Chapter 6

32 1 0
                                    

Nauna akong tumakbo patungo sa kwarto pagkarating namin sa villa kahit masakit pa rin ang nasa gitna ng aking hita. Mabilisan akong naligo at nagsuot ng school uniform ko.

I rushed toward the main door, ready to leave for school, but froze in my tracks when I heard Aleksandr's voice call my name.

“Where are you going?”

Umikot ako paharap sa kanya. Nakatayo siya sa may kalayuan sa akin at may hawak na baso sa kanyang kaliwang kamay. Sinuyod niya ng tingin ang katawan ko at napakunot ang kanyang noo.

“May duty ka kahit sabado?” matigas siyang nagsalita sa tagalog at humakbang palapit sa akin.

“H-ha?” tiningnan ko ang screen ng cell phone at nanlaki ang mata ko nang makita kung anong araw ngayon.

Inayos ko ang buhok ko at inipit sa likod ng aking tenga. ““I-I’m meeting up with my friends,” I stammered.

“You’re meeting them dressed in your teacher’s uniform?” he asked, a hint of skepticism in his voice.

Lumunok ako at nag-iwas ng tingin. “Magbibihis na ako.” Naglakad ako palampas sa kanya. Nang makalampas na ako sa kinatatayuan niya ay nag-iinit ang pisnging napatakbo ako patungo sa hagdanan.

Hindi pa ako nakarating sa kalagitnaan ay narinig ko pa ang pahabol niya.

“Don’t forget to cover those kiss marks and love bites, wife!” he teased, a mischievous grin in his voice.

Napaungot ako sa kahihiyan at namumulang pumasok sa aking kwarto. Huminga ako ng malalim at linakumos ko ang hinubad na uniform at tinapon sa sahig.

After slipping into a pair of skinny jeans and a white long-sleeve blouse, the top two buttons casually undone, I reached for my phone to call George and Ella.

Umupo ako sa dulo ng kama habang hinihintay na sagutin nilang dalawa ang tawag ko.

“Hello, Madam, ano po ang sadya natin at bakit ngayon mo lang kami naalala?” maarte ang boses ang bumungad pagkasagot ng tawag. Walang iba kundi boses ni George.

Lumunok ako. Hindi ko na pala sila nacontact magmula noong may nagcomment na anonymous user sa live na kasama ako.

“Free kayo ngayon?” mahinang tanong ko.

“Bakit manglilibre ka na ba?” biglang lumabas ang ulo ni Ella mula sa gilid ng camera nang marinig ang tanong ni George.

Sinimangutan ko sila. “Oo. Free ba kayo?”

Parehong napapalakpak si Ella at George at abot tenga ang kanilang ngiti. “Of course! Sundoin ka ba namin?”

“O ikaw ang susundo sa amin?”

Magkasunod na tanong nila.

“Ako na ang pupunta diyan sa apartment niyo.”

Nagthumbs-up ang dalawa at pinatay ko na ang tawag.

Pagbaba ko ay nakatayo sa may ibaba ng hagdan si Aleksandr, may kausap sa cell phone at panaka-nakang tumitingin sa kanyang wrist watch. Nang mapansin niya ako ay ibinaba niya ang tawag at itinuon niya sa akin ang buong atensyon. Nakaramdam ako ng pagkailang dahil sa tingin na iginawad niya sa akin.

“Nice fit, wife,” he remarked, his eyes tracing the outline of my outfit.

Nagkunwari akong hindi siya pinapansin habang pinipigilan ang ngiti sa aking labi. “Thanks,” I said, trying to sound casual.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang hapitin niya ako sa bewang at isiniksik ang kanyang mukha sa aking leeg. Nagtataka ako sa kanyang ginawa at hindi ako nakagalaw.

Volkov Series #1: Fated by Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon