Chapter THIRTY-FIVE - EDI 'WAG!

39 6 4
                                    

MICHELE'S P.O.V.


Si Theo lang pala.


Bakla ba siya?!


=_____= Shunga lang 'teh? Porket nandito sa Rilakkuma Store, bakla na?!


Joke lang 'yon. Mukha namang napadaan lang siya dito. May mga dala siyang I think para sa project nila. Akala ko nga kasama niya si Henry e. Magkasabay kaya sila umalis kanina sa school. Ang dami kong alam no? Kabwiset lang.


Pumunta siya sa kabilang dulo ng store kaya hindi niya ako makikita. Bakit ko nga ba inaalam ang ginagawa niya?! Pake ko nga ba?!


Dahil na-realize ko ang kashungaan ko, bumalik na ako sa pagtingin pa ng Rilakkuma pero I keep my distance sa kaniya. Syempre, baka makasira pang ng mood ang mukha niya e.


TIMOTHY'S P.O.V. 


Putek. Iniwan na ata ako nung babaeng 'yon. Ako na nga 'yung bumili at magbibitbit, siya pa mang-iiwan.


Nandito parin naman ako sa NBS kaya naisip ko din na baka naggala lang siya. Hindi pa ako nakakalayo sa NBS, nakita ko na agad siya. Sa... Rilakkuma Store? 'Yung amazonang iyon, mahilig sa Rilakkuma?! Seryoso kayo? Grabe na nga ang nangyayari sa mundong ibabaw.


Papasok na sana ako nang makita ko 'yung pinsan ko sa loob. HALA?! Siya din?! Kailan pa siya nahilig sa bear? Walanjo talaga. Pumasok na ako at pumunta kay ano, basta, dun sa babaeng 'yon. Tumabi ako sa kaniya nang makarating ako. Mukha namang naramdaman niya ang presensya ko at napatingin siya sa akin at binalik ulit ang tingin sa mga Rilakkuma.


"Pinsan mo, may bibilhan ng Rilakkuma." Biglang sabi niya. Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Bibilhan?


"So, hindi sa kaniya 'yung bibilhin niya?" Agad naman niya akong tiningnan ng masama. Ano na naman?!


"Seryoso ka sa tanong mo? Shunga ka?"" Mabilis akong umiling dahil nagj-joke lang naman talaga ako. Masyado talaga siyang seryoso.


"Joke lang. Kanino ba niya ibibigay 'yan?"


"Aba malay ko! Ako ba siya?" Sagot niya sabay irap.


Tumingin siya sa parte kung nasaan si Theo. Nabigla na lang ako nang bigla niya akong itulak sa may dulo para hindi kami makita ni Theo.


"Bakit ka ba nagtatago?" Tanong ko sa kaniya.


"Nakakaasura kaya ang pagmumukha ng pinsan mo." Sabi niya sabay irap na naman. Ang hilig umirap nito, sarap tanggalan ng eyeballs.


Hinintay naming makaalis si Theo sa counter at lumabas ng store. Nang makalabas na siya, pumunta na kami sa may counter. Limang Rilakkuma ang bibilhin niya. Bakit ang dami?!


"₱2839.95 po lahat." Bakit ang yaman niya?! Nagbigay siya ng ₱3000.00 "May piso po kayo?" Syempre ate, may ₱3000.00 nga siya e, piso pa kaya?

Are jokes really HALF-MEANT?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon