Chapter 4 🔞

57 2 0
                                    

⚠️WARNING: The floor is wet and slippery. Gabay ng daliri ni Aleksandr ang kailangan. HAHAHA! 🔞

_________

Pagkababa namin mula sa elevator, tahimik kaming naglakad patungo sa auction hall. Nakaramdam ako ng kaba habang papalapit kami sa entrance, lalo na't napansin kong marami ang napapatingin sa amin. Alam kong bahagi noon ay ang suot kong gown na halos kumikislap sa ilalim ng ilaw, at si Aleksandr na kaswal ngunit elegante sa kanyang itim na suit.

Huminga ako nang malalim, sinusubukang pakalmahin ang sarili. "Let's go?" tanong ko, pilit na hindi pinapansin ang malakas na kabog ng puso ko.

Tumango siya at inilahad ang braso niya. "Shall we?"

Although hesitant, I wrapped my arm around him. As we walked toward the hall, I felt each step becoming heavier. From the chandeliers to the grand decorations and the people in their lavish attire-everything added to the anxiety I felt

Narinig ko ang isang pamilyar na boses mula sa gilid. "Aleksandr! I'm glad you made it." Isang lalaki, mukhang nasa singkwenta anyos at mukhang mayaman, ang lumapit sa amin. Tumitig siya sa akin nang may interes. "And who might this lovely lady be?"

Napansin kong mas lalong humigpit ang hawak ni Aleksandr sa braso ko. "This is my wife, Mia," he said, a hint of possessiveness lacing his tone.

Ngumiti ako nang bahagya bilang pagbati. "Nice to meet you," sabi ko nang mahina, pilit na hindi nagpapahalata sa nararamdaman ko. Napansin kong tumagal ang tingin ng lalaki sa akin, ngunit hindi ko na pinansin iyon.

Nagsimula na ang auction, at inalalayan ako ni Aleksandr papunta sa upuan malapit sa harapan. Habang sunod-sunod ang paglabas ng mga bagay na ina-auction-mga rare na paintings, mamahaling alahas, pati isang vintage na kotse-napapaisip ako kung gaano kaya kamahal ang mga ito.

Nilingon ko si Aleksandr at binulungan. "Are you really planning to buy something here? Ang mahal sobra."

Ngumiti siya nang bahagya, parang aliw sa tanong ko. "It's not about the price, wife. It's about the value it represents."

Patuloy ang bidding, at pilit kong sinusubukang makasunod. Nang nagsimula na akong mawalan ng interes, isang emerald-encrusted necklace ang inilabas sa stage. Kumikislap ito sa ilaw, agad na nakuha ang atensyon ko.

Napansin ni Aleksandr ang tingin ko rito. "You like it?" tanong niya, mas malambing ang tono kaysa dati.

Umiling ako. "No need to be ridiculous. Alam nating sobra ang presyo niyan."

Ngunit hindi siya nag-atubiling itaas ang kamay niya. "Two million," tawag niya, ang boses niya ay malakas at nangingibabaw.

Nanlaki ang mga mata ko. "What are you doing? Sobra na 'yan!"

Ngunit hindi niya ako pinansin at tumingin pa sa auctioneer, naghintay ng susunod na bid. Nang may nagtaas ng presyo, agad na sumagot si Aleksandr. "Ten million," sabi niya nang walang pag-aalinlangan.

Halos huminto ang paghinga ko. "Aleksandr, sobra naman!"

Nagpatuloy ang auctioneer at binanggit ang final bid. "Sold to Mr. Volkov for ten million!"

Nagpalakpakan ang mga tao, pero nanatili akong nakatitig kay Aleksandr, tulala.

Nakita kong ngumiti siya nang bahagya bago ako nilingon. "You said you liked it, so I bought it. That's how it works, doesn't it?"

Bago pa ako makapagsalita, lumapit na ang isang attendant sa amin, dala ang kahon ng kwintas.

Seryosong ibinigay ito ni Aleksandr sa akin. "Here, wife. Wear it."

Volkov Series #1: Fated by Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon