Monsters

5 0 0
                                    

" ma paglaki ko hahanapin ko si Nate."

Napangiti si Veronica sa tinuran ng anak. Menopausal baby niya si Liah at natutuwa siya na matatas itong magsalita.

" Si Nate? Saan mo naman siya hahanapin?" Tanung niya dito habang inaayos ang kakainin nila para sa picnic.

" Basta..." Nakangiting sagot nito habang hawak ang notebook. Mahilig mag drawing ang anak niya. Mula ng tinuruan ito ng kanyang daddy, palagi ng nag do drawing ang bata. Kailan lang ay nagumpisa itong mag kwento tungkol sa isang lalaking nagngangalang Nate. Gwapo daw ito at maganda ang mata.

Nagpatuloy siya sa kanyang ginagawa ng tumunog ang telepono. " Oh dito ka lang Liah ah. Sasagutin ng mommy ang phone." Bilin niya sa anak. Tumango naman si Liah.

Naglakad siya papunta sa telepono na nakasabit sa dingding sa pagitan ng sala at kusina. Natatanaw niya si Liah mula dito.

" Hello.."

"...emergency po maam..." Yun lang huli niyang narining bago niya nabitiwan ang telepono. Nangiginig ang kamay na napaluhod siya sa sahig panay ang tulo ng luha sa mata niya. Nagtatakang nilapitan siya ni Liah at pinahid nito ang pisngi niya na alam niyang basa ng luha.

" Ma? Bakit ka umiiyak?" Tanung nito.

Agad niyang niyakap ang bata paano ba niya ipapaliwanang dito ang pangyayari?


Bigla na lang umiyak si mama ..may nangyari kaya...? Hinayaan niya ito na yakapin siya.

Nagulat pa siya ng mapalingon sya at makitang nakaluhod sa tabi niya si Nate. Malungkot ang mata nito na nakatingin sa kanya, akmang yayakapin niya ito pero bigla na lang itong naglaho. Kinagabihan nalaman niya na pumanaw pala ang papa niya. Inatake ito sa puso.

Siya yun...si Nate, kinuha nya ang papa ko!

when Love & Death collidesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon