Chapter 1

64 2 0
                                    

This chapter is dedicated to Pretty_EUN

__________

I massaged my temple after a long day of teaching at school. Tumingin ako sa labas ng bintana para tingnan ang malungkot na panahon.

Mukhang uulan na naman.

Kinuha ko ang face powder sa bag ko at mabilis na nag-ayos ng sarili para hindi ako magmukhang manang sa sobrang haggard.

"Mauna na kami sayo, Miss Sinclair," paalam nni Ma’am Heera, isang kasamahan ko na kagaya ko rin ay isang kindergarten teacher.

"Sige po, ingat kayo." I politely utter.

Nag-aantay sa may pinto ang kanyang asawa. I watched them leave until they disappeared from my sight. Envy washed over me. If I had been married to the person I loved, maybe I wouldn't have to watch my colleagues happily with their spouses.

Isinukbit ko sa balikat ang aking bag saka naglakad palabas. Bago umalis ay sinigurado ko munang nakapatay ang kuryente at naka-lock ng maayos ang mga bintana at pinto.

Ako ang huling kindergarten teacher na uuwi kaya kailangan kong ma-check lahat para makasigurado na safety ang lugar bago ako aalis.

Wala nang mga estudyante sa loob ng campus, maliban sa mga guards. Hindi pa man ako tuloyang nakalabas sa school gate ay nasilayan ko na ang itim na aston martin na nakaparada. It was heavily tinted but I already know who is in the driver's seat.

Humugot ako ng malalim na hininga para pakalmahin ang sarili bago ako naglakad papalapit sa sasakyan. Blangko ang mukhang pumasok ako sa passenger seat at walang kibo na naglagay ng seat belt.

"Hey, are you hungry? I just got out of a meeting with the directors, so I wasn't able to cook at home. Let's eat out for now."

Nagsalubong ang kilay ko at kumulo ang aking dugo nang marinig ko ang nakaka-imbyerna niyang boses.

"Hindi ako gutom. Gusto ko nang umuwi," I coldly stated.

Narinig ko siyang napabuntong-hininga kasabay nang pagtunog ng sasakyan. Pinikit ko ang mga mata ko at sumandal sa upoan para umidlip habang nasa byahe.

But I can't fall asleep because of his constant sighing.

Binuksan ko ang mata ko at marahas na nagpakawala ng malalim na hininga. "Kung gusto mo pang kumain, ibaba mo nalang ako d'yan sa tabi." tinuro ko ang gilid ng kalsada.

"The hell I would do that,” matigas na ani niya at pinatakbo ng mabilis ang sasakyan.

Napakapit ako sa seat belt at napapikit. Sinandal ko ang aking ulo para mapigilan ang nararamdamang pagbaliktad ng aking sikmura.

Pagkarating sa villa ay hindi ko na hinintay na makapag-park ng maayos ang sasakyan at mabilis na bumaba. Tumakbo ako papasok ng bahay at dumiretso sa may banyo para ilabas ang kanina ko pa pinipigilan.

Napaubo ako at napahawak sa aking dibdib pagkatapos kong sumuka. Nanghihina akong tumayo at pinunasan ang namamasa kong mata. Naghilamos rin ako at nagmumog bago nanginginig ang tuhod na naglakad palabas ng banyo.

Napaatras ako nang biglang bumukas ang pinto at muntik na akong matamaan. Pumasok ang matangkad na lalaki na nakasuot pa ng suit, magkakasalubong ang dalawa niyang kilay at may pag-aalala sa mababakas sa kanyang mata.

Hindi ko siya kinibo at lalagpasan na sana nang mahigpit niyang hinawakan ang braso ko para pigilan sa pag-alis. Napangiwi ako at nagpumiglas para bawiin ang braso ko.

“Are you okay?” baritono niyang tanong pero hindi ko siya sinagot.

Inisa-isa kong inalis ang daliri niya sa braso ko ngunit mas lalo niya lamang itong hinigpitan. Napangiwi ako ng makaramdam ng kirot dahil sa pagkakahawak niya.

Volkov Series #1: Fated by Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon