CHAPTER 21

15 4 0
                                    

Malalim na ang gabi ngunit hindi pa rin binibisita ng antok si Keann. Ang likot-likot niya habang nakahiga sa kanyang kama na nasa loob ng madilim niyang kwarto at ang liwanag lamang na nanggagaling sa buwan na tumatagos sa bintana ang siyang tanging ilaw.

Papalit-palit ng pwesto si Keann. Tatagilid siya sa paghiga pakaliwa tapos pamaya-maya ay tatagilid naman siya pakanan. Titihaya tapos tititig sa kisame. Magtatalukbong ng kumot tapos aalisin din ito sa kanya at tititig ulit sa kisame. Ganoon si Keann sa loob ng hindi na mabilang na minuto.

"Hays! Bwisit naman! Patahimikin mo nga ako!" sobra nang naiinis si Keann. Hanggang ngayon ay tumatakbo pa rin sa isip niya 'yung nangyari kanina sa pagitan nila ni Kaleb. Pilit niya itong inaalis sa isip at sistema niya ngunit hindi niya magawa. Tila bubble gum ito na dikit na dikit sa bawat hibla ng kanyang utak.

"Kahit sampu o bente pa ang sabay-sabay na maging girlfriend mo, hindi pa rin ako titigil na gustuhin ka."

"Ay peste!" inis na inis na singhal ni Keann. Pati ang mga litanya ni Kaleb ay tumatakbo sa isip niya.

Sobra na ang nararamdamang inis ni Keann. Ewan ba niya kung bakit apektadong-apektado siya dagdagan pa na kumakabog ang kanyang puso sa tuwing maiisip niya ang mga sinabi ni Kaleb sa kanya.

Ilang sandali pa ay mabilis na bumangon si Keann at umupo ng pa-indian sa ibabaw ng kanyang kama. Malalim siyang huminga saka ibinuga niya rin ito saka tumingin sa bintana.

Inalis ni Keann ang kumot sa kanyang katawan saka umalis sa ibabaw ng kama. Naglakad siya papunta sa bintana at tumayo sa harapan nito. Tumingala siya at tiningnan ang kalangitan. Napakadilim na nito at punong-puno ng mga bituin.

Muling napabuntong-hininga si Keann. "Bakit ba ako nagkakaganito?" naguguluhang tanong niya.

Napapaisip tuloy si Keann. Bakit nga ba siya apektado pagdating kay Kaleb? Pamaya-maya ay nanlaki ang mga mata niya sa biglang reyalisasyon na naisip niya.

"Hindi kaya..."

Todo ang ginawang pag-iling ng ulo ni Keann na kulang na lang ay mapunta sa likod ang mukha niya.

"Hindi! Hindi! Hindi!" sunod-sunod na pagtanggi ni Keann. "Hindi pwedeng mangyari 'yon," aniya pa.

Kumuyom pabilog ang mga kamao ni Keann. "Hindi ako pwedeng... hindi ako pwedeng..." nahihirapang sabi ni Keann. "Hays!" naiinis na sabi pa niya saka ginulo-gulo ang kanyang buhok.

Mas lalong nakakaramdam ng inis si Keann pagdating kay Kaleb. Sa dinami-dami kasi ng tao sa mundo, bakit siya pa ang nagustuhan nito? Ito tuloy, pati siya ay nalilito na sa kung ano nga ba ang tunay niyang nararamdaman. Nalilito na siya kung bakit nagkakaganito siya.

"Hindi ito pwede Keann. Kailangan mong pigilan ito. Kailangan mong gumawa ng mga paraan para wala kang maramdaman pagdating sa kanya," sermon ni Keann sa sarili niya.

Huminga nang malalim si Keann saka siya umalis sa tapat ng bintana at muling bumalik sa kanyang kama. Nahiga siya saka nagtalukbong ng kumot. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at pinilit na matulog.

---

Parehong nakatitig sina Helga at Indigo kay Keann. Nasa school garden sila at magkakatapat na nakaupo.

Nakapangalumbaba si Keann habang nakatingin sa ibang direksyon. Abala ang isip niya sa pag-iisip at kasing layo ito ng kanyang tingin.

"Mukhang napuyat na naman siya kagabi," sabi ni Helga. "Ang itim-itim ng ilalim ng mga mata niya oh kaya mukha na naman siyang panda," dugtong pa niya.

Fall For You (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon