Questions

33 1 1
                                    



Hinintay ni Nathan na matapos ang shift ni Alliah.

So, kapatid mo si Chase? Tanung agad ng dalaga pagkalabas nila sa shop.

Hah?  Tumaas ang kilay ni nate.

Di ba tinawag ka niyang brother. It means magkapatid kayo.. Mahinang sabi niya.

Napangiti si Nathan pero hindi siya kumibo.

Tahimik silang naglakad papunta sa main street. Nagulat si Alliah nang hawakan ni Nate ang braso niya at igiya siya paliko sa Cadburry St.

Mag dinner tayo. Sabi ni Nate. Hindi na kumibo si Alliah hinayaan niyang alalayan siya nito .





Sa Mont Blanc sila muling pumunta at naupo sa paborito niyang pwesto. Matapos maibigay ang order sa waiter ay tiningnan niya ang kaharap.

Tumikhim muna si Nate bago nagsalita. He is just a..friend. From way back. We treat each other as brothers because of our work.

Pareho kayo ng work? Tumaas ang kilay ni Alliah at matamang pinagmasdan si Nate.

Bakit? Tanung nito.

Ahm.. Anung work niyo? If you dont mind me asking.. Ani Alliah

Ah.. You can say were in the courier business.. nakangiting sabi ni Nate.  

So taga hatid ng packages? Tanung ulit ni Alliah

Oo.. pwede.. Sagot ni Nate .



Sa office ba siya? kasi naka suit siya ikaw naman...

Hmm.. sabi ni Nate saka tumango ng bahagya. May itatanung pa sana si Alliah pero dumating na ang order nila. Tahimik silang kumain. 

Nakayuko si Alliah habang nag iisip. Napansin niya na medyo may alitan kanina ang dalawa ng makita ni Nate si Chase sa shop. Ipinagkibit balikat na lang niya. Hindi sila ganuon ka close para magtanung ng personal na bagay kay Nathan.

Natutuwa naman ang binata sa pagtatanung ni Alliah.  Naguumpisa na siyang maging curious sa paligid niya unlike before. Alam niyang nasa process ng pag mo move on si Alliah at natutuwa siya.







Thank you sa dinner. SAbi ni Alliah ng nasa tapat na sila ng apartment niya.

Tango lang ang isinagot ni Nate. Maya maya nagpaalam na ito. Hinintay niyang makapasok sa loob ng  apartment si Alliah. Pero alerto siya, mailap ang mga mata niya dahil kanina pa niya napapansin ang aninong nakasunod sa kanila.



Magpakita ka Adam. Matigas na wika ni Nate.

Humakbang si Adam mula sa anino ng poste sa tapat ng apartment.

Nathan. Sabi nito .

Wala akong natanggap na pasabi na pupunta ka dito Adam. Sabi ni Nate. Matapos ng pagkikita nila ni Chase kanina, alam niya may iba pang pupunta sa teritoryo niya.

Nagtaas ng dalawang kamay si Adam. Ipinakita niya na wala siyang masamang balak. Napadaan lang ako. 



Hindi na dapat ito maulit. Tumango si Adam at saka naglaho. Kunot noong humakbang si Nate papasok sa apartment. Nakatayo siya sa living room habang nakatanaw sa labas. Sa taas nararamdaman niya ang presensiya ni Alliah na kumikilos.

Nang magpatay ito ng ilaw sa kwarto saka lang siya umupo sa couch.

Dumadami na ang nakakaalam at alam niya na kailangan na niyang kumilos. Nalalapit na ang oras.









when Love & Death collidesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon