Defeated

23 0 0
                                    



Tahimik na nakatingin lang si Alliah sa kisame ng kwarto niya.

Kanina pagdilat ng mata niya natagpuan niya ng sarili sa sariling kwarto. Tila panaginip lang ang lahat. Mula sa favorite place niya hanggang sa umpisa ng gabi ng lumutang ang baso sa harap niya.

Gaano man niya isipin, alam niyang imposible na nangyari ang mga iyon. But deep inside alam niya na hindi panaginip ang lahat. Totoo si Nate. Ang lalaking nagpapahalaga sa kanya na kinailangan pang suwayin ang kanyang 'nature" para lang bigyan siya ng buhay.

Naalala niya ang araw na iyon ng pagtangkaan niya ang sariling buhay. Kung natuloy iyon baka nasa impyerno na siya ngayon. Malamang iyak ng iyak ang mama niya at baka nagkasakit pa iyon. Napakaraming maapektuhan kung natuloy siya sa binabalak niya nuon. Ang pagkasaksi niya sa tunay na Ethan ay isa pang nagpabigat sa dibdib niya. Hindi pala talaga dapat siya nagmahal ng ganun sa isang tao. Dapat pala nagtira siya sa sarili niya.

Nalungkot siya ng maalala si Nate.

Malungkot ang mga mata nito ng sabihin niyang handa na siya.

Well totoo naman iyon. Handa na siya sa kung anu man ang dapat na mangyari sa kanya. Sooner rather than later alam niyang maitatama na ang pagkakamali ni Nate. Tampering with life by making her live, napakalaki sigurong sakripisyo para sa binata. Sana lang hindi ito maprusahan dahil sa pagpapahalaga sa kanya.

Im not even worth it, for God's sake! Naisip niya.

" Dont think like that Alliah..."

Napalingon siya ng marinig ang boses ni Nate. Nagpahid siya ng luha at bahagyang ngumiti dito.

"Andiyan ka pala..Akala ko umalis ka na..' Sabi niya.



Napailing ang binata. " Dont even think that you are not worth anything Alliah. Lahat ay may halaga. Lahat ng nilikha maliit man o malaki. They all serve a purpose. Kaya lahat sila ay mahalaga. "

Nalungkot si Alliah ng mapatitig kay Nate.



Bakit ba kasi ngayon lang niya nakilala ang lalaking ito? Hindi man niya aminin sa sarili, alam niyang may halaga na sa kanya si Nate. Kaya nga palagay ang loob niya dito. Siguro kung nagkakilala sila na buo pa siya at walang pag aalinlangan sa sarili, pwedeng mas pa sa pagkakaibigan ang ibigay niya . But now, hindi niya kayang magbigay ng higit pa dahil sa sakit na hanggang ngayon ay nararamdman niya.

Now its time to let go.

Its time to leave.



Sobrang lungkot ang nararamdaman ni Nate habang nakatunghay sa dalaga. She's ready to leave while he doesnt want to let go. Bakit ba kasi ganun ang nangyari? Gusto niyang magalit sa tadhana pero alam naman niyang napaka futile ng naiisip niya. Eversince he opened his eyes, he knew na kailangan niyang magserbisyo. He never questioned anything he made sure to just follow all the rules. He was always doing what was asked of him Pero sa pagkakataong ito mas gusto yata niyang maghimutok at magtanung ng magtanung.

Azrael told him na oras na maalala ng babae ang kanyang nakaraan, he needs to do his duty. Akala niya nuon, madali niyang magagawa, pero ngayon napaka bigat sa dibdib niya ang utos na iyon.





Hinawakan ni Nate ang kamay niya at pumikit si Alliah.



" Im scared...' bulong niya at pinisil ni Nate ang palad niya.

" Dont be..' Sabi nito. Bahagya siyang tumango.











Tapik sa balikat ang nagpadilat kay Alliah. Nakadukdok siya sa isang mesa malapit sa locker sa kanilang shop.

" Hey nakatulog ka na." Sabi nito habang tinatapik ang balikat niya.

" Huh? T-teka..nasaan ba ako?" Tanung niya na puno ng pagtataka.

" Girl. Kanina ka pa nag out akala ko nga nasa bahay ka na. Sige na maglilinis pa ako. Mauna ka na.." Sabi ni Shannon saka pumunta sa storage room at kinuha ang mop at isang timba.



Napilitang tumayo si Alliah. Nakita niyang maayos na ang shop at wala nang customer. Kumaway pa sa kanya si Shannon ng isara niya ang pinto. Huminga siya ng malalim bago humakbang patawid sa kalsada.



Narinig niya ang sigawan pero para siyang naka hang sa ere. Walang sakit o kung anuman na naramdamn niya. Nagulat na lang siya ng makita ang sarili na nakahiga sa kalsada at ang kotse na nakahinto sa tapat ng katawan niya. Nanlalaki ang mata na napaupo siya sa gilid ng kalsada. Nakapikit ang siya. Umaagos ang dugo sa gilid ng ulo. Ilang kalalakihan ang humawak sa lasing na driver ng kotse ng magtangka itong tumakas.



Nakita niya si Shannon na umiiyak at tinatawag ang pangalan niya. Napatayo siya mula sa pagkakaluhod, lalapit sana sa kaibigan ng makita niya ang isang lalaki na nakatitig sa kanya. Pamilyar ang mukha nito. Nakakunot noo.

Sa isang iglap nakalapit ito at hinawakan siya sa kamay.

Kung kanina ay tinatambol ang dibdib niya dahil sa pangyayari, nakapgtatakang biglang kumalma ang pakiramdam niya. The guy keeps on looking at her pero imbis na ma creep out siya, kampante lang siya na nakatingin dito.

" Its time Alliah." Sabi nito ng hindi bumubuka ang bibig. Malinaw na narinig niya ang malamyos na boses ng lalaki. Bakit ba napaka pamilyar sa kanya ng boses nito. Kumurap muna siya, tila may sariling isip ang bibig niya ng tawagin niya ang pangalan ng lalaki sa harap niya.

"Nate.."

















when Love & Death collidesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon