Chapter SIX - IBIDINSYA

139 9 2
                                    

JANE'S P.O.V.

Ano kayang problema ni Theo?

"Kors, ano daw yun?"

Hindi man lang ako pinapansin.

"Kors."

"Uy, Kors!"

"KOOORS!"

"H-huh?"

Aba'y fruta. Lutang si shunga.

"Kanina pa kaya kita tinatawag."

"Huh? Talaga? Sorry."

"Ano ba yon?"

"Anong ano?"

"Ano daw sabi ni Theo?"

"Ahh. Hindi ko nga din alam eh."

"'Nu ba yun? Bakit 'di mo alam? Ano bang nangyari kagabi?"

"Kagabi? Ano nga ba? Ang alam ko lang naman, nag-chat kami tungk... Asdfghjkl."

Ano daw? Bigla na lang nanglaki ang mata niya sabay tingin sakin.

"Puuutek na! Ano nga tanong niya sayo? Naniniwala ka ba sa "Jokes are half-meant", diba? Puuutek talaga!"

The ef? Problema nito? Ano ba kasing meron?


MICHELE'S P.O.V.

Wala bang balak magturo ang mga teacher ngayon? Aba, nag-teacher pa sila!?

Nagsusulat (Sipag, shiyet!) lang ako dito sa room. Since pangatlong subject na 'to, hindi na ako aasa na may magtuturo pa.

Alam niyo ba ang sinusulat ko? Hindi ko nga sasabihin! Pake niyo?!

De joke lang. Pangalan lang naman ng mga crush. Pangalan ni Chen, Gongchan, at ni Jr. Akala niyo kung sino 'no?

Charot kayo, pake ko ba sa mga taong nasa paligid ko? Epal lang ang mga sinasabi niyong CRUSH (Pero pag may kasamang iba, selos kayo. Harot! Kire! Kayo ba?) sa buhay eh.

"Micheeele, gusto ko nang umuweee!" one of my close friends in our section. Tamad din pero top 3.

"Gusto ko na ngang magbakasyon eh."

"Haha. Bakasyon agad?! Eh basta, gusto ko nang umuwi!"

"Di lang ikaw. Di lang ikaw ang nahihirapan!"

"Putek to. Wag ka ngang kumanta!"

"Pake mo ba?"

"Nakakarindi kaya boses mo."

"So? Tinatanong ko ba!?"

"Bakit, may sinabi ba akong tinanong mo?"

"May sinasabi ba akong sinabi mo?"

"Wala!"

"Eh wala naman pala eh. Ano bang pinag-aawayan natin?"

"Pfft. HAHAHAHAHA." Tawa namin sabay hampas. Sorry naman. Baliw lang to.

>>>>>>>>>>>>

Uwian na! YES! BWAHAHAHA. Kasama ko ngayon sila Keigh at Quendrich sa kubo. Share.

Nag-uusap lang kami ng kaechosan, mainly Kpop. Hindi talaga natitinag ang mga bunganga nitong mga to eh. Tinde! Buti pa ako, tango-tango lang.

"Grabe na talaga. Ang hirap ng AP at Biotech. Nakakabobo 'yung punyaterang quiz eh." Share ko sa kanila.

"Bakit, ano na naman nangyari at talagang PUNYATERA yung quiz?" Talagang diniin ni Keigh 'yung punyatera.

"Mga 15/60 lang siguro ako dun. Kabobo eh."

"Hindi ka lang nag-aral."

"Nag-aaral na kaya ako. Kaninang umaga ko lang natutunan. Talagang hindi ko lang gets."

Nag slow clap sila with standing ovation. Makyu!

"Push niy---"

"MIIIICH!"

O.o ano problema nito ni korin? Namumutol pa ng sasabihin. Bastusing bata!

"Oh, bak---?" Oh, tignan niyo na! Bastusin talaga.

"Naniniwala ka ba sa jomtjgadkg?"

"Ha? Ang gulo mo magsalita!" Bwiset to ha. Madaling madali?! May date?

"Naniniwala ka ba sa "Jokes are half-meant?"

"Ha? Bakit?"

"SAGUTIN MO NA LANG!"

"Ah, sorry naman. Minsan, kasi madalas half-meant ang jokes ko sa inyo, minsan naman hindi talaga."

"Wow ha. So pag sinabi mong "ang ganda ni korin ha." with sarcastic voice, half-meant yun?"

"Dun na papasok yung sinasabi kong hindi pasok sa half-meant. Wala akong mine-meant."

"ANG SAMA MO!"

"IKR."

BASTUSAN. TINALIKURAN AKO. SAPAKAN NA LANG OH?

"Kayo naniniwala ba kayo sa "Jokes are half-meant?"

"Depende. Siguro. Pwede." sagot nila Keigh at Quen.

"Bakit ba?" tanong ni Quen.

"Eto oh." pinakita niya yung phone niya. Inagaw ko agad para ako ang unang makakabasa.

"HOY. PATINGIN!"

"AKO MUNA."

"AKO ANG NAGTANONG."

"NASA AKIN NA EH."

"TUMIGIL NA NGA KAYO. KAY MICH KO LANG TALAGA BALAK IPAKITA YAN EH. KASO NANDITO NA DIN NAMAN KAYO KAYA IPAPAKITA KO DIN. ONE AT A TIME LANG KASI!"

Napatigil kami ng ilang segundo sa pagsigaw ni Korin.

"HAHA. SHET YUNG MUKHA MO."

"HAHA. IIYAK NA YAN."

"HAHAHAHA."

"TSE. ANO BA!? BASAHIN MO NA!"

'Yun na, binasa ko na yung naka screenshot na convo nila Kors at Theo. Aaaand I was like (o.o)

"WAAAAH. SABI NA EH. MAS BAGAY TALAGA KAYO NI "T" KAYSA KAY PASH!"

"PATINGIN NGA." Sabay na sabi nila Keigh at Quen.

Binigay ko na sa kanila. Nilapitan ko ang nananahimik na si Kors.

"Bakit mo ba tinatanong?"

"Kasi gant---" karma.

"KYAAAAA!" –Keigh at Quen.

"MGA PUNYATERA. MANAHIMIK KAYO!" nanahimik naman.

"Uto-uto din kayo no?" Pahabol kong sabi.

"LECHE."

"Oy, eto na nga." bulong ni Kors. "Diba nga, 'yung chat kagabi lang yon. Kanina, narinig ko sila ni Jane na nag-uusap. Tinanong niya kung naniniwala ba si Jane sa "Jokes are half-meant.""

"Oh, so? Ginagaya mo din? XD"

"Nyeta ka! Seryoso ako! Hindi pa kasi tapos!"

"Ah, sorry naman there."

"So 'yun, after niyang itanong 'yun, may sinabi siya sa akin."

"Oh, ano?"

""Yung kagabi, ikaw na bahala kung maniniwala ka.""

"Ah, ayan tayo eh. Maniniwala ka ba o hindi?"

"Hindi ko din alam. Aba, wala naman akong evidence para maniwala eh."

"Tsk. Evidence lang pala problema mo eh. Ako na balaha d'yan."

Are jokes really HALF-MEANT?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon