CHAPTER 12

15 4 0
                                    

Maraming estudyante ngayon ang nakatayo sa harapan ng malaking bulletin board na nakakabit sa pader sa may harapan ng main building ng eskwelahan. Kanya-kanya nang tingin ang mga ito sa mga papel na nakadikit kung saan nakasaad doon ang naging resulta ng prelim exam na naganap kahapon.

"Hoy! Bilisan mong maglakad!" hiyaw na utos ni Helga na nauunang maglakad papunta sa bulletin board. Kasabay niya si Indigo na nais ding makita ang kanyang naging score sa nakaraang prelims.

"Oo na!" sigaw rin ni Keann na nakasunod sa dalawang kaibigan. Hindi maitatanggi sa mukha niya na excited din siyang malaman kung ano ang naging score niya sa exam lalo na at pinaghandaan niya rin ang pagsagot nito kahapon. Nag-review siya ng mabuti para sa examination nila.

Naging subsob si Keann sa pagre-review dahil gusto niya na manguna sa prelims at gagawin din niya ang lahat para manguna sa midterms at finals.

Lakad-takbo na ang ginawa nila Helga at Indigo para lamang makarating kaagad sa harapan ng bulletin board. Tumakbo na rin si Keann para kaagad na makalapit.

"Excuse me," sumisingit si Keann sa mga nagkukumpulang estudyante para makarating siya sa harapan ng bulletin board. Natatawa pa siya dahil nakakarinig siya ng mga reklamo mula sa ibang estudyante dahil ang baba ng nakuhang grado.

Sa kakasingit ni Keann ay nakarating naman siya sa harapan ng bulletin board. Tiningnan niya ito at hinanap sa mga papel na nakadikit doon ang pangalan niya.

DAMIEN HIGH (PRELIMINARY EXAMINATION RESULTS 2021)

1. Keann Ramos (Class 1) – 98.9%

2. Kaleb Ong (Class 1) – 98.2%

3. Kristina Gonzales (Class 2) – 96.7%

"Yes!!!" napasigaw sa tuwa si Keann nang makita niya ang kanyang pangalan na nasa pinakaunahan ng listahan.

"Naks! Number one ka, my friend!" tuwang-tuwa na pagbati ni Helga nang makalapit ito kay Keann.

Tumingin si Keann kay Helga. Abot-tenga niya itong ningitian dahil sa sobrang tuwa na nararamdaman niya.

"Sa wakas at hindi ka na number two," wika naman ni Indigo na tuwang-tuwa para kay Keann.

Tumango-tango si Keann. Muli niyang tiningnan ang papel kung saan nakalagay ang pangalan niya. Hindi siya makapaniwala na nag-number one siya ngayon. Sa mga nakaraang exams kasi niya, kahit na ginawa na niya ang lahat at nag-review na siya ng todo ay lagi lamang siyang pumapangalaw kay Kaleb.

Speaking of Kaleb, nakita ni Keann ang pangalan nito na nasa ibaba ng pangalan niya. Number two na lamang ito sa kanya ngayon.

"Ano kayang nangyari sa kanya?" tanong ni Keann.

Napaisip si Keann. Hanggang sa maisip ng binata 'yung naging pag-amin nito ng nararamdaman para sa kanya na hanggang ngayon ay mukhang hindi nito alam na narinig niya.

'Ako kaya ang dahilan?' sa isip-isip ni Keann.

Mabilis na umiling-iling si Keann. 'Bakit naman ako ang magiging dahilan ng pagiging top two niya?' Hindi na lamang niya 'yon pinansin dahil ang mas mahalaga ay nanguna na siya ngayong prelims. Two more exams bago matapos ang school year at dapat ay manguna rin siya sa mga 'yon para naman may maipagmalaki siya at matuwa ang parents niya sa kanya.

"Hay! Lagi na lang so-so ang score ko," reklamo ni Helga. Nasa Top 30's kasi siya.

"Ako nga din eh," sabi naman ni Indigo na napabuga pa ng hininga.

Fall For You (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon