Unti-unti ng nagliliwanag ang kalangitan sa labas. Nakasubsob ang mukha ni Keann sa ibabaw ng lamesa at nakapikit ang mga mata pero simula kagabi ay gising na gising ang kanyang diwa.
Hindi nakatulog si Keann dahil sa kakaisip. Hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig mula kay Kaleb. Pakiramdam niya ay nananaginip siya ng gising at sa totoo lang ay gusto na niyang magising ngunit alam din niya sa kanyang sarili na gising na gising siya.
"Kung alam mo lang... na ikaw 'yung taong gustong-gusto ko."
"Gustong-gusto kita, Keann."
"Gustong-gusto kita simula pa noon."
'Sh*t!' napamura na lamang si Keann sa utak niya. Kagabi pa tumatakbo sa kanyang isipan ang mga narinig mula mismo sa labi ni Kaleb at magmula nang marinig niya ito ay para na itong sirang plaka na paulit-ulit na nagpe-play sa isipan niya. Hindi na nga niya nabilang kung ilang beses na bang tumakbo sa utak niya ang mga sinabi ni Kaleb.
'Ano bang sinasabi niya? Ako? Gusto niya?' tanong pa ni Keann sa utak niya. 'Nagjo-joke ba siya?' pagtatanong pa niya.
Hindi talaga makapaniwala si Keann. Gusto niyang ipagsawalang-bahala na lamang ang mga narinig ngunit hindi niya magawa.
Sumagi sa isipan ni Keann 'yung mga naunang sinabi sa kanya ni Kaleb tungkol sa taong nagugustuhan nito.
"Sa totoo lang, may dahilan din ako kung bakit gusto kong manatili sa top."
"Bukod sa gusto kong maging masaya si Mama at hindi na siya mag-alala pa sa akin lalo na sa pag-aaral ko... gusto ko ring mapansin din ako palagi ng taong nagugustuhan ko."
"Gusto kong naka-focus lamang siya palagi sa akin."
"Pakiramdam ko kasi, ako lang ang nakikita niya kapag nasa tuktok ako... at gusto kong ako lang ang nakikita niya palagi."
"Oo... gustong-gusto ko siya."
"Gustong-gusto ko ang lahat sa kanya, mabuti man o 'yung hindi tungkol sa kanya."
'Ako pala 'yung tinutukoy na taong gusto niya,' sa isip-isip ni Keann. 'Nagpapapansin pala siya sa akin ng hindi ko alam,' dugtong pa niya.
Lihim na huminga ng malalim si Keann. Kailangan niyang magkunwaring tulog dahil baka gising pa si Kaleb.
"Kung alam mo lang... na ikaw 'yung taong gustong-gusto ko."
"Gustong-gusto kita, Keann."
"Gustong-gusto kita simula pa noon."
'Ay! Sh*t na utak ka! Tigilan mo na nga 'yan!' naiinis na hiyaw pa ni Keann sa utak niyang tila nagloloko.
Nag-iisip tuloy si Keann kung paano niya haharapin ngayon si Kaleb ng normal lang at kunwari ay walang narinig mula sa labi nito. Kinakalma din niya ang kanyang dibdib na tila naging abnormal na rin kagaya ng kanyang utak dahil wagas kung kumabog.
'Paano ko nga ba siya haharapin ng normal? Magagawa ko ba 'yon?' sa isip-isip ni Keann.
'Bahala na nga. Isipin mo na lang na wala 'yon," ani Keann. 'Baka nagjo-joke lang siya. Hindi ka niya gusto at tandaan mo, kakumpetensya mo siya, karibal kaya bakit ka niya magugustuhan?' tanong pa niya. Kailangan niyang kumbinsihin ang sarili para maging wala lang sa kanya ang mga sinabi ni Kaleb.
BINABASA MO ANG
Fall For You (BL)
Fiksi RemajaThe more you hate, the more you fall. All Rights Reserve, 2024 A Francis Alfaro Original