rivalry

33 2 1
                                    

Capuccino.

Napaangat ang tingin ni Alliah sa lalaking umorder ng kape.

Matangkad ito. He looks like a prince. Perfect nose and brooding eyes. Yun bang kapag tumitig sayo tagos hanggang kaluluwa ang tingin.

Yes sir. What name should we place on your cup? Awtomatikong tanung niya.

Ngumiti ang lalaki.
Chase. My name is Chase Alliah.



Napakunot noo siya. Puno ng tanong ang mga mata. Bago pa siya naka pagsalita muling nagsalita ang lalaki.

Its says in your name tag.
Alliah. Thats your name right?

Bahagyang namula si Alliah. She felt like a fool. Lahat silang crew ng coffeeshoppe ay may name tag.

Pinilit niya ang ngiti.
That will be two minutes sir. We'll call you when its ready.

Will you? Tanung ni Chase.

What do you mean?
Nagtatakang tanung ni Alliah.

Will you call me? Tanung muli ni Chase.


 Nang hindi siya sumagot bahagyang tumawa ang lalaki.

Im just kidding. You should smile more Alliah.




Wow teh. Bagong admirer?
Biro ni Shannon na siyang kasama niya sa shift ng araw na iyon.

So aside from Mr. Gorgeous. Me bago ka na naman? This time its Mr Greek God naman!


Anu ka ba? Natatawang sabi ni Alliah.

Pinagmasdan niya si Chase habang naghihintay ng inorder na kape. 

Gaya ng ginawa nuon ni Nate umupo ito sa tapat niya.


Kung naka all black si Nate na biker guy ang dating, Chase is different.

He is wearing a suit with a tie. Tila isa sa mga executive na nagtatrabaho sa isa sa malalapit na building sa kanilang shop.

Capuccino for Chase.
Tawag ni Shannon.
Lumapit ang lalaki sa counter at kinuha ang kape. Lumingon si Alliah at nagtama ang tingin nila.


Her breath seems to stop for a second. Hindi niya maiiwas ang tingin sa mga mata ng lalaking nakatitig sa kanya. Tila kinapos siya ng hininga.

Tumunog ang chime sa pinto.

Napalingon si Alliah. Her eyes widen at saka lang tila nakahinga siya ng maayos.

Pumasok si Nate at dumiretso sa counter.

Naging mailap ang mata nito ng makita ang reaksiyon niya.

Sa pagkagulat ni Alliah, tumalim ang tingin nito ng makita si Chase na nakatayo malapit sa counter. Ramdam niya na ang nakapapasong tingin nito kahit hindi na siya nakatingin.

Nates mouth compresses into a thin line.

What are you doing here?
His voice is calm pero tila puno ng lihim na galit ito.


Saglit na napatingin si Alliah kay Chase. 

Kita niya ang pagbabago ng emosyon sa mga mata nito bago nilingon si Nate.


Is that a good way to greet your brother? Tanung nito.


when Love & Death collidesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon