Nakatayo sa harapan ng school building si Keann at nakatingala habang tinitingnan ang langit ng may kunot sa noo.
"Hay! Ang kulimlim ng langit," mahinang sambit ni Keann. "Mukhang uulan ng malakas," dugtong pa niya. Napahinga siya ng malalim.
Tapos na ang klase at uwian na kaya si Keann ay uuwi na sa kanila. Ihahakbang na sana niya ang kanyang mga paa pero napaatras siya nang mabilis at muling sumilong sa gusali dahil nagsimula ng umambon.
"Hay naman oh! Paano ako pupunta sa parking?" naiinis na tanong ni Keann. Nandoon pa naman ang kotse at driver na susundo sa kanya.
Tiningnan ni Keann ang oras sa suot niyang wrist watch. Malapit ng mag-alas singko ng hapon. Muling napabuntong-hininga ang binata.
Hanggang sa ang ambon ay unti-unting lumakas at naging ulan na. Nanatiling nakatayo si Keann sa entrance ng building habang pinapanuod ang pagbuhos ng ulan.
"Sana naman tumigil ka kaagad. Ayokong maghintay dito ng matagal," hiling ni Keann sa ulan. "Kung bakit ba naman kasi hindi ko ugaling magdala ng payong kaya ito namomroblema ako kung paano makakapunta sa parking lot," aniya pa sa kanyang sarili. "Ayaw ko rin naman na sumugod sa ulan dahil siguradong mababasa ako. Hindi naman ako pwedeng sumakay ng kotse ng basang-basa," pagkausap niya pa sa kanyang sarili.
Napabuga na lang ng hininga si Keann habang pinapanuod ang pagbuhos ng ulan na kinaiinisan niya.
Mas lalo pang bumuhos ang malakas na ulan. Nakikita ni Keann ang ibang mga estudyante na kanya-kanya ang takbo sa malawak na eskwelahan at sinusuong ang malakas na ulan.
Matiyaga na lamang na naghintay si Keann sa pagtila ng ulan. Patuloy na pinanuod niya ang pagbuhos nito.
Lumipas ang mga minuto ay naramdaman ni Keann na may tumabi sa kanya sa pagkakatayo niya. Lumingon at tumingin siya sa kaliwa niya at bahagyang nanlaki ang mga mata niya sa gulat nang makita si Kaleb. Napansin din ni Keann na may hawak itong maliit na payong na kulay pula.
Napatingin si Kaleb kay Keann. Nagtagpo ang tingin ng dalawa. Napansin ni Keann ang pagkaseryoso ng mukha ni Kaleb at hindi man lang siya nito ningitian. Napailing-iling na lamang si Keann saka umiwas nang tingin kay Kaleb.
'Huwag mo na lang siya pansinin,' isip-isip ni Keann.
Pamaya-maya ay nagulat na lamang si Keann ng may biglang lumitaw na payong na kulay pula sa harapan niya na kanyang ikinatingin doon.
Muling tumingin si Keann kay Kaleb na siyang nag-aabot ng payong sa kanya. Kumunot ang noo niya.
"Gamitin mo na muna para makapunta ka na sa parking," malumanay na alok ni Kaleb habang diretso ang tingin kay Keann. "Siguradong naghihintay na ang driver mo don," dugtong pa niya.
Iniling ni Keann ang ulo niya. "Ayoko. Hihintayin ko na lang tumila ang ulan," seryosong pagtanggi niya saka umiwas nang tingin kay Kaleb. 'Hindi ko ibababa ang pride ko ng dahil sa payong,' aniya pa sa kanyang isipan.
Tumango-tango na lamang si Kaleb saka huminga rin siya ng malalim. Pamaya-maya ay bahagyang umabante si Kaleb saka binuksan ang hawak niyang payong. Mula naman sa periphial vision ni Keann ay nakikita niya ang ginagawa ni Kaleb.
Ngunit sobrang nagulantang si Keann nang biglang hawakan ni Kaleb ang kanang kamay niya at hinila siya nito palapit at pinasukob sa payong nito. Bumunggo pa ng bahagya ang katawan niya sa likod ng binata.
"Ano'ng ginagawa mo?!" gulat na gulat na tanong ni Keann habang nanlalaki ang mga mata niyang nakatingin kay Kaleb.
Muling nilingon at tiningnan ni Kaleb si Keann at napangiti ito ng maliit. "Ihahatid na kita sa parking," sagot niya saka nagsimula na itong maglakad at hinila si Keann.
BINABASA MO ANG
Fall For You (BL)
Fiksi RemajaThe more you hate, the more you fall. All Rights Reserve, 2024 A Francis Alfaro Original