Death and Life

41 0 0
                                    

(final chapter)

Magkahawak kamay na naglakbay sila.

Everywhere its a kaleidoscope of different colors. Para silang nasa loob ng bahaghari . Tahimik lang ang katabi niya at siya naman ay nakikiramdam. 

Pagkatapos ng mahabng paglalakad nakarating sila dulo kung saan may swirl ng mapusyaw na liwanag. Muted colors naman unlike kanina na makikintab na kulay ang nasa paligid niya.

NIlingon niya ang lalaki at bahagyang ngumiti ito bagamat malungkot ang mga mata.

" This is it for me Alliah." Sabi ng lalaki- si Nate.

" T-thankyou..' Sabi niya. Nagpapasalamat siya dahil sinamahan siya nito. Hindi siya natakot dahil magkasama silang naglakbay. Ang gaan gaan ng pakiramdam niya pero tila malungkot namn siya na iwan na lang si Nate. " Ahm,..okay ka lang ba?"

Napangiti ang lalaki at hinaplos ang pisngi niya.

" Im gonna miss you Alliah.." Sabi nito. " Please remember me when you open your eyes again."

Ngumiti na din siya. May kung anung nagtulak sa kanya para tumingkayad at halikan ito sa pisngi. NApatitig sa kanya si Nate, nagtataka marahil kung bakit siya biglang nanghalik.

Binitawan niya ang kamay nito at saka humakbang palayo. Gusto sana niyang lumingon pero parang bumibigat ang dibdib niya. Nagbuntunghininga si Alliah saka buong tapang na humakbang papasok sa mapusyaw na mga kulay sa harapan niya.

Umikot siya at tila nahilo habang bumabagsak sa kung saan.  Ang tagal niyang naka hang sa ere. Walang hanggang pagkahulog ang nararamdaman niya. Ilang beses siyang pumikit sa pag aakalang magbabago ang paligid niya pagdilat niya pero hindi nangyari iyon.

" Please remember me when you open your eyes again."

Paulit ulit na nagbalik sa utak niya ang huling sinabi ni Nate.







Biglang ihip ng hangin ang naramdaman niyang pumasok sa dibdib niya at wala siyang nagawa kungdi ang umiyak. Umiyak siya ng umiyak hanggang sa payapain siya ng isang boses. Boses babae iyon. Kumakanta ito at napalagay ang loob ni Alliah. Nang muli siyang magmulat nakita niya ang isang pares na mukhang nakangiti s kanya. Gusto sana niyang magtanung kung sino sila pero walang nanulas sa kanyang bibig.

Masuyo siyang hinaplos sa pisngi ng lalaki at naramdaman agad niya ang pagmamahal na nagmumula dito. MAinit na halik naman ang ibinigay sa kanya ng babae.

Maya maya pa nilaro na siya ng dalawa.

Nanlaki ang mga mata ni Alliah ng matapat sila sa salamin. Nakita niya ang sarili n naka diaper at naka pink na pang itaas. May mitten sa magkabilang kamay niya at natutuwang pinangigilan siya ng kanyang ama.

She was reborn.

And the most frightening about the experience? Naalala niya ng lahat lahat ng nangyari mula sa past life niya! 





------

date ended : 113015

-------









thanks po sa lahat nang nagbasa ng when love and death collide.

this is the end of the story..

Im sorry for the late updates and I really hope you all enjoyed the story..

comment and vote if you like!

~princess_piglet

when Love & Death collidesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon