CHAPTER 7

14 4 0
                                    

Narito sa loob ng library si Keann. Nasa bandang dulo ang inuupuan niya malapit sa bintana at nakapangalumbaba siya at nakapatong ang mga siko niya sa ibabaw ng inookupa niyang lamesa habang nakatitig sa bookshelves na nakapwesto sa hindi kalayuan.

Pamaya-maya ay nagbuntong-hininga si Keann. Napapapikit pa ang kanyang mga mata dahil sa nararamdamang antok. Halatang napuyat siya kagabi dahil medyo nangingitim ang ilalim ng kanyang mga mata.

"Hay, Keann! K-drama pa more," mahinang sermon ni Keann sa sarili niya.

Magdamag na nanuod ng K-drama si Keann kaya siya napuyat. Isang episode lang sana muna ang papanuorin niya dahil maaga siyang matutulog ngunit sinabi niya sa kanyang sarili na isa pa tapos isa pa hanggang sa magtuloy-tuloy na siya sa panunuod at hindi na niya namalayan pa ang oras dahil sa kakaisa niya.

Isa sa pampalipas oras ni Keann ang panunuod ng K-drama. Gusto niyang manuod nito lalo na kung sci-fi o fantasy ang tema. Halos lahat naman ng K-drama ay gusto niya pero mas excited siyang panuorin kapag kakaiba ang tema.

Muling napabuntong-hininga si Keann hanggang sa hindi na niya napigilan ang sarili na ipatong ang ulo sa ibabaw ng lamesa. Dahil sa antok ay wala na siyang pakiealam pa sa pagtama ng liwanag na nanggagaling sa labas ng bintana na tumatama sa kanyang mukha. Unti-unting napapikit ang mga mata ni Keann.

"Five minutes," inaantok na bulong pa ni Keann. Matutulog na muna siya ng five minutes.

Hanggang sa tuluyang mapapikit na ang mga mata ni Keann at nakatulog. Hindi maingay sa library kaya naman walang istorbo sa kanya.

Samantala, pumasok si Kaleb sa library. May hawak siyang dalawang libro na isosoli na niya matapos niyang hiramin ito kahapon.

Matapos kausapin ni Kaleb ang isa sa staff ng library ay nagtungo siya sa shelves kung saan niya kinuha ang mga librong hiniram niya saka isa-isa niyang ibinalik ang mga ito sa pinagkunan niya.

Napangiti si Kaleb matapos na niyang mailagay sa shelf ang huling libro. Umalis na din siya sa harapan nito saka dahan-dahang naglakad. Pinamulsa niya ang kanyang mga kamay sa bulsa ng suot niyang pantalon.

Nilibot nang tingin ni Kaleb ang paligid ng library hanggang sa kumunot ang kanyang noo at magsalubong ang makapal niyang kilay nang dumako ang tingin niya sa bandang dulo.

"Si Keann ba 'yun?" tanong ni Kaleb.

Sa halip na lumabas na ng library ay lumiko si Kaleb at pumunta sa bandang dulo ng library. Malapit na siya sa lamesa kung nasaan si Keann ng mag-iba ng pwesto ang mukha ng huli.

Huminto si Kaleb sa paglalakad. Tumayo siya malapit sa lamesa kung saan natutulog nang mahimbing si Keann.

Sumilay ang magandang ngiti sa bibig ni Kaleb. Hindi niya inalis ang tingin niya sa natutulog na si Keann.

"Mukhang napuyat siya kagabi," mahinang sambit ni Kaleb. "Ano kayang ginawa niya para mapuyat siya ng ganyan?" tanong pa niya.

Matagal na tumayo si Kaleb habang nasa bulsa pa rin ang mga kamay niya. Diretso lamang ang tingin niya kay Keann at pinagmamasdan ang gwapong mukha ng binata.

"Mukha siyang maamong tupa kapag tulog," natatawang biro ni Kaleb. "Malayong-malayo kapag gising siya," dagdag pa niya saka muling tumawa nang mahina.

Hanggang sa maisipan ni Kaleb na ilabas ang phone niya mula sa bulsa ng suot niyang slack pants.

Napapangiti si Kaleb habang kinukuhanan niya ng litrato si Keann. Limang beses niya itong pinicturan bago niya tinigilan at isa-isang tiningnan ang kuha niya.

Fall For You (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon