Overthink
“Fallus, go home. Wala ako sa mood makipagbangayan ngayon sayo.” Pagtataboy ko rito, kasabay nang pagtalakbong ko sa kumot.
Hindi ko alam kung bakit ito narito ito ngayon. Anong oras na ba? Tapos na ba ang mga itong mag-inuman? Nasaan na ang nililigawan niya? Iniwan niya?
Kalmado na ako ngayon pagkatapos ng mga naisip ko kanina. Napagdesisyon ko rin na wag akong masyadong mag selos o magalit pagdating sa mga babae ni Fallus dahil una sa lahat ay wala akong karapatan. Pangalawa, damdamin ko ito kaya dapat ay resposibilidad ko ito.
Hindi naman kasalanan ni Fallus na magustuhan ko siya. Hindi rin naman nito kasalanan kung wala itong gusto sa akin. Damdamin ko ito kaya dapat ako ang sisisihin kapag may nasaktan o naperwisyo akong tao.
“Sabihin mo muna kung bakit hindi ka pumunta sa amin.”
“Fallus, pwede ba, iwan mo na ‘ko?”
Hindi ito nakakatulog. Kailangan mawala ang pagkagusto ko sa kanya para mapakyuhan ko siya!
“I can’t. I’ll stay here until you decide to tell me why you didn’t go to my house,” malumanay nitong wika.
Parang tanga naman itong si Fallus!
Naramdaman ko ang paglubog ng aking kama dahil sa pag-upo nito. Marahas ko naman hinawi ang kumot na na balot sa akin. Sinalubong agad ako nito ng kan’yang nag-aalalang mga mata
“Gusto ko lang mag pahinga,” sagot ko. Umiiwas ng tingin sa kan’ya.
“You can rest there. May kwarto kayo sa kubo. Pwede ka rin magpahinga sa kwarto ko.”
Nagpasinghap ako sa tinuran nito. Gusto nito magpahinga ako sa kwarto niya? Para ano? Magalit sa akin ang nililigawan niya? Nag-iisip ba itong si Fallus?
Bumaba ako sa aking kama at kinuwa ang tuwalyang na nakasabit sa upuan. Maliligo nalang ako para may dahilan akong itaboy itong si Fallus.
“Bumalik ka na roon at baka naghihintay ang nililigawan mo.” Hindi ko napigilan ang pait sa aking boses nang magsalita ako.
So much for you handling your own feelings, Ame, huh? Bakit tunog bitter ka?
“Huh?” Kumunot ang noo ni Fallus.
Don’t tell me he’s playing safe again?
“Maliligo na ako, Fallus. Umuwi kana sa inyo at baka hinahanap kana ng liniligawan mo,” pagtataboy ko muli rito.
Pumasok ako sa bathroom at hindi na hinintay ang sagot nito. I made sure I’d spend a long time in the bathroom. Nagshampoo ulit ako kahit dalawang beses ko nang ginawa ‘yon. Ilang beses ko ring sinabunan ang sarili ko para lang lalong tumagal pa ako. Nang nasisiguro kong wala ng Fallus na nasa kwarto ko, napagdesisyon kong tapusin ang mga pinanggagawa. Since my wardrobe was outside, I was only wearing my towel when I came out of the bathroom.
“Why you tak—”
Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Fallus dahil agaran din akong bumalik sa loob ng bathroom. Tangina, nandito pa siya?
“Mimi, are you okay? Bakit ka tumakbo? Hindi ka ba nadulas diyan? Hey!”
Mariin akong nakapikit at mahigpit na hinahawakan ang aking tuwalyang tanging nakapalupot sa aking katawan habang pinapakinggan ang sunod-sunod na katok ni Fallus. Fallus has definitely seen me in a bikini before, since we often go swimming at Shire’s house, but this time is just different. Bukod sa kaming dalawa lang ngayon ang nandito, kinakabahan din ako sa kaalamang tititigan ako ni Fallus sa ganitong ayos.
BINABASA MO ANG
Unaware Feeling (Barkada Series #2)
RomanceAmethyst Santos is secretly in love with Fallus Muan. The two are like water and fire. Despite their differences and disagreements, they've found a way to create a unique harmony, and they always settled their arguments. Amethyst didn't know when sh...