EPILOGUE - SHEMS!

50 5 2
                                    

KORIN'S P.O.V.

"ANG INEEEEEEEEET!" Pagdadabog ko sa kama ko. ANG INET NAMAN KASI TALAGA! To think na one palang ng hapon! Nakatapat na ang electric fan sa akin at nakatodo na, pero mainit pa rin talaga! Ugh!

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang aking magaling na kapatid, "Ate, ang ingay mo!" Pananaway niya sa akin. Okay, sorry na! Mapapatawad pa ba?

Sasagutin ko pa naman dapat siya pero lumabas na siya ng kwarto. Bastos na bata. Umayos ako ng upo sa kama. Ugh, bakit ba kasi ang init?!

Summer na nga pala.

Tumayo ako at naglakad papunta sa drawer. Napagdesisyunan kong pumunta sa park na malapit lang dito. Buti pa kasi doon, fresh air! Madaming puno kaya hindi ganon kainit. Pababa na sana ako ng hagdan nang makasalubong ko ang nanay ko.

"Hoy Kors, saan ka pupunta?" Mataray na tanong ni mama. Kaloka. Nang-iirap!

"Sa park, Ma. Ang init e!" Sagot ko habang nababa ng hagdan.

"Eh, bakit hindi sa SM? Dapat sa may aircon ka napunta! Baliw." Oh, edi wow.

"Mamamasahe pa ako! Wala po akong pera!"

"Oh sige! Mag-ingat ka sa paglalakad! Tanga ka pa naman. HAHAHAHAHAHA." Putspa. Grabe. Iba na talaga ang tama ng mga tao dito sa bahay!

Habang naglalakad nang nakapayong (Mainit nga kasi!) napaisip ako sa mga kababalaghang (Yes, kababalaghan talaga.) nangyari sa aking buhay 3rd year. OWMJI. Gumugurang na ako. (Pero mas gurang si Mich. HAHAHA) Sobrang dami palang nangyari noong 3rd year. Hindi ko na nga alam kung kailan 'yung mga pangyayaring natatandaan ko e. Nakakaewan.

Naghanap ako ng mapupwestuhan sa park pagkadating ko. Buti na lang at walang nakaupo sa favorite spot ko, ang swing. Kitang-kita kasi doon ang lahat ng nangyayari sa buong park. Two-seat swing lang siya, color white, at hindi nangangalawang. Doon ko ulit sinimulan mag-throwback.

Hindi siguro magiging makulay ang 3rd year ko kapag wala ang mga kaibigan ko. Mga ilusyonada kasi. HAHAHAHA. Joke lang. Pero seryoso, sila lagi ang nakakaisip ng mga gagawin, mga kalokohan, at pag-iilusyon sa mga bagay-bagay. Tulad na lang nung 'jokes are half-meant.' Bigyan ba naman ng kahulugang hindi katanggap-tanggap. Umasa tuloy ako. CHOS LANG! HAHAHAHAHA.

Matawa-tawa pa naman ako nang biglang may nagtakip sa aking pretty eyes.

"PUSANG KINALBO! Hoy, sino 'to?" Putspa, feeling close 'to ah!

"Hulaan mo."

Putek. Alam ko na.

"Hoy, Mattheo Henson, hindi ako nakikipagbiruan ha." Seryoso kong sabi. Para matakot lang. HAHAHAHA. Shete, ang high ko ngayon ah? Tawa nang tawa!

Tumawa siya at tinanggal na ang pagtatakip sa aking mata bago umupo sa katabi kong swing. Syempre, alangan naman sa inuupuan ko diba?! Laking tao pa naman nito, mapisat pa ako.

"Oh, ano? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko habang nakataas ang aking kilay.

"Bakit, sa'yo ba 'to? Ikaw lang ba ang pwede dito?" Pamimilosopo niya.

"Oh edi wow. Sorry na, mapapatawad pa ba? Bawal na ba ang magtanong?"

"Kung ikaw ang magtatanong, bawal. HAHAHAHA." Pusang ina.

Hindi ko na siya sinagot dahil baka magka-WWIII lang. Natahimik kaming dalawa at hindi nagtagal ay nagiging akward na ang atmosphere. (Yes, uma-atmosphere na ako! Bongga!)

Are jokes really HALF-MEANT?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon