Nasa school garden si Keann at kaharap ngayon ang dalawa niyang kaibigan na sina Indigo at Helga. Diretso ang tingin niya sa mga ito habang nakaupo sila sa mga upuan na gawa sa bato.
Napapakagat-labi naman sina Helga at Indigo tapos iiwas nang tingin kay Keann para tingnan ang isa't-isa pagkatapos ay ibabalik din ang tingin sa kaibigan.
"Mga bwisit kayo. Nagawa niyo talaga akong indyanin sa lakad natin nu'ng isang araw," naiinis na singhal ni Keann sa dalawa niyang kaibigan.
"Pasensya naman Keann. May nangyari lang kasi talaga kaya hindi ako pumwede nu'ng araw na iyon," paghingi ng sorry ni Indigo kay Keann habang sinsero niya itong tinitingnan sa mga mata.
"At ano namang nangyari, huh?" tanong ni Keann habang tinititigan ang mga mata ni Indigo.
Napabuntong-hininga si Indigo at mataman niyang tiningnan pa si Keann. "Ang totoo kasi niyan... ah, paano ko ba sasabihin?" tanong niya. Kumamot pa sa likod ng ulo ang binata. "Ang totoo kasi..." sabi pa niya.
Kumunot naman ang noo ni Keann habang diretsong nakatingin kay Indigo. "Ano'ng totoo?" tanong niya pa.
Bahagyang tumayo si Indigo saka nilapit ang mukha kay Keann. "Nagtatae kasi ako nun," bulong ni Indigo kay Keann. Halata rin sa kanya na nahihiya siyang sabihin sa kaibigan ang dinanas niya.
Napapikit ng mga mata si Keann sa kanyang narinig.
"Kaya pasensya na. Sa susunod sasamahan na kita, okay," sabi ni Indigo na lumayo na kay Keaan saka bumalik na sa pagkakaupo.
Muling dumilat ang mga mata ni Keann. Napailing-iling na lamang siya at napabuntong-hininga. "Ano pa nga bang magagawa ko?" tanong niya. "Wala naman akong laban diyan sa tiyan mong nagloloko," sarcastic niya pang sabi.
Napangiti naman si Indigo. "So, okay na tayo?" tanong niya.
Umiwas lang nang tingin si Keann at binaling ang mga mata niya kay Helga. "At ikaw! Talagang sinabi mo sa aking dahilan ay tinamad ka. Kainis!" singhal niya sa babaeng kaibigan.
Napanguso naman si Helga.
"Huwag ka ngang ngumuso at nagmumukha kang bibe," nandidiring wika ni Keann at umakto pa ang mukha niya na nandidiri.
"Grabe siya oh!" ani Helga. "Pasensya na din Keann kung hindi kita nasamahan. Tinamad lang kasi talaga ako dahil sa panahon. Alam mo naman ako, 'di ba? Tamad ako kapag malamig ang panahon," dugtong pa niya.
Lumukot ang mukha ni Keann. "Hindi ka na nga kagandahan, tamad ka pa," pang-asar na sabi niya kay Helga saka ito ningisihan.
"Grabe ka talaga sa akin, Keann," may pagkainis na sabi ni Helga saka tiningnan nang masama si Keann.
Maganda naman si Helga pero ito kasi 'yung tipo ng babae na walang pakiealam sa itsura. Hindi siya palaayos at para ding lalaki kung kumilos. Minsan nga ay napagkakamalan itong tomboy pero ayon kay Helga ay hindi naman at ganito lang talaga siya kumilos. Kumbaga, boyish lang siya.
Inayos naman ni Indigo ang pagkakasuot sa salamin niya sa mata. Bumagay sa kanya ang salamin na may kalakihan ang lente dahil na rin sa pahaba niyang mukha. May itsura naman si Indigo pero kung pagkukumparahin ang kagwapuhan nila ni Keann, mas lamang ang huli. Payat din ito pero matangkad sa taas na 5'8.
"Patawarin mo na kami Keann," pagsusumamo ni Indigo. "Hayaan mo next time at buong araw ka naming sasamahan at kahit anong gusto mong ipagawa ay gagawin namin," sabi pa niya.
Tumaas ang mga kilay ni Keann. "Talaga? Gagawin niyo lahat?" tanong niya na salitan pang tiningnan ang dalawa.
Nagkatinginan sila Helga at Indigo pagkatapos ay muli nilang tiningnan si Keann. Nakita nila ang nakasilay na nakakalokong ngiti sa labi nito.
BINABASA MO ANG
Fall For You (BL)
Teen FictionThe more you hate, the more you fall. All Rights Reserve, 2024 A Francis Alfaro Original