Beautiful
When I got home, I immediately searched on the internet what he said. Hindi ko rin alam kung bakit ‘yon ang halos pinangkinggan ko sa loob ng ilang araw na pag re-review ko. I kinda like it, though. The message of the song is good if you want to confuse your feelings. Para ka ring hinarana ng kumanta dahil iisipin mong ikaw ang nilalaman ng bawat lirikong binabanggit niya.
Bilib din ako rito kay Fallus, eh. May tinataglay rin pala siyang ka-swetan sa katawan. Biruin mo ‘yon, ang ganda ng kanta gustong nitong i-alay sa taong gusto o magugustuhan nito.
“Finally!” Ise massaged her back of her neck after our last exam.
Halos ilang araw rin ang pag-re-review na ginawa namin, pero bilib ako sa mga kaibigan namin dahil naisingit pa nila ang inumin namin tuwing linggo. Niyaya pa ni Reiven si Rouel nang huli namin mag-inuman. I don’t know the real score between Rouel and Shire. All I know is that my kind friend is really happy around Rouel.
Shire is kind, while Erald is innocent. Ayaw kong masaktan ang dalawang kong kaibigan dahil kailan man ay hindi sila naging malupit sa iba. Si Ise, Dian at ako ay kabaligtaraan sa dalawa. Halos araw-araw kaming napapaaway. Si Dian, kahit minsan lang kaming samahan ni Ise, madalas naiisip ko mas grabe ito mag maldita kesa sa amin. That’s the reason why we’re really concerned about the two of them. Their point of views on everything are so different. Laging silang nagpapatawad at masyadong silang maunawain. That’s good, but it can also be bad, though.
“Let’s go to Pinak tomorrow?” anyaya ni Dian mabilis naman sinang-ayunan ng lahat.
Pinak is located in Candaba. Kung saan maraming street food na nagtitinda at ang tanawin ay sobrang ganda. Ang Bundok Arayat, hindi man kasing lapit sa Dam Arayat, matatanaw mo rin ito kapag pumunta ka sa Candaba dahil walang masyadong bahay ang madadaanan doon. Malalawak na taniman ng palay ang halos madadaanan kapag papunta ka roon. We go there many times but we still love it.
“Kina Shire nalang tayo mag kita-kita,” huling wika ni Ise bago kami nagpasyang umuwi na.
We’re not having our usual bonding time today. They decided to rest instead. Gusto ko rin naman ‘yon dahil halos sumakit ang buong katawan ko sa pagsasagot ng mga tanong kanina.
“Ang aga, ah,” puna ni Kuya Aris pagkababa ko sa aking sasakyan.
Sunod na tumunog ang sasakyan ni Reiven nang buksan niya ito. Tanging maliit na bakod lang ang nagbibigay ng pagitan sa bahay nila at sa amin. Kaya naman kitang kita ko mula rito ang paglabas niya sa kaniyang sasakyan. Sa kabilang banda naman, nadatnan ko si Kuya na bihis na bihis at mukhang may pupuntahan.
“Reiven, maaga kayo ngayon, ah. Walang lakad?” tanong ni Kuya. Tumayo muna ito malapit sa kaniyang sasakyan upang makausap si Reiven.
“Wala, Kuya. Pahinga muna kami. May lakad ka?”
Tumingin sa akin si Reiven kaya napatingin din si Kuya sa gawi ko. Reiven stood by the wooden fence, facing us, his hands resting on top. Meanwhile, I leaned against my car, spinning my keys on my index finger, and listened to their conversation. Tinatamad pa akong pumasok sa loob dahil wala rin naman akong gagawin.
“Oo. Pupunta ako sa bukid. I’ll check something, bukas na kase ang harvest ng mga isda.” sagot ni Kuya at binalewala lang ako.
“Sama ako!”
Mabilis na lumabas si Reiven sa kanilang bakod at lumipat sa amin. Habang naglalakad si Reiven sa kinaroroonan namin, may bigla nalang pumasok sa isip ko habang pinagmamasdan si Kuya.
“Do you have a girlfriend, Kuya?”
I got his attention again because of my question. Ngumisi naman si Reiven nang makalapit siya sa amin. I could tell from his smirk that he’d heard what I asked for my brother. Kilala ko ito, ganitong tanungan ang gusto niya. Nawiwili kase ito at gusto-gustong nang-aasar.
BINABASA MO ANG
Unaware Feeling (Barkada Series #2)
RomanceAmethyst Santos is secretly in love with Fallus Muan. The two are like water and fire. Despite their differences and disagreements, they've found a way to create a unique harmony, and they always settled their arguments. Amethyst didn't know when sh...