Chapter NINE - AWAY PA!

119 11 8
                                    

KORIN'S P.O.V.

"KORIIIIIIIIN!"

"KALALAKING TAO, ANG INGAY MO!" Bakit ba mukhang masaya 'tong Theo the monkey? Tsk.

"Galit ka?"

PUSA KA! SIGE MAGPA-CUTE KA PA, PUPUGUTAN TALAGA KITA NG ULO! Pano ako hindi magagalit kung 'yug weekend ko nasayang lang?! Bwiset!

"Hindi ba halata?" Iniwan ko na siya don at pinuntahan sila Keigh.

"Ang panget ng mukha mo. Parang kang naubusan ng kalaro sa playground." Bungad agad ni Keigh at Mich. Ang bait talaga ng mga kaibigan ko no?

"Oo nga Kors. Anong problema mo?" –Quen

"Huhu. Nasayang lang 'yung weekend kooo!"

"Wala kang natapos no? Hoy, simulan mo na 'yung survey mo ineng, sa Friday na 'yon!" –Mich.

"SHHHHHIIIIIIYEEET!"

"Nakalimutan niya! Aww naman!" Pusang gala 'tong sila Mich at Keigh.

"Huuuy! Tulungan niyo na akooo!"

"Ano ba 'yun?" Singet ni Yan at Alfred. Buti naman may balak silang magsalita no? Lagi ngang nandito, hindi  naman nagsasalita.

"Wala pa ngang akong topic!"

"ANG INGAY MO! Eto na nga diba?! Tutulungan na!" Galit na si Miiich!

"Sorry na po! Ano na nga kasi?"

"Nag-iisip na nga diba? Pwedeng saglit?" Galit na nga!!

"WAAAAAH!"

Napatingin kami bigla kay Jane. Bakit ba nasigaw 'to?

"ALAM KO NAAA!"

"Huh? Ang alin?" Tanong naming except kay Mich. KJ eh.

"Alam ko na ang magandang topic para dyan sa survey mo!"

"Talaga? Ano?" Tanong ko.

"Are jokes really half-meant?" Nagkatinginan sila Mich at Jane.

Ahhh! Kaya pala hindi sumabay si Mich. Baka naisip na din niya 'yun!

"OO NGA!"

"MAGANDA YAN."

"AYOS NA PROBLEMA MO KORS."

"SAKTO YAN."

"Since natanong mo na kami niyan, dagdag na 'yun sa survey mo." Sabi ni Mich.

"Pano niyo naman naisipan 'yan?"

"Magaling kami eh." Sabay na sabi nila Jane.

" Yeah, seriously? 'Yung totoo kasi?!"

"Yan naman kasi 'yung bumabagabag sa'yo nung weekend diba? Edi 'yan na lang para malaman mo na din ang mga katanungan mo." -Mich

"Ang lalim Mich! Grave na! Nakakadugo sa ilong!" –Keigh

"Shut up. Hindi ko hinihingi ang opinion mo." –Mich

"*pout*" –Keigh

"Tigilan mo nga 'yang kaka-pout mo! MUKHA KANG BIBE!" Sabay na saway ni Quen at Mich kay Keigh.

"HAHAHAHAHAHAHAHHA." Shet! Nakakatawa talaga!

"Ang sama niyo! Back to the topic na nga!" –Keigh

"Sasamahan niyo ako sa pagsu-survey ha?" Nakakahiya naman kasi kapag mag-isa lang.

"Sure thing." –Mich

"Oo naman!" –Keigh

"Sigesige." –Jane

Are jokes really HALF-MEANT?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon