Ang hangin ay nagdadala ng mga pangako, habang ang mga puso ay naglalakbay sa pagitan ng pag-asa at takot.
Nagmamadali akong nagbihis at umalis ng bahay nang mabasa ko ang text ng kaibigan kong si Ella.
I immediately told the driver my friend's address.
"Dito na po, Manong. Thank you po!" I hurriedly ran upstairs to Ella's apartment.
Humihingal kong itinulak ang pinto at napahawak pa sa aking dibdib para makahinga ng maayos. Pinunasan ko ang pawis sa aking noo at pagod na umupo sa bakanteng upoan pagkapasok ko sa loob. Nagtataka na tumingin sa akin ang dalawa at kalaunan ay parehong humagalpak ng tawa.
Sa magkakaibigan hindi mawawala ang senaryo na tatawanan ka muna bago ka tutulongan.
"Pahinging tubig," humihingal na ani ko.
Nagmamadali namang kumuha si George ng tubig para ibigay sa akin.
"Bakit ka ba kasi nagmamadali, babaita ka! Alam mo namang nakakahingal akyatin nitong apartment ni Ella, tinakbo mo pa talaga." George rolled his eyes at me.
Hindi ko siya pinansin. Inubos ko ang laman ng baso saka tumayo at lumapit kay Ella na abala sa pagla-live online at pakikipag-chikahan sa kanyang viewers.
"Oh, nandito na ang hinahanap-hanap niyo!" nakangiting saad ni Ella sa harap ng camera at hinila ako palapit.
I smiled and waved at the camera to greet them. Tumawa ako nang may mabasang nakakatawa na comment mula sa mga nanunuod ng live.
Nagtawanan kami nang biglang nagsi-padala ng regalo ang mga manunuod.
"Hala! Dumating lang ang kaibigan ko nagpaulan na agad kayo ng gifts?!" kunware'y naiiritang saad ni Ella pero ang totoo ay tuwang-tuwa na 'yan sa kaloob-looban niya.
"Sino nagpadala n'on, pautang nga ako," biro ko.
"Oh, pautang daw ang eabab. Pautangin niyo na baka hindi niyo na 'to ulit makikita sa live." pagsakay ni George sa biro ko at may pag-irap pa sa hangin.
Natatawa kong mahinag sinampal sa braso ang baklang kaibigan dahil sa sinabi nito. Parehong nanlaki ang mata naming tatlo nang may makita kaming comment mula sa anonymous user.
Anonymous account:
I don't give out loans, but I do invest in potential. What's her price?Natigil ako sa pagtawa. Tila naririnig ko ang boses ng isang tao na sinasabi ang mga katagang 'yon. Napatakip ng bibig si Ella at matinis na napatili si George dahil sa comment na iyon.
Nawalan ako ng gana pagkatapos n'on. Bumalik ako sa upoan at hinintay ang dalawang kaibigan na matapos sa pagla-live.
Tumayo ako para magpaalam nang matapos na sila.
"Naalala ko pala may gagawin pa akong presentation para bukas. Mauna na ako." bumeso ako sa dalawa at lumabas na ng pinto.
Mabuti na lamang at hindi umalis ang driver at naghintay ito sa labas.
When I got home, I immediately went to the master bedroom to look for someone, but I couldn't even see traces of him. Next, I headed to the study room and there I found what I was looking for; he was facing the computer monitor, wearing glasses...
Nag-angat siya ng tingin nang maramdaman niya ang presensya ko at matamis na ngumiti. I gritted my teeth as he stood up and walked towards me.
"Hi, wife. Did you enjoy being with your friends even for a moment?" his baritone voice echoed, accompanied by his smirk.
I balled my fist to stop myself from confronting him because I knew what he was capable of if I lashed out in front of him.
He is the one behind that anonymous account.
He is Aleksandrovich Draven Volkov, my obsessive husband.
©: ayzarae
Started: October 24, 2024
Ended:
BINABASA MO ANG
Volkov Series #1: Fated by Obsession
Romance[ONGOING] Blackmailed into marriage, Amelia Leigh Sinclair never expected to feel anything but hatred for Aleksandrovich Draven Volkov. Their secret marriage was nothing more than a deal-until she caught him with another woman in his office. In a fi...