Chapter 18 - Indonesia: A New Family

108 9 0
                                    

Chapter 18
Indonesia: A New Family

Third Person POV:

Nang mawalan ng malay si Mikee dahil sa sobrang lungkot at kalasingan ay nasalo agad siya ni Colex "Mikee.... Patawarin mo si ate kung hindi ko naramdaman na sabrong bigat na pala ng dala dala mo" sambit ni Colex habang ang luha nito nang lilingid na sa mata at lumapit naman silang lahat dito "Gerald, Josh tulungan niyo ako dalhin natin si Mikee sa kwarto niya" sambit ni Colex at pinunasan niya ang luha na bumagsak sa mga mata nito "Josh! Gerald mamaya na kayo umiyak! Tangina naman oh!" sambit nito sa mga to dahil naluluha din ang dalawa dahil sa pinagdaan ng kaibigan nila. Dinala na nila si Mikee sa kwarto nito at nandon silang lahat sa loob ng kwarto nito "Hindi ko alam na ganto na pala kabigat ang nararamdaman niya" iiyak na sambit ni Josh.

"Sa tagal na magkasama kayo hindi niyo lang man na pansin yun?" sambit ni Samantha at umiling lang ang mga Agents "Hindi ko aakalain na nakapaka selfless parin ni Mikee" mahinang sambit ni Vanessa at bahagyang narinig naman nilang lahat at napatingin sila dito "Wala paring nagbabago, siya parin si Mikee Lim na kilala ko" sambit ni Michael "Matigas ulo pero grabi sobrang selfless, kahit na mawalan na siya ng mga bagay na meron siya basta meron lang yung mga taong mahalaga sa kaniya, okay lang" dagdag ni Michael "Mikee...." sambit ni Aime habang hawak hawak ang kamay nito "Magpahinga na muna kayo anong oras nadin bukas na natin kausapin si Mikee kailangan niya din niya din ng pahinga" sambit ni Colex habang pinupunasan niya ang luha niya at tumayo "Tara na ate Aime" sambit ni Stephanie at tumingin lang ito dito at tumayo.

Kinabukasan: Mikee's Room

Nagising si Mikee sa dahil sa sakit ng ulo nito "AARGH!" hinaing nito dahil sa sakit ng ulo nito "Ilan ba tinungga ko kagabi! Shit!" habang hilot hilot ang sintido nito "Sana wala akong sinagawang katarantaduhan" bulong ko at tumayo ito at kinuha ang cellphone nito "Puta! Alas dose na pala ng hapon gago!" sambit ni Mikee at nagtungo agad ito sa loob ng banyo para mag ayos, lumabas ito ng banyo at tinawagan si Vanessa.

-In Call-

Mikee: Van, pwede pahanda ako ng hangover soup, putik!(sambit nito habang hilot hilot parin ang sintido nito)

Vanessa: Tumahimik nga muna kayo!(sambit nito sa kabilang linya) Ah.... Ngayon na ba?(tanong nito)

Mikee: Oo magbibihis lang ako tapos pupunta nako ng lobby(sambit nito at hinilot ang sintido nito)

-End Call-

Pinatay na ni Mikee ang tawag at hindi na pinasagot si Vanessa at nagbihis na ito. Nagsuot ito ng white pajama at white hoodie nito sabay puting crocs pagtapos nito mag bihis at pumunta na ito sa lobby nang magkasalubong ang kilay dahil masakit parin ang ulo nito "Tangina naman oh, bwiset!" sigaw ni Mikee dahil sa sakit ng ulo ko "Ano ba talagang nangyayari kagabi! Wala akong maalala kainis!" inis na sambit nito sa sarili niya. Pumasok ito sa lobby habang hilot hilot niya ang sintido nito at nagtaka naman ito dahil nandito ang lahat ng kaibigan nito kasama sila Michael at Vanessa.

"Mikee umupo kana dito" ngiting sambit ni Colex "Salamat ate" sambit ni Mikee at umupo ito. Nagulat naman si Gerald, Josh at lalo na si Colex dahil pangalawang beses na siya natatawag nito na ate "Mikee ito na yung hangover soup mo" sambit ni Aime "Salamat." maiksing tugon nito at hinigop na ang soup at sa kalagitnaan ng pagkain niya ay napatigil ito dahil nakatingin lang sa kaniya ang mga ito "Oh, bakit ganiyan kayo makatingin sa akin?" tanong ni Mikee "Wala ka bang na alala kagabi?" sambit na tanong ni Josh "Huh? Bakit may nangyari ba kagabi?" takang tanong nito "Wala kasi akong maalala eii" dagdag nito sabay higop sa sabaw "AARGHH! Sarap what the heck, that hit the spot!" sambit nito sabay sandal sa upuan nito habang titingnan niya ang mga kasama niya.

Double LifeWhere stories live. Discover now