

Ang hirap ng sitwasyon ko ngayon, hindi ko matitigan ng matagal si Ate Aiah knowing na until now she's suffering, silently grieving for someone she thought was already gone, pero alam ko naman na buhay pa si Mikha.

I want to tell her the truth, badly.

But I also don't want Jhoanna to feel betrayed.

Hindi naman ako pinagbawalan ni Jhoanna na sabihin sa kanila na buhay si Mikha, pero understanding what Jhoanna feels is stopping me.

Iniisip ko na pag sa akin manggagaling, baka masamain nila ang intentions ni Jhoanna, and yet, another reason for her to feel alone.

After Jhoanna broke down in my arms, she started pushing me away again, pero hindi ako nagpapatinag at hindi ko siya tinigilan sa pangungulit.

At first, nagmamatigas siya, pero nitong mga nakaraang araw, hindi na niya ako tinataboy.

Hindi rin nakatiis sa ganda ko.

We're back to our old routine, madalas na naman kaming nagbabatuhan ng asaran, pero hindi na kasinglala ng dati.

Slowly, Jhoanna is starting to open up to me.

She told me everything that happened these past four years.

Akala niya noong una magagalit pa ako, pero I understand her reasons.

She's grieving for Mikha—the old Mikha.

Dahil based on her story, ibang-iba na si Mikha ngayon.

Gusto ko sana siyang barahin at sabihin na parang sila pa ang nagkapalit ng ugali ni Mikha, pero baka awayin ako hehehe.

I'm glad na she's doing okay, pero nagiguilty ako kapag kaharap ko si Ate Aiah.

Wala pa rin siyang alam. Jhoanna said she thought na si Gwen or Ate Colet ang magsasabi, pero hanggang ngayon wala pa rin.

But I managed to understand them somehow, maybe they want Jhoanna to be the one to tell her.

But how? kung si Ate Aiah pa ang sinisisi niya sa nangyari.

Kaya I'm trying my best to talk to her.

Tinatanong ko rin kung nasaan si Mikha, pero hindi niya sinasabi.

She's probably in the US.

"Ate Aiah, okay ka lang ba?"

Nabalik ako sa realidad nang marinig ko ang boses ni Sheena.

Me and my girlies were having lunch in the cafeteria, at itong dalawa kong kasama—lalo na si Sheena—walang ibang lumalabas sa bibig kundi si Gwen.

While si Ate Maloi naman, keeps blubbering na baka crush na naman niya si Ate Colet.

Puro kaharutan ang alam nilang dalawa.

Hindi gaya ko, concern lang kay Jhoanna.

Concern na may kasamang pasimpleng harot, hehehe.

Anyway, nabalik ang atensyon ko kay Ate Aiah.

She looks sad, as always.

Yes, she smiles, pero halatang pilit lang.

She's been like this since the incident, and we all know why.

She misses Mikha, and I know for a fact na walang ibang iniisip madalas si Ate Aiah kundi si Mikha.

Bilib din ako kay Ate Aiah kung paano niya nakakayanan lahat 'to.

Kasi kung ako nasa posisyon niya, baka nabaliw na ako.

Falling For Mikhaela Janna Jeminea Lim Where stories live. Discover now