Chapter THIRTY-SEVEN- KAWAWA KA NAMAN

35 5 0
                                    

SARAH'S P.O.V.

One week na lang! One week na lang at mapipilitan akong mag-gown! PUTEKHAMNIDA~ Pero kahit ayaw kong mag-gown, gusto ko pa rin namang magsaya kahit papaano kaya pupunta ako. Kaya ako, kasama ko ngayon ang nakakaintindi sa akin except kay Mich, si Korin.

"Bumili ka na ba ng gown mo?" Tanong sa'kin ni Korin.

"Uh huh. Masyadong excited ang nanay ko e. Kapag ako tumaba in one week, nako talaga." Sagot ko na ikinatango naman niya. "Ikaw ba?"

"Hindi pa. Hindi ko nga alam kung kailangan ba talaga ng partner e. Bwiset naman kasi e." Nakakunot ng noo na sagot ni Korin. Oh my gosh, kailangan nga pala ng date. Ew.

"Sus! Magbabayad naman ako e kahit walang partner. Kaloka sila ah."

Natahimik kami ni Korin nang saglit, nakatingin lang sa mga naglalaro sa covered court. Bigla ko tuloy gusto maglaro ng volleyball. Kasali kaya ako sa team ng Juniors. HAHAHAHA. Kasama ko sila Korin, Alyssa, Quen, Nath, at yung iba pa naming ka-team. Spiker ako, first six.

"Kors, volleyball tayo! Dala ko yung bola." Yaya ko kay Korin. Pero mukhang hindi ako narinig nitong babaitang ito, hindi ako pinansin e.

"KORIN!" Sigaw ko para makuha ang atensyon niya na mukha namang effective dahil muntikan na siyang mahulog sa inuupuan naming bench.

"Syete ka! Mamamatay ako sa'yo nang maaga e!" Sabi niya sa akin sabay hampas sa braso ko. Makahampas ha! Close tayo?!

Joke, close na kami niyan ni Kors, parehas kasi kami ng crush. JOKE, hindi iyon ang dahilan. Diba nga, magkaklase na kami so yeah.

"Kinakausap ka kasi, ayaw mong mamansin. Lutang ka! Ang sabi ko, volleyball tayo!"

"Ay sows, game ako diyan! Tara!"

Umakyat kami papuntang room para kunin ang bola. Tapos bumaba na kami pagkakuha ng bola. Nakakatamad magkwento. (Nagmana nga kasi ako kay Mich, sisteret ko 'yun e!)

Mapayapa kaming naglalaro ni Kors. Actually, halos puro spike ang ginagawa ko e. Kaya nga spiker e. Ano ba?! Tsaka first time kong sumali sa team this year kaya hindi ko masyadong kontrolado ang bola. Si Kors, simula first year pa e. Magaling nga 'yon, iba e. HAHAHA.

*Insert sound effect ng tinamaan ng bola sa noo*

OH MY GOSH! (O_O)

Natamaan ko si Korin sa noo! Akala ko pader, ang lapad e. XD JOKE.

Agad ko siyang pinuntahan at tinanong kung hindi ba masyadong masakit. Pagka-spike ko kasi, hindi ko napansin na hindi na siya gumalaw sa pwesto niya kanina na nakaupo. Ayon tama sa noo.

Pumunta kami sa clinic para sure na hindi malala ang pagkakatama. Bakit kasi hindi agad siya nag-react?! Sorry talaga, Kors!

"Sorry talaga! Hindi ko sinasadya." Paulit-ulit kong sinabi sa kaniya. Baka kasi akalain niyang sinasadya ko e. Parehas pa naman kami ng crush. HAHAHAHAHAHAHA. JOKE LANG!

"Okay lang, ano ka ba! Ako naman ang lutang e." Paulit-ulit din niyang sabi kapag nags-sorry ako. Bakit ba kasi lutang 'to?

"Eh, bakit kasi?" Tanong ko.

"Anong bakit?!" Ay, slow.

"Bakit kasi lutang ka?! Ayan tuloy, na-spike ka!" Sabi ko with matching action pa na natamaan ng bola.

"Eh, kasi, ano..." paputol niyang sabi. Enebe telege ete. "Naiinis talaga ako nang bonggang bongga. Huhu, ano, si ano. Si Theo! BWISET! Hindi ko alam. Nakakalito siya, para siyang sira! Si Henry, huhu, sorry ha. Alam ko namang may crush ka din sa kaniya. Sino ba 'yung babaeng 'yon? Yung medyo mas matangkad sa'kin na maputi tapos medyo malaki 'yung mata! Ah, ayoko na!"

Are jokes really HALF-MEANT?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon