Nakaharap si Aleksandr sa kanyang computer at blangko ang mukha na nagtitipa ng kung ano. Tiningnan ko ang babae na halos ingudngod na ang katawan sa pagmumukha ni Aleksandr.
"Aleksandr, look at me," wika ng babae, ang boses ay malambing.
Tumaas ang kilay ko.
Pinigilan nito ang kamay ni Aleksandr sa pagmamaniobra sa computer at ipinatong sa kanyang hita. "Hindi ka nakatulog ng maayos kagabi. Give yourself a break," ani nito habang pinapadaan nito ang mga daliri sa kwelyo ni Aleksandr.
Isang kilos na tila nag-uugat ng galit sa aking dibdib.
I turned my gaze to Aleksandr, noting the intensity in his eyes as he looked at the woman in front of him. Kumuyom ang kamao ko at gusto kong ibato sa kanilang pagmumukha ang dala kong paper bag.
Nanatili akong tahimik na nakatayo, nakapako sa aking pwesto, at hinihintay ang mga susunod pa nilang gagawin. Bumaba ang babae sa pagkakaupo sa mesa at pumwesto sa likuran ni Aleksandr. He tilted his head slightly as the woman's hands moved to massage his shoulder.
"Nice," he murmured, closing his eyes as if surrendering to the comfort she offered.
Napangisi ang babae at mas lalong pinag-igihan ang pagmamasahe. "I knew you'll like it. Let me take care of you."
Sa isang iglap, naisip ko na dapat ako 'yon - ako lang dapat ang nag-aalaga sa kanya pagkatapos ng kanyang trabaho. Sumikip ang dibdib ko nang dahan-dahang nilapit ng babae ang kanyang mukha sa leeg ni Aleksandr.
I pressed my lips together, a wave of anger rising within me as I strode toward them with a piercing glare. "So, this is what keeps you busy, making you disappear for two nights straight, Aleksandrovich Draven."
Nagtatakang tumingin sa akin ang babae at napatigil sa pagmamasahe. Aleksandr's brow furrowed as he opened his eyes, his gaze locking onto mine.
"Wife?"
Inirapan ko siya at nagpokus sa babae.
"Who are you? Alam mo bang trespassing iyang ginagawa mo?" matalas na saad ng babae.
Ininspection ko ang kabuoan nito at nanliit ang aking mata. She wore a fitted mini skirt that accentuated her porcelain legs, paired with a blouse unbottoned enough to reveal her cleavage.
Meron din naman ako n'yan!
"I had no idea you were keeping a whore in your office, Aleksandr." Blangko kong tinitigan ito sa mata.
Gumalaw ang bagang nito at naglakad palapit sa akin. Nag-aalab ang tingin. "Oh, if I'm a whore, then what does that make you? A homeless intruder? I never thought Aleksandr had such a big heart to take in a beggar and let you crash in his office."
"Watch your words," I heard Aleksandr's low growl.
Tumingin ako sa kanya at nahuli ko siyang nakatingin sa akin. Mapupungay ang kanyang mata at nilalaro ang kanyang pang-ibabang labi. Padabog kong nilapag ang dala sa harapan niya bago muling binalingan ang kanyang masahista.
Walang emosyon akong ngumisi at humalukipkip. "For referrence, babaeng hindi ko kilala kung sino ka, hindi lang puso ang malaki sa kanya. Alam mo ba kung ano pa?"
"Wife..."
Hindi ko pinansin ang nagbabanta niyang boses at patuloy na tinitigan ang kaharap na babae. "His crotch," pigil ko ang sariling huwag mautal sa pagbanggit ng katagang iyon.
Nalukot ang mukha ng babae at masama ang tingin na bumaling kay Aleksandr.
"Bitch," bulong nito.
Nagpantig ang tenga ko at biglang nangati ang aking kamay. Inisang hakbang ko ang pagitan namin, at malakas na pinadapo ang aking palad sa kanyang pisngi.
BINABASA MO ANG
Volkov Series #1: Fated by Obsession
Romantik[ONGOING] Blackmailed into marriage, Amelia Leigh Sinclair never expected to feel anything but hatred for Aleksandrovich Draven Volkov. Their secret marriage was nothing more than a deal-until she caught him with another woman in his office. In a fi...